PUMASOK ako agad sa kwarto upang macontact ko ang cellphone numbee ni Sky na iligay niya sa aking memo.
Habang nag tatype ako ng numbee ni Sky sa contacts ko,sobrang saya ng nararamdaman ko. Pero ng makompleto ito ay bigla ako napatigil.
K-kinakabahan ako. Aisshh
Pero kahit na kinakabahan ako ay tinawagan ko parin si Sky. Habang nag riring ang telepono niya. Napapaisip ako kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya.
Hayss Caffi. Tatawag-tawag ka tapos di mo man lang alam sasabihin mo sa kanya. Mapapahiya kalang panigurado.
Dahil sa naisip ko na yun ay pinatay ko nalang ang tawag.
Habang nagmumuni-muni ako, narinig ko na tumunog ang telepono ko.Pagkatingin ko sa screen ay nakita ko ang number ni Sky.
Hala!!tumawag siya. Ano gagawin ko?
Ilang ring pa ang narinig ko bago ko ito sagutin.
"H-hello?" Sabi ko. Ramdam ko ang katahimikan ni Sky. Pero maya-maya pa ay nagsalita na rin ito.
"Sino ito? Bakit ka napatawag sa numero na 'to?" Tanong sa akin ni Sky. Medyo kinabahan ako dahil mukhang galit ito.
"S-si C-caffi ito. Yung k-kumuha ng cellphone kanina sayo." Nanginginig pa na sagot ko.
Bigla ulit tumahimik si Sky sa kabilang linya. Mukhang wala ito sa mood.
"B-busy ka ba? P-pasensiya na sa istorbo. G-gusto ko lang s-sana magpasalamat sayo. Yun lang. Salamat, ibababa ko nalang ito." Pipindutin ko na sana ang end call, pero bigla itong nagsalita.
"Wag. Hindi ka naman nakakaistorbo. Wala naman ako ginagawa." Kalmado na sinasabi niya.
"Pasensiya kana sa pag tono ko kanina sayo." Dagdag niya pa.
"A-ayos lang. Kasalanan ko naman eh. Binabaan pa kita ng tawag kanina."
"Ayos lang yun. Ano pala yung sasabihin mo?" Tanong niya.
"Mag papasalamat lang sana ako, dahil binalik mo yung cellphone ko. Tsaka sorry na din kanina dahil parang ang taas ng tono ko kanina sayo nung kinuha ko yung cellphone ko sayo."
"Ayos lang yun. Walang problema." Naiimagine ko tuloy na ngumingiti ito habang sinasabi niya.
"Ahmm. I-ibaba ko na ito. Kailangan ko na rin kasi magpahinga." Sabi ko.
"Sige. Ako rin. Kita nalang tayo bukas sa school."
At binaba na namin ang tawag.
"Kita nalang tayo bukas sa school."
Nagpaulit-ulit ito sa utak ko. At hindi ko itatanggi. Kinikilig ako dahil sa huli niyang sinabi.
Ngayon ko lang ulit naranasan na maging masaya ng ganito at kiligin dahil sa lalaki.
Nawala agad ang pagiging masiyahin ko dahil naisip ko nanaman ang nangyari kila mama at papa. At sa karelasyon ko dati.
Sana hindi ulit yun mangyari. Sana, maramdaman ko ulit na sumaya dahil sa isang tao. Sana si Sky na yung lalaki na yun.
K I N A B U K A S A N
Nagising ako dahil sa bango ng niluluto ni mama sa kusina.
Kaya kahit hindi pa ako nakapag-ayos ng sarili ko ay bumaba na agad ako upang kumain.
"Gising ka na pala." At tumingin ito sa orasan. "Ang aga mo naman at gumising."
"May naamoy kasi akong mabango Ma. Kaya nagising ako at dinala dito." Sabi ko sabay ngiti sa kanya. At siya rin ay ngumiti sakin.
Maya-maya pa ay hinanda na niya ang mga pagkain.
"Wow Ma. Paborito ko ito ah. Omelette tapos fried rice." Masaya na sabi ko habang kumikinang pa ang mga mata ko sa mga pagkain.
"Syempre. Alam na alam ko paborito mo. Alam ko kasi na pagod ka sa mga gagawin niyo sa school. At kahit pasaway ka pinagluto kita ng paborito mo. Para may sigla kang pumasok at magtrabaho."
"Naku Mama. Ang aga-aga nagpapaiyak ka kaagad ng maganda mong anak." Sabi ko sabay hawi ng buhok.
"Ikaw talaga. Bilisan mo na diyan at mag ayos kana. At wag mong kalimutan na tirhan kuya mo ng ulam."
"Bahala siya diyan. Paborito ko ito eh." Sabay nguso kay mama.
"Caffi!!." Birong sigaw ni Mama.
"Oo na po." At sabay kami tumawang dalawa.
Maya-maya pa ay bumaba na rin si Kuya Kinn at kumain.
Sabay na rin kami pumasok ni kuya sa iskwelahan. Habang naglalakad kaming dalawa, hindi ko parin maiwasan na ngumiti.
Hays. Ang ganda ng araw ko. Kagabi nalaman ko ang cellphone number ni Sky tapos nag-usap pa kami. At ngayon si Mama nagluto ng paborito kong kainin. Sana walang sumira ng magandang araw ko (✷‿✷)
.
.
.
........
YOU ARE READING
CELLPHONE
RomanceIsang babae na malas sa salitang "LOVE". Nagkahiwalay ang kanyang mga magulang at ang kanyang kauna-unahang minahal ay bigla nalang ito nawala. Isang babae na hindi na naniniwala sa pag-ibig. Isang babae na hindi makaalis sa kanyang masakit na naka...