It's FRIDAY!!!!.
Time check: 5:32 A.M.
Sobrang aga ko nagising. Sa totoo lang parang ayaw ko na rin matulog dahil gusto ko dumating yung araw at oras na magdadate kami ni Sky. Sa sobrang excited ko. 5 na ako nagising. Kahit na 7 ang simula ng klase ko.
Pumasok ako sa cr at naghilamos at nagtoothbrush. Pagkatapos ay bumaba na ako papuntang kusina. Sobrang maaga pa kaya alam ko natutulog pa sila kuya Kinn at si Mama. Ako nalang din naghanda ng pagkain naming tatlo. Tapos nun ay hinanda ko na rin ang mesa. Maya-maya pa ay nagulat ako sa isang anino sa aking harapan habang naghahain ako ng pagkain.
"Ginagawa mo? " Tanong ni kuya Kinn na nasa likod ko pala.
Hays akala ko naman kung sino.
"Naghahain ng pagkain. Ano ba nakikita mo? " Sabi ko habang pinagpapatuloy ang ginagawa ko.
"Sus. Di ka naman ganyan ah. " Tumingin ito ng maigi sa kanya. Tumingin naman din ako sa kanya at bigla napaiwas dahil alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng tingin na yun. "Hmmm. Kayo na ni Sky noh. " Muntikan ko pa mabitawan ang baso na hawak ko dahil sa sinabi niya.
"Pinagsasabi mo kuya? Nag dadate pa nga lang kam— " Bigla ako napahinto sa sagot ko sa kanya, dahil nakita ko ang kanyang ekspresyon na namapang-asar at nakakaasar.
Paktay ka Caffi!! Nadulas pa nga.
"Ha!! Date pala ah. Sabi na eh meron talagang maganda nangyari sayo ngayong araw. Di ka naman magigising ng maaga at maghain ng pagkain kung normal lang araw mo diba, minamahal kong kapatid. " Mapang-asar na sinabi ni kuya Kinn.
"Ah-eh. Ikaw nga maaga din nagising ah. Dapat nga si Mama pa nauna magising sayo eh. Bakit ikaw maaga nagising aber? " Tanong ko kay Kuya Kinn habang nakapameywang. Siya naman ay parang nag-iisip kung ano klaseng palusot ang sasabihin niya sa akin.
Hmm kala mo ah.
"Wala lang. H-hindi ako makatulog eh. " Kamot ulo niya pang sabi. Magsasalita pa sana ako ng nakita kong nagising na rin pala si Mama.
Nagulat si Mama sa aming dalawa at nagulat ito lalo na meron ng pagkain sa mesa. Tumingin ito sa wall clock na nasa kusina. Tumingin din ako dito at 6:15 palang.
Tinanung kami nito kung bakit ang aga ata namin nagising. At iisa lang ang sinabi namin ni kuya na rason at yun ay, "Hindi po kami makatulog. "
Nagsimula na kami kumain, pagkatapos namin kumain ay niligpit na ni kuya ang pinagkainan namin. Samtala ako ay pumasok na sa cr at naligo. Pagkatapos nun ay nag-ayos na ako ng mga gagamitin ko para sa school.
Pagbaba ko nakaayos na din si kuya kaya napagdesisyon ko na sumama nalang sa kanya papuntang school.
Habang naglalakad kami sa daanan papuntang school ni kuya. Tahimik lang kami na naglalakad. Parang pareho ni Sky. Sobrang tahimik. Tanging mga ingay lang ng sasakyan at mga tao na nasa paligid lang namin ang maigay.
Maya-maya pa ay nag-ehem ito. Napatingin naman ako sa kanya. Pero nakatingin lang ito sa dinadaanan namin.
"May relasyon na ba kayo ni Sky? " At dun ay napatingin na ito sa akin at ako naman ay tumingin na sa dinadaanan namin.
"Walang kami kuya ." Saad ko. Nakita ko naman na tumingin na rin ulit ito sa dinadaanan niya.
"Pero may gusto ka naba sa kanya ?" Tanong ni Kuya.
"Paano kung sabihin kung oo? Magagalit ka po ba sa akin kuya? "
"Bakit naman ako magagalit? Normal lang naman magmahal Caffi. Natatakot lang ako baka masaktan ka ulit dahil sa pagmamahal na yan. " Tumingin ako kay kuya Kinn at nahahalata ko sa kanyang mga mata ang lungkot. Huminto ako sa paglalakad ganun rin siya.
YOU ARE READING
CELLPHONE
RomanceIsang babae na malas sa salitang "LOVE". Nagkahiwalay ang kanyang mga magulang at ang kanyang kauna-unahang minahal ay bigla nalang ito nawala. Isang babae na hindi na naniniwala sa pag-ibig. Isang babae na hindi makaalis sa kanyang masakit na naka...