CHAPTER 4

28 19 6
                                    

Ilang minuto pa kami nag usap-usap at naglibot ng mga tropa ko sa parke bago maisipan na umuwi.

PAGKAUWI ko ng bahay ay bumungad agad ang mama kong rapper.

"Kamusta? Nakita mo na ba yung cellphone mo?" Tanong sa akin ni Mama habang naghahanda ito ng kakainin namin habang si Kuya Kinn naman ay nag lalaro ng video games.

"Hindi pa po,Ma. Pero maghahanap nalang po ako ng part time job para makabili ng bago at makatulong na din po sa inyo." Sabi ko. Ayos naman kay Mama na magtrabaho ako basta daw wag ko lang pababayaan ang aking pag-aaral.

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Mama ay pumunta na ako sa aking kwarto. Inayos ko ang mga gamit ko at nagpunas ng katawan. Pagkatapos nun ay humilata na ako sa aking kama.

Habang nakahiga ako sa aking kama, ay meron akong naramdaman na parang masakit sa likod ko. Tiningnan ko ang ilalim ng hinihigaan at nakita ko ang isang kwentas.

Kanino to? Bakit nandito yun?

Maya-maya ay naalala ko ito kung kanino ito nanggaling.

Kay Kyle.

Dahil sa kwentas na iyon at nabanggit nanaman ulit ang pangalan ng dati kong kasintahan ay parang bumalik ako sa dati kung kailan binigay niya itong kwentas.

~FLASHBACK~

ALAM lahat ng dati kong kasintahan na si Kyle ang mga gusto ko at mga hindi ko gusto.

Nang dumating ang araw ng ikatatlong buwan naming pagsasama. May binigay ito, at iyon ay isang kwentas na nakaukit ang kanyang pangalan. Especial sa akin yun, hindi dahil binigay niya. Kundi ito ay ginawa niya rin.

Kaya simula ng ibigay niya sa akin yun di ko yun tinanggal.

"Ang kwentas na ito ay sumisimbolo sa pag-ibig ko sayo. Dahil kahit gaano man kahirap at kahit masaktan pa ako, hindi parin ako bibitaw hangga't hindi kita mabubuo. Alam ko kahit na dumating ako sa buhay mo ay wasak parin ang puso mo dahil sa ginawa ng papa mo sa inyo. Kaya andito ako,dumating sayo upang buohin ka ulit." Sabi ni Kyle sabay ngiti.

Dahil sa kanyang matalinghagang mga salita ay napaiyak ako at yumakap ako sa kanya.

Sobrang saya ko dahil dumating si Kyle sa buhay ko. Akala ko siya na nga ang bubuo ulit sa wasaka na puso ko kagaya ng sinasabi niya. Pero, isa din pala siya sa wawasak din dun.

~END OF FLASHBACK~

NAPAPAIYAK nalang ako kapag naalala ko ang mga bawat oras na kasama ko si Kyle noon.

Sobrang mahal ko ito kaya sobrang nalilito ako noon kung magpapakatanga ba ako sa kanya o bibitawan ko nalang siya ng tuluyan?

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ko ng biglang bumukas yung pintuan.

"Kain na daw sabi ni Mama." Sabi ni Kuya Kinn. Bigla ko naman pinunasan ang aking mga luha ng pasimple upang hindi mapansin ni Kuya Kinn na umiiyak ako.

Ngumiti ako humarap sa kanya. "Tara na. Baka maubusan nanaman kita ng ulam eh." Sabi ko at nilagpasan ko na siya ng bigla niya ako hinila sa braso at pinaharap sa kanya.

"Umiyak ka ba?" Tanong ni Kuya habang tumitingin ito ng diretso sa aking mga mata.

"O-oo naman." Pagsisinungaling ko sabay ngiti.

"Alam ko nagsisinungaling kalang Caffi. Dahil nanaman ba ito kay Kyle?" Tanong ulit ni Kuya Kinn sa akin.

Si Kuya Kinn ang nakakaalam ng lahat lahat. Nagpatulong pa nga si Kyle dati kay Kuya kung paano ako ligawan at si Kuya pa ang naging tulay sa aming dalawa.

CELLPHONEWhere stories live. Discover now