Umayos na ang aking pakiramdam pagkatapos ng 4 araw na nakahiga lang sa aking kama at nakakulong sa sarili kong kwarto. Pumunta ang mga kaibigan ko nung 3 araw na akong di nakapasok. Sobrang saya ko ng makita sila. Mas lalo akong nabigyan ng lakas ng nakita at nakausap ko sila.
Naghahanda ako ng sarili ko para pumunta ng school. Paligsahan na kasi ng bawat school ngayon. Gusto ko pumunta upang manood at icheer ang school namin. Lalo na si Sky. Gustong gusto ko siya makita maglaro ng basketball at syempre upang isurprise na rin siya.
Hindi ko parin makakalimutan ang ginawa niya sa akin sa araw na dinalaw niya ako sa bahay. Di ko na rin inisip ang kanyang sinabi nung gabing naabutan kami ng ulan. Pakiramdam ko kasi mas lalo bumibigat yung pakiramdam ko kapag iniisip ko yung sinabi niya at sinabi ni Shin sa akin.
Bumaba na ako ng matapos ako mag ayos ng sarili. Nauna na si kuya Kinn kasama mga tropa niya. Kaya ang aking kasama ay ang mga tropa ko rin na naghihintay na sa salas.
"Tara na?" Tanong ni Xian.
"Tara" saad ko. Nag paalam na kaming lahat kay mama at tuluyan na kami naglakad papuntang school.
Habang naglalakad kami tamang kwentuhan at tawanan lang kaming lahat. Namiss ko rin ang kaingayan ng mga ito. Kaya napapangiti nalang ako at natatawa kahit na minsan ang corny na ng pinagsasabi nila.
Nakarating na kami ng school at sobrang daming mga istudyante ang nakatambay sa field namin o kaya sa mga pwede naming tambayan at sobrang dami din mga istudyante ang papasok palang ng gate kagaya namin. 10 schools kasi ang maglalaban laban ngayon. Kaya parang sasabog yung school namin sa mga istudyanteng pumupunta ngayon.
Napagdesisyonan muna namin na kumain muna sa canteen dahil nagutom kami sa paglalakad. Kahit naman parang ilang bahay lang yung layo ng school sa bahay namin.
Pumasok na kami ng canteen at sobrang daming mga tao rin nandoon. Sa palagay ko sa ibang school ang iba dito dahil di ko pa naman nakikita ang mga yun dito. Mabuti nalang at meron pang isang table na saktong sakto samin. Lumapit na kami doon upang umupo bago may makaagaw.
"Kami nalang mag oorder ni Kristoff para may magbantay dito sa table." Saad ni Xian.
Binigay nalang namin kila Xian kung anong mga pagkain na ioorder namin at tuluyan na silang umalis. Habang nasa counter ang dalawa kami namang mga babae ay nag usap usap muna.
"Grabe ang daming tao sa school ngayon." Saad ni Shin.
"Ganyan talaga kapag first day. Pero bukas hanggang sa matapos yung paligsahan dun lang uunti ang mga tao." Saad ni Dale.
"Oo nga, katulad nung last. Parang wala ng space yung school sa kadamihan ng tao tapos nung pangalawang araw pakonti konti na yung taong nanonood" Saad ni Shin.
"Nga pala, anong oras yung laro nila Sky?" Tanong ko. Tumingin sila na parang nang aasar sa akin. "Ano ba? Nagtatanong lang naman ako. Ang aga aga nanunukso nanaman kayo."
"Sabi sa akin ng Fauston ko mamayang 8 daw." sabi ni Shin.
"At kailan naman kayo nagkausap ni Fauston mo?" Tanong ni Kristoff.
"Di mo ba alam? Close na kaya kami ni Fauston. Baka nga mamaya mafall na yun sa akin."
"Tara alis na tayo baka mamaya mag-away nanaman yang dalawa." Sabi ni Xian at umalis na nga kami ngunit ang dalawa naman ay nag-aasaran habang naglalakad kami papuntang Gym.
Saktong sakto pag kadating namin sa Gym ay nagsisigawan na ang mga tao. Lalo na ang sigawan ng mga babae na akala mo parang speaker kung tumili ang mga ito. Umupo kami sa bench ng mga kaibigan ko. Wala pa naman mga players ang nakakapasok pero makasigawan ang mga tao rito wagas.
YOU ARE READING
CELLPHONE
RomanceIsang babae na malas sa salitang "LOVE". Nagkahiwalay ang kanyang mga magulang at ang kanyang kauna-unahang minahal ay bigla nalang ito nawala. Isang babae na hindi na naniniwala sa pag-ibig. Isang babae na hindi makaalis sa kanyang masakit na naka...