KINAUMAGAHAN
MAAGA ako nag ayos ng sarili upang pumasok sa school. Di ko rin alam kung ano nangyari at ganon kaaga ang pagkagising ko at sobrang ganda pa ng bungad ng araw para sa akin.
"Ang aga mo ata nagising?" Tanong ni Mama habang ito ay nasa kusina at nagluluto ng agahan. Umupo ako sa upuan upang magsuot ng aking medyas at sapatos
"Ayaw ko lang po talaga malate,Ma."
"Ayaw malate o may gustong makita ng ganitong kaaga sa school?" Nagulat ako dahil bigla nalang sumulpot ang asungot kong kuya.
"Sino naman gusto ko makita aber?"
"Sino paba? Edi si Sk..." Di na natuloy ni kuya ang kanyang sasabihin dahil dali-dali kong tinakpan ang kanyang bibig.
Tinitigan ko siya ng masama at binigyan ng isang "wag kang maingay" look. Tinanggal ko ang aking kamay sa kanyang bibig at ito naman ay biglang tumawa.
"Hay naku! Napaka aga. Nag aaway kayo. Kumain na kayo at para makapunta na kayo ng school pareho." Sabi ni Mama habang nilalapag ang kanyang hinanda sa mesa.
"Aalis na po ako Ma. Sa café nalang po ako kakain. Tsaka para matulungan ko narin sila sa paglilinis doon habang wala pa akong pasok." Sabi ko at lumapit ako kay Mama upang halikan ito sa pisnge. Nag paalam na ako kay Mama at kuya Kinn.
MAYA-MAYA ay nakarating na ako sa café. Tamang tama ang dating ko dahil kakabukas palang ni Shekinah ng café.
"Oh napaka aga mo naman ata?" Gulat na tanong nito sa akin ng makita niya ako. Ngumiti ako sa kanya.
Sa katunayan niyan nung una naming pagkikita,akala ko ang hirap niyang pakisamahan dahil sa awra nito. Napakasungit kasi ng expression niya sa akin nung una. Pero nung nagsimula ako magtrabaho dito. Sobrang saya niyang kausap at katrabaho.
Pumasok na kami sa loob ng café. Alam na rin niya kung bakit napakaaga kong pumasok. Habang naglilinis kami ng café ay napag isipan ko magtanong-tanong sa kanya.
"Ilang taon ka na nagtatrabaho dito sa café?" Tanong ko sa kanya habang nagwawalis ako ng sahig habang siya naman ay naglilinis sa counter area.
"Matagal-tagal na din. Siguro mga 3 taon na din."
"Tatlong taon?!!" Gulat akong napatingin sa kanya.
Pero mukhang bata pa niya pa para magtrabaho dito ng tatlong taon.
"Ilang taon ka na ba?" Tanong ko rito.
"18 years old na ako."
Magkasing edad lang naman kami.
"Alam konakakagulat na 3 taon na ako dito. At ang bata ko pa magsimula magtrabaho dito. Pero kailangan ko rin eh."
"Di ka na ba nag-aaral?"
"Hindi na." Sabi nito at sobrang lungkot ng kanyang expression. Nalungkot din ako dahil dun.
YOU ARE READING
CELLPHONE
RomanceIsang babae na malas sa salitang "LOVE". Nagkahiwalay ang kanyang mga magulang at ang kanyang kauna-unahang minahal ay bigla nalang ito nawala. Isang babae na hindi na naniniwala sa pag-ibig. Isang babae na hindi makaalis sa kanyang masakit na naka...