CHAPTER 14

5 2 0
                                    

Nakarating na kami sa canteen at pinaupo kaming dalawa ni Shin ni Sky dahil sila nalang daw ang mag o-order ni Fauston ng kakainin namin.

Habang nag hihintay sa dalawang lalaki ay kinausap ko muna si Shin na mukha wala ito sa kalagayan.

"Uy mars ano na nangyari sayo? Kung kailan nakakasama at nakakausap mo si Fauston di mo naman ito kinikibo." Tanong ko kay Shin. Sumimangot ito at nag cross arms.

"Paano ba naman. Andami daming mga babae ang umaaligid sa kanya kanina. Di man lang ito pinaalis." Saad ni Shin. Parang gusto ko tumawa dahil sa inaasal niya ngunit ayaw ko naman ito magtampo sa akin kaya ngumiti nalang ako.

"Alam mo mars. Hindi pa kayo,okay? Makapagselos ka diyan akala mo naman jowa mo na itong si Fauston." Tumingin ito ng masakit sakin at tumingin na ito sa malayo.

Kahit kailan ka talaga.

Maya-maya pa ay dumating na sila Sky at Fauston dala-dala ang mga pagkain na inorder nila. Tumabi si Fauston kay Shin at nahalata ko naman na medyo lumayo si Shin sa kanya. Di man lang ito napansin ni Fauston at kinuha niya ang kanyang pagkain at kinain ito.

Hindi ko nalang sila pinansin at nagsimula nalang rin ako kumain. Habang nasa gitna kami ng kainan naming apat ay nagtanong si Sky sakin kung manonood ba kami ng laro nila.

"Oo naman. Tsaka gusto din namin kasi namin manood ng ibang mga laro at sumuporta sa mga manlalaro natin. Tsaka baka kasama na din namin ni Shin yung apat pa naming kaibigan." Saad ko sa kanya. Tumango naman ito.

Pagkatapos namin kumain ay umalis na kami at pumunta na sa building namin. Wala paring kibo ang dalawa hanggang sa makarating na kami ng kwarto namin ni Shin. Pagkatapos kami ihatid nila Sky at Fauston sa aming kwarto umalis na din sila upang bumalik sa kanilang practice.

Dahil sa wala kaming klase dahil sa paghahanda para sa paligsahan ng paaralan namin. Konte lang ang nakatambay dito sa classroom. May iba-iba silang mundo. May nagcecellphone,naglalaro,nagkikwentuhan at kung ano-ano pa. Samantala kami ni Shin ay nakaupo lang. Siya ay nagmumukmok. Nakataob ang kanyang mukha sa mesa niya at tinatago ang kanyang mukha gamit ang dalawang kamay at ako naman ay nakatingin lang sa kanya.

Maya-maya pa ay dahan-dahan itong tinaas ang kanyang ulo at nagulat ako sa malakas niyang sampal sa mesa niya. Kahit ang ibang mga kaklase namin na nandito sa kwarto ngayon ay nagulat din sa ginawa ni Shin.

"Bakit di ko siya kinausap?" Parang bata na humagulgol si Shin sa pag-iyak. "Andun na siya eh. Pero bakit parang ang layo niya kahit magkalapit na kami?" Tumingin ito sa akin at parang matatawa ako dahil sa mukha niya na parang aso na umiiyak at nakasumimangot pa ito.

"Ayan kasi. Mas pinairal mo pa kasi yung pagdadrama mo at pagseselos mo. Kaysa sa kinausap mo na yung ultimate crush mo diba." Saad ko at nagmukmok nanaman ito sa mesa niya. Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin lang ako sa mga kaklase ko na kanina pa pala tumitingin sa direksyon namin ni Shin.

Pagkapatak ng 4:30 ay nagligpit na kami ng gamit namin ni Shin. Kakagising lang niya dahil sa pagdadrama niya kanina. Nagulat lang din ako nung nalaman ko na nakatulog na pala siya. Lumabas na kami kwarto at nang makarating na kami malapit sa hagdan nang ground floor namin ay nagulat ako na naghihintay pala ang apat naming kaibigan sa amin.

Bigla naman tumakbo papapunta si Shin sa kanila at niyakap sila isa-isa. Ako naman ay lumapit na din sa kanila at niyakap ko silang apat.

"Nakakamiss kayo ah. Bakit ngayon lang kayo nagpakita?" Tanong ni Shin sa kanila na kunwari galit sa kanyang pagtatanong.

"Masyado kasi kaming busy ngayon kahit na malapit na yung paligsahan ng mga iskwelahan natin." Sabi ni Xian.

"Kaya nga napakaunfair dahil malapit na yung paligsahan ng bawat school. Tapos malalaman namin na kayo wala kayong ginagawa buong araw. Samantala kami andaming outputs na binigay sa amin." Sabi naman ni Cath.

CELLPHONEWhere stories live. Discover now