KINABUKASAN
Sobrang bigat ng aking nararamdaman ng imulat ko ang aking mata. Di agad ako makabangon at sobrang inet din ng aking pakiramdam. "Mukhang nilalagnat pa ako ngayon araw. Hays" sabi ko sa aking sarili.
Unti-unti bumangon upang umupo. Sakto naman na bumukas ang pintuan at bumangad ang panget kong kuya.
"Bangon na daw diyan sabi ni Mama. Kanina ka pa namin hinihintay sa labas di ka parin bumaba. Anong oras na oh. Malalate kana sa klase mo" saad ni kuya Kinn.
Makapagsermon naman to kay aga aga. Parang may pinagmanahan talaga kay mama.
Sumunod nalang ako sa kanya at unti-unti ako tumayo. Ngunit para akong nahihilo,napansin ito ni kuya Kinn at lumapit siya sakin at inalayaan niya ako na tumayo.
"Anong nangyari sayo? Naku ang inet ng leeg mo. Humiga ka na muna diyan kukuha ako ng tubig at gamot." Dali-dali naman ito umalis sa harapan ko.
Habang hinihintay ko ang pagbalik ni kuya Kinn kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang orasan. Binasa ko na rin ang isang mensahe ni Shin sa akin.
-----------------------------------------------------------
Text Message:
Shin:
Oy mars nasaan kana?
Kanina pa kita hinihintay
Sa gate.-----------------------------------------------------------
Rereplyan ko na sana siya ng biglang pumasok si kuya Kinn na may dalang pagkain,tubig at gamot.
"Oy Caffi ano yan? Bawal ka mag cellphone. Sasakit ulo mo niyan dahil sa radiation. Magpahinga kana muna." Sabi nito sabay lapag ng dala niya sa study table ko at umupo sa tabi ko.
"Si Shin kasi kuya. Nasa labas daw siya ng gate hinihintay ako. Baka kapag di ko sinabi sa kanya na di ako makakapasok baka kawawa naman yun kakahintau sa akin." Saad ko.
"Akin na yung phone mo ako na magrereply sa kanya. Kaya mo pa ba kumilos? O susubuan nalang kita?" Tanong nito sakin. Sinabi ko naman sa kanya na kaya ko pa naman kumilos kaya kinuha niya ang pagkain ko at binigay sa akin.
Habang kumakain ako si kuya naman ay abala sa pagrereply kay Shin. Nang matapos na ako kumain ay binigyan na agad ako ni kuya Kinn ng gamot at tubig. Nang matapos na niya ako asikasuhin nag paalam na ito upang pumasok.
Mag isa lang ako sa bahay ngayon dahil namamalengke pa daw si mama para sa ulam namin mamaya at para makabili na rin siya ng mga kakailangan ko.
Habang nakatulala sa labas ng bintana. Bigla pumasok sa isipan ko ang mga binitawang salita ni Sky sakin nung gabing umuulan.
"Bakit pakiramdam ko sa bawat salita na binitawan niya kagabi. Bakit parang natatamaan ako?" Tanong ko sa aking sarili. "Hindi kaya..."
Naudlot ang aking imahinasyon at katanungan sa aking sarili ng biglang bumukas ang pintuan. Tumingin ako dito at bumungad si Mama na may dalang prutas. Inilapag ni Mama ang mga dala niyang prutas sa aking study table at umupo ito sa tabi ko.
"Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong nito sa akin.
"Ayos naman po Ma. Medyo nahihirapan pa ako kumilos." Saad ko.
YOU ARE READING
CELLPHONE
RomanceIsang babae na malas sa salitang "LOVE". Nagkahiwalay ang kanyang mga magulang at ang kanyang kauna-unahang minahal ay bigla nalang ito nawala. Isang babae na hindi na naniniwala sa pag-ibig. Isang babae na hindi makaalis sa kanyang masakit na naka...