Chapter 12

18 13 5
                                    

*Ring bell*

Nag-ayos na ako ng aking mga gamit pagkatapos ng aming last subject. Tumingin ako kay Shin at nakatulala parin ito sa labas. Napapansin ko rin, habang nag kaklase kami simula sa subject na after lunch break hanggang sa last subject namin nakatulala lang ito.

Ano nangyayari sa babae na to?

Nilapitan ko si Shin habang tinitingnan ko parin ang kanyang kabuunan.

Di man lang niya napansin yung presensiya ko.

"Ehem" pero di parin siya tumitingin sa kinanaroonan ko. Inalog ko siya at tinawag sa kanyang pangalan. Pero mukha wala si Shin sa mundo na to.

Ah alam ko na.

"FAUSTON!!!" Sigaw ko at dun ay nanumbalik ang kaluluwa ni Shin sa kanyang katawan. Hindi naman ako nahiya sumigaw dahil kami nalang din ang naiwan sa classroom.

"Sabi na eh. Kapag nakarinig ng pangalan ni Fauston gising agad kaluluwa mo noh." Sabi ko sabay ngisi na parang nang-aasar.

Tumingin naman sakin si Shin sabay nah pout lips.

"Ano problema mars? Nung nakaraan ako yung nakatulala. Ngayon ikaw naman?" Nakatingin lang ito sakin sabay huminga ng malalim at bumuga. Tumingin muli ito sa labas ng bintana.

"Hays, dahil to sa nalaman mo kanina noh." Di man lang tumingin o tumango si Shin. Pero alam ko yun lang talaga yung problema niya. "Kahit naman ako nagulat eh. Paano naging mag pinsan ang isang Fauston at Sky? Tapos pareho pa nating crush." Pero wala parin siyang himik.

"Alam mo,Mars. Wag mo na alalahanin yung kanina. Okay?" At dun ay tumingin siya sakin.

"Anong okay? Hindi okay sakin yun mars. Lalo na't magpinsan sila. Pinsan ni Sky si Fauston." Nagpout lips naman ulit siya.

"Oh ano naman kung magpinsan sila diba."

"Mars, alam mo naman siguro kung ano yung bungad ko kaninang umaga kay Sky diba. Tapos ngayon malalaman kong magpinsan pala sila ni baby Fauston ko? Paano na yan? Minus points na ako kay Fauston ko." At nagmukmok pa ito sa inuupuan niya.

Hays weirdo talaga

"Hays. Yun lang naman pala. Kaya pa naman natin mabago yung papakitungo mo kay Sky eh. Tsaka sabay kami uuwi mamaya. Kung gusto mo makabawi kay Sky bilhan mo siya ng kape o kaya samaha mo ako pumunta sa Café panigurado tatambay nanaman yun." Ngumiti naman ako sa kanya. Pumayag naman si Shin na samahan niya ako sa café.

Hindi nga ako nagkamali dahil nandun si Sky sa palagi niyang pinipwesto. Nagtatapa lang ito sa kanyang laptop.

Pumunta na ako ng counter at pinaghanda ang paboritong kape ni Sky at binigay kay Shin. Nagboluntaryo kasi si Shin na siya nalang daw magdadala dahil gusto niya rin humingi ng pasensiya sa ginawa at sinabi niya kay Sky kaninag umaga.

Nakita ko namang nag-uusap silang dalawa ni Sky pagkatapos niyang iaabot ang kape kay Sky. Nakangiti lang si Sky sa kanya habang siya naman ay parang nanginginig ang buong katawan.

Nakita ko pang inoffer ni Sky si Shin na umupo sa harapan nito. Ngumiti naman ako dahil parang okay na silang dalawa.

Nagsimula na ako tumulong kay Shekinah nang makitang ayos naman na nag-uusap ang dalawa. Minsan nga rinig na ring ko pa ang tawa ni Shin.

Maya-maya pa ay nakita kong umalis na si Shin sa table ni Sky at papalapit siya sa akin.

"Mars,uuwi na ako ah. Baka gabihin ako eh. Mamaya ko nalang ik-kwento sayo kung ano pinag-usapan namin ni Sky." Tapos nun ay kinindatan niya ako at nagbiso-biso na kaming dalawa at umalis na siya ng tuluyan.

Tumingin muna ako sa table ni Sky at nagtatapa parin ito sa kanyang laptop. Napansin ko rin na ubos na ang kanyang miryenda at kape. Tiningnan ko ang aking relo.

30 minutes pa bago matapos yung shift ko.

Pinaghanda ko muli ng isang slice ng cake at ng kape si Sky at pumunta sa table niya. Lumaki naman yung mata niya, na parang nagulat siya na pumunta ako sa harapan niya at may dalang pagkain at kape.

"Oh, alam ko naman na pagod ka kaya pinaghanda kita ng makakain at ng kape." Saad ko sabay ngiti. Ngumiti naman ito sakin at nilapag ko na ang kape at yung cake sa tabi ng laptop niya.

"30 minutes pa bago matapos shift ko. Ayos lang naman kung uuwi kana."

"Ayos lang. Kailangan ko rin kasi to matapos yung ginagawa kong report para sa english subject namin. Kaya ayos lang kung hihintayin nalang kita." Saad niya sabay ngiti sa akin.

Ang ganda talaga ng ngiti mo. Nakakatunaw.

Nagpaalam na ako sa kanya na bumalik na sa counter at nagsimula ulit ako magtrabaho.

Maya-maya pa ay naglinis na kami ni Shekinah at ng dalawa pa naming kasamahan sa Café. Ako nalang ulit na boluntaryo na magsara ng café. Umalis na silang tatlo at kami nalang ni Sky ang natira sa loob ng café.

Inaayos ko muna ang gamit ko at chineck lahat ng kagamitan kong ayos na ba ang lahat. Pumunta na ako sa table ni Sky. Nagtatapa parin siya sa laptop nito.

"Tara na. Masyado ka ng nakatutok sa laptop mo." Ngiti na saad ko. Ngumiti rin siya at niligpit ang lahat ng gamit niya at lumabas na kami sa café. Sinira ko na ang café pagkatapos nun at naglakad na kami pauwi.

Ilang minuto na ang nakakalipas, medyo malayo na kami sa café pero niisa sa amin ay tahimik lang. Hanggang sa narating na namin ang labas ng bahay namin ay wala parin kaming himik.

"Ahmm." Ako na una sumira ng katahimikan namin. "D-dito na ako. Ingat ka sa pag-uwi ah." Saad ko. Nakatingin lang si Sky sa akin.

Medyo nailang naman ako kaya nagpaalam na ako na papasok na sa loob ng bahay. Nakailang hakbang palang ako ng marinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

"Caffi." Saad niya. Napahinto ako sa paghakbang ko at napatingin sa kanya. Nakatingin parin siya sacakin ng diretso.

"Pwede bang?" Huminto muna siya sa pagsasalita. Tumingin lang ako sa kanya at hinihintay ang kanyang sunod na sasabihin.

"Pwede bang makadate ka bukas?"
Seryosong tanong ni Sky sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya na parang di makapaniwala.

Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako,kikiligin o iiyak. Para akong natunaw sa kinatatayuan ko dahil sa tanong niya. Ilang minuto ang nakalipas ng itanong niya sa akin yun.

Sasagutin ko pa ba tanong niya? Eh halata naman kung ano isasagot ko.

"Caffi?" Tawag ni Sky sakin ng hindi pa ako sumasagot sa tanong niya.

"Ahh oo." Tanging sagot ko sa kanya. Nagbigay naman ito ng takang look sa akin.

"Anong oo?" Tanong niya.

"Payag ako na makadate mo bukas."





..
.
.
.
.


THE END....

CELLPHONEWhere stories live. Discover now