Pagkapasok ko sa kwarto namin. Bumungad agad kay Shin ang maganda kong pagkakangiti sa kanya.
Tumingin ito sa akin na nagtataka."Nasapian ka ba?" Unang tanong niya sa akin pag kaupo ko sa aking upuan.
Lumingon ako sa kanya na nakangiti pa rin.
"Hindi naman. Bakit bawal ba ngumiti kahit ngayong araw lang?" Tanong ko pabalik sa kanya habang nakangiti pa rin.
"Hindi naman. Parang ang creepy mo kasi tingnan ngayong araw." Sabi ni Shin.
"Bakit naman ako naging creepy? Eh totoong tao ako noh. Kahit hawakan mo pa ako." Bahagya pa akong lumapit sa kanya.
"Syempre. Sanay kami sa Caffi na sobrang tahimik kapag papasok ng iskwelahan o kaya hindi maipinta yung mukha."
"Wag kang mag-alala. Masanay ka na ganito palagi bubungad sayo,okay?" Nakangiti ko paring sabi.
"Ano ba kasi nangyari sa araw mo ngayon?"
"Wala. Basta masaya ako."
Hindi naman nagpumilit si Shin na sagutin ko ang kanyang tanong dahil dumatin na ang prof. namin sa first subject.
Andito kami ngayon ni Shin sa canteen. Kakatapos lang kasi ng dalawang subject namin. Habang kumakain si Shin sa harapan ko. Ako naman ay lumilingong sa paligid.
Nasaan kaya siya?
"Uy di ka ba kakain? Kanina ka ba lumilingon ah. Sino ba hinahanap mo?" Lumingin din ito sa likod niya.
"W-wala." Yan nalang ang nasagot ko sa kanya.
Medyo na lungkot ako dahil hindi man lang ako nakitang ni anino ni Sky. Hanggang matapos ang break time namin ay hindi ko parin ito nakikita. Kaya ang masayang Caffi kanina ay bumalik nanaman sa pagiging malungkot.
Buti nalang dahil hindi ito napapansin ni Shin. Kung hindi isang dosena nanamang katanungan ang mahaharap ko sa kanya.
Nakalabas na kami sa canteen at malapit na kami sa kwarto namin pero hindi ko parin siya nakikita.
Nakayuko akong humahakbang sa hagdanan papuntang kwarto namin. Nasa harapan ko parin si Shin dahil ayaw ko talagang makikita niyan malungkot ako.
Maya-maya pa ay isang kwarto nalang ang pagitan bago ang kwarto namin. Tumingin ako sa harap at laking gulat ko na merong isang lalaki na nasa labas ng kwarto namin.
S-sky??
.
.
.
.
.
.
YOU ARE READING
CELLPHONE
RomanceIsang babae na malas sa salitang "LOVE". Nagkahiwalay ang kanyang mga magulang at ang kanyang kauna-unahang minahal ay bigla nalang ito nawala. Isang babae na hindi na naniniwala sa pag-ibig. Isang babae na hindi makaalis sa kanyang masakit na naka...