Chapter 2

37 19 7
                                    

KINABUKASAN

Maaga akong nagising upang makapunta sa Café bago dumiretso ng school.

"Ma, alis na po ako" Pag-papaalam ko kay Mama habang nasa kusina ito at nag huhugas.

"Hintayin mo na yung kuya Kinn mo, para may kasabay kang pumasok ng school. Baka mamaya kung kani-kanino ka nanaman makikipagkita." Sabi ni mama.

Hays pareho talaga sila ni Kuya.

"Ma, naniniwala ka nanaman sa bakulaw kong kuya. Kanino naman ako makikipag kita aber?" Sabi ko habang nag aayos ng buhok ko.

"Sus. Yung cellphone mo kamo hanapin mo yun. Wala na tayong pambili ng bago mo." Sabi ni Mama. Napabutong hininga naman ako.

Si mama talaga.

"Calm down mother. Ako bahala dun." Sabi ko habang hinihimas ko ang kanyang balikat. Dragon pa naman ito kapag nagagalit.

"Sige na layas na kayo ng kuya mo para wala ng magulo sa bahay." Sabi ni mama.

"Ouch Mama. Parang di mo naman kami anak." Nakanguso na sabi ko.

"Atleast pogi ako." Sabi naman ng mukhang halimaw kong kuya.

"Pogi in your dreams." Sabi ko at dun ginulo ni Kuya Kinn ang aking buhok.

"Tama na yang asaran niyo, umalis na kayo baka malate pa kayo. At ikaw Kinn tulungan mo yang kapatid mo hanapin yung cellphone niya." Sabi ni mama.

At dun ay umalis na kami ni Kuya Kinn sakay sa kanyang motor.

Dumaan muna kami ni Kuya Kinn sa Café kung saan kami tumambay magt-tropa kahapon.

Pumasok kami ni kuya Kinn sa Café. Medyo madaming mga istudyante at nagtatrabaho ang nakatambay sa café kahit sobrang aga pa.

Pumunta kami ni Kuya Kinn sa order station upang mag tanong sa isang staff na nandoon.

"Ahmm.. Miss, Meron po ba kayong nakitang cellphone dito nanaiwan kahapon lang?" Tanong ko sa isang staff na nasa order station. Medyo masungit ang kanyang awra kaya medyo kinakabahan ako magtanong sa kanyan

Creepy!

"Yung pink ba na cellphone na nasa no. 7 table?" Sabi niya habang ginagawa ang isang order ng kape.

"Opo yun nga!" Sabi ko. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa balita na iyon.

"Nakita ko yun kahapon. Pero may nakakuhang isang lalaki na matangkad na nakakulay blue at white na jacket." Sabi niya habang tinatakpan ang isang cup ng kape.

"Ganun po ba? Lagi po ba nakatambay yun dito?" Tanong ko.

"Sa pag kakaalam ko. Oo, tuwing uwian diyan sa iskwelahan sa tapat nitong café, dito agad siyang tumatambay." Sabi ng babaeng staff.

CELLPHONEWhere stories live. Discover now