CHAPTER 3

32 20 5
                                    

Maya-maya pa ay pumunta na si Coach sa amin upang sabihin na hindi kami makakagamit ng GYM dahil sa mga manlalaro na maghehensayo. Kaya napagdesisyonan nalang namin na bumalik na sa aming kwarto at magpahinga nalang.

"Oh ano nangyari sayo? May nakita ka bang kakaiba na hindi namin nakikita?" Tanong ni Shin sakin.

Humarap naman ako sa kanya at sinabing may nakita akong lalaking pogi. Syempre, kapag sinabi mo sa kanya yung salitang "POGI" titili talaga ito. Kaya kinulit niya ako kung nasaan ito at kung ano pangalan.

"Umalis na siya, kani-kanina lang. Tsaka hindi ko nalaman ang kanyang pangalan" Sabi ko.

"Oh eh bakit ganyan reaksyon ng mukha mo?" Tanong niya pa sa akin.

"Parang na love at first sight kasi ako ng dahil sa kanya." Sabi ko.

"Oh edi maganda. May love story ka nanamang mabubuo." Sabi ni Shin.

"Yun na nga. Panibagong sakit nanaman ang mararamdaman ko." Sabi ko.

"Wag mo na ngang problemahin yan. Malay mo din yun papatol sayo." Sabi niya sabay tawa.

Parang timang talaga to.

Pagkatapos ng pag uusapan namin ay umalis na kami sa GYM at pupunta na sa aming kwarto upang magpahinga.

Nang makarating na kami sa building namin. Nauna pumasok si Shin sa loob at ako naman ay nasa labas ng kwarto at nagpapahangin.

Kailan ko kaya siya makikita ulit?

"Pst!" Tumingin ako sa sumisitsit sa akin. Yun pala ay sila Kris at Xian lang naman.

"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" Tanong ni Xian sakin at tumabi ito sa akin.

"Yung cellphone ko kasi nawala ito kahapon dun sa tinambayan nating Café." Sabi ko. Tumigil naman sa pag sipsip ng inumin si Kris.

"Eh paano yan?" Tanong nito.

"Baka may alam kayong pwede ko ipapart time job?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Wala eh. Pero subukan lang natin magtanong-tanong." Sabi naman ni Xian.

"Teka lang bakit kayo nandito? At saka nasaan yung dalawang babae?" Tanong ko sa kanila, dahil kanina ko pa napapansin na dalawa lang pala sila.

"Wala na kasi kaming pasok. Kaya napag isipan namin na pumunta nalang dito sa inyo." Sabi ni Xian.

"At saka kasunod lang namin sila Dale at Cath. Sadyang mababagal lang talaga sila maglakad." Sabi naman ni Kris. Kaya maya maya ay merong kumurot sa kanyang tenga. Nasa likod niya na pala sila Cath at Dale na di man lang niya namalayan.

"Ano sabi mo? Sadyang mabilis lang talaga kayo maglakas ni Xian, at hindi niyo pa kami hinintay ni Dale." Sabi ni Cath habang pinipingot parin nito ang tenga ni Kris.

"A-aray! T-tama na." Magmamakaawa ni Kris kay Cath at dun ay binitawan ni Cath ang kanyang tenga.

Humarap naman si Cath sakin upang itanong kung nasaan Shin.

"Nandun sa loob. Nagmumuni-muni sa kanyang Fauston daw." Sabi ko.

Tumingin naman ang apat sa loob upang tingnan si Shin at dun ay nakita nila itong natutulog.

CELLPHONEWhere stories live. Discover now