BUMALIK na ako sa aming mesa ni Shin. Nagulat ito dahil bumalik ako na basa ang aking damit.
"Anyari sayo mars? Bumili kalang naman ng tubig tapos basa kana." Gulat na tanong ni Shin sa akin.
"May nakabanggaan lang ako habang umiinom ako ng tubig. Di naman sinasadya at saka kasalanan ko naman." Pagpapaliwanag ko sa kanya at nagsimula na ulit ako kumain.
"Pogi ba yung bumangga sayo?" Tanong niya sa akin na mukhang interesado nanaman siya na meron akong ikikwento sa kanya.
"Okay lang." Sabi ko habang kumakain parin.
"Okay lang? Yun lang? Wala ka talagang taste. Hmp," nagsimula na rin siya kumain pagkatapos nun.
PAGKATAPOS namin kumaing dalawa ay bumalik na agad kami sa building namin upang di kami malate sa klase namin.
Habang nagkaklase kami sa aming major subject namin ay di ko maiwasan na tumingin sa labas ng classroom namin habang nagmumuni-muni.
Sobrang pogi niya talaga. Ano kaya pangalan niya? At saka anong grade na siya? Sana makita ko ulit siya. Kahit limang segundo lang.
Maya-maya pa ay merong dumaan na isang lalaki. At laking gulat ko na siya yung naglalakad sa labas ng classroom namin. Nagsimula ako magbilang habang naglalakad ito at ako naman ay sobrang titig na titig sa kanya.
5
4
3
2
1
At dun ay nawala na siya sa aking paningin.
"Miss Axecca!" Bigla ako nagulat sa pagtawag sa akin ng aming professor. Kaya pinagtawanan ako ng mga kaklase ko dahil sa aking expression.
"Kanina pa kita tinatawag. Ano ba meron sa labas ng classroom at doon ka nakatingin? May nakikita kabang hindi namin nakikita?" Tanong ng terror teacher namin na si Ms. Axecca.
"W-wala po" Sagot ko habang nakayuko ang aking ulo dahil sa kakahiyaan.
"What is the scientific name of cell and what is the meaning?" Tanong ni Ms. Axecca sa akin habang nakatingin ito ng diretso sa akin. At para itong dragon na kapag di ko nasagot ang kanyang tanong ay bubugahan ako ng apoy.
"I-i don't know ma'am." Sagot ko habang nakayuko.
"Sit down!! Kung ano-ano kasi ang nakikita mo sa labas ng room kaya di ka nakikinig sa akin." Dahil sa lakas ng kanyang tono ay tumahimik kami lahat.
Umupo nalang ako kagaya ng utos ng prof namin sa akin at tinanong niya nalang yung iba naming kaklase.
Hays! Ano bayan Caffi. Magfocus ka. Focus. Focus. Wag mo muna siya isipin.
Nagfocus ako sa ilang minuto pang natitira sa klase ni Ms. Axecca.
Pagkatapos ng klase namin, lumapit si Shin sa akin at nagtanong kung ano nangyari sa akin kanina.
"Anyari sayo mars? Para kang lutang kanina ah." Tanong ni Shin sa akin habang nag aayos kami pareho ng mga gamit.
"Wala mars. May iniisip lang. Nga pala di ako makakasama makagala sa inyo ah. Magsisimula na kasi ako magtrabaho sa Café ngayon." Sabi ko. Kaya nalungkot si Shin. Kaya sinabi ko sa kanya na babawi nalang ako kapag wala na ako ginagawa. Kaya ngumiti na ulit ito.
PAGKATAPOS namin mag ayos ni Shin ay umalis na agad kami ng classroom. Pagkarating namin sa labas ng school ay nandoon pala ang apat na naghihintay sa amin.
Sinabi ko na rin sa kanila na hindi ako pwede makasama sa kanila gumala dahil magtatrabaho na ako. Pagkatapos nun ay naghiwalay na kaming anim.
Pumasok na ako sa loov ng Café at pumunta ng counter binigay naman ni Shekinah sa akin ang uniform ko.
(Si Shekinah ang babae na palagi kong kinakausap dito sa Café simula nung nawala ang cellphone ko.)
First day ko palang pero sobrang hassle na dahil sa sobrang customer ang dumadatin dito sa Café. Puro istudyante pa galing sa school namin ang tumatambay dito.
Maya-maya pa ay nagrequest sa akin si Shekinah na ako muna bahala sa isang order dahil tinatawag ito ng kalikasan. Pumayag naman ako.
Hinahanda ko na ang isang order na pinasa sa akin ni Shekinah. Isang piece of cake at isang iced coffee.
Pinangalanan ko yung cup ng
Sky
Tinawag ko naman ang may ari nitong order na to gamit ang mickropono.
"I call sky's attention to get his order here at the counter." Sabi ko sa mikropono. Pagkatapos nun ay naghanda ulit ako ng isang order pa.
Nang makagawa na ako ng isang coffee ay merong bigla nagtanong sa aking likuran.
"Is this mine miss?" Tanong niya.
Bigla ako humarap upang sagutin siya.
"Yes si~." Muntikan ko na mabitawan ang coffee na ginawa ko.
Nandito siya?
Nakita ko ulit yung lalaki na nakita ko sa GYM at nakabanggaan ko sa canteen kanina na hanggang ngayon di ko pa alam ang pangalan..
Hindi. alam ko na yung pangalan niya.
Tumingin ako sa cup at dun ay nalaman ko ang kanyang pangalan.
Sky
"Miss?" Tawag niya sa akin at tumitingin ito na parang nagtatanong sa kanyang sarili.
"Y-yes sir. Sa iyo po yan." Ngumiti nalang ako para hindi masyado awkward.
"Namumukhaan kita. Diba ikaw yung babaeng nakabangaan ko kanina sa lunch?" Tanong niya sa akin habang nakatitig ito sa akin.
"Y-yes sir. Sorry po pala dun sa nangyari kanina." Paghingi ko ng tawad at yumuko ng konte.
"Ayos lang. Btw, ako nga pala si Sky. And you?" Pagpapakilala niya sabay abot ng kanyang kamay upang makipagshake hands.
"A-ako po si c-Caffi." At inabot ko din sa kanya ang aking kamay at nag shake hands kami.
"Nice to meet you Caffi." Sabi niya sabay ngiti. Kaya ngumiti na rin ako kahit na parang nanginginig na ako dahil sa kuryente na dumadaloy sa aking kamay.
•
•
•
•
•
YOU ARE READING
CELLPHONE
RomanceIsang babae na malas sa salitang "LOVE". Nagkahiwalay ang kanyang mga magulang at ang kanyang kauna-unahang minahal ay bigla nalang ito nawala. Isang babae na hindi na naniniwala sa pag-ibig. Isang babae na hindi makaalis sa kanyang masakit na naka...