NANG makita ko ang cellphone ko na hawak ni Sky ay lumapit ako dito."K-kailan mo yan nakita?" Tanong ko sa kanya habang nauutal ako dahil sa gulat.
"Nung nakaraang araw lang." Sabi sa akin ni Sky habang nakatingin ito sa akin na parang nagtataka sa aking reaksyon.
"Oh diba ito yung cellphone na hinahanap mo?" Tanong sa akin ni Shekinah.
"Oum. Akin tong cellphone na ito."
Ibinigay sa akin ni Sky ang cellphone at nagpasalamat ako dito.
"Pasensiya kana kung natagalan ang pag sa uli ko. Tsaka pasensiya kana kung nataranta kaman kakahanap ng cellphone mo." Medyo nadissapointed ako. Hindi dahil sa pagkuha ni Sky ng cellphone ko. Mukhang nagiguilty ito dahil sa reaksyon ko kanina.
"Mauuna na ako." Ngumiti ito sa akin pati narin kay Shekinah at tuluyan ng umalis.
Hinabol ko siya pagkalabas niya ng café. At humingi ng pasensiya sa kanya.
"Pasensiya kana Sky kung ang panget ng reaksyon ko kanina." Sabi ko sabay yumuko.
"Ano ka ba? Ayos lang yun. Tsaka ako nga dapat mag sorry sayo kasi di ko kaagad na sauli yung cellphone mo."
Pagkatapos nun ay nagtawanan na kaming pareho. Nagsimula na kami maglakad papuntang school. Tamang kwentuhan lang kami sabay nagtatawanan.
Mas lalo siyang gumagwapo kapag ngumingiti (。♡‿♡。)
"Hatid na kita sa kwarto niyo." Sabi ni Sky ng makapasok na kami sa loob ng campus.
"W-wag na nakakahiya eh. At saka baka malate ka pa."
"Ayos lang yun. Tsaka gusto pa kita makasama." Sabay ngiti niyang sabi.
A-ano?!! Gusto niya pa ako makasama?(・o・)
"I m-mean.. Gusto pa kita makasama dahil madami pa tayong pag kikwentuhan. Ang sarap mo kasi kakwentuhan hehehehe."
Pumunta na kami sa classroom ko habang nagkikwentuhan parin. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa classroom ko. Madami ng tao sa classroom pero mabuti nalang wala pa yung professor namin.
"Ahm. D-dito na ako. Salamat sa paghatid mo ah."
"Walang problema." Sabi ni Sky habang nakangiti parin sa akin.
Wala talaga itong hinto sa pag ngi-ngiti sa akin.
"Hoy!!! Caffi late ka nanaman." Napatingin si Shin kay Sky kaya medyo bumaba ang kanyang boses sa huling salita.
"Who you po?" Tanong ni Shin kay Sky habang parang nagpapacute pa ito. At pumunta pa talaga siya sa pagitan namin ni Sky.
Hay naku po
"Hi ahm.I am Sky." Pagsagot ni Sky sa tanong ni Shin sabay ngiti.
"Hello. Ako pala si Shin kaibigan ni Caffi. AHM boyfriend ka ba ni Caffi?" At dun ay kinirot ko sa taligiran si Shin at umaray naman ang baliw.
"Pwede ba wag mo ko ipahiya." Bulong ko rito. Ngumiti lang at nag peace sign ang buang.
"Teka si Sky yun ah. Yung kasama nila Shin at Caffi sa labas." Rinig ko na sabi ng isa namin kaibigan na babae.
"Oo nga noh."
"Tara lapitan natin."
At dun ay lumapit ang mga kaklase naming babae kay Sky. Kaya napalayo kami ni Shin kay Sky at baka kami ay madumog. Si Sky naman ay parang nagulat dahil sa mga kaklase namin pero nakangiti parin ito.
Napagdesisyonal nalang namin ni Shin na pumasok nalang sa classroom at dun ay makipagkwentuhan.
"Sino ba yun? Ngayon ko lang nakita ko yan ah. Tsaka bakit mo kasama yun?hmmm...." Nagulat ako dahil sa biglang paglapit ni Shin ng kanyang mukha sa akin.
"Akala ko ba di ka maaattract sa mga gwapong lalaki dito sa campus?" Tanong niya habang nagtataka ang kanyang mukha sa akin.
"Hindi naman talaga ah." Sabi ko sabay iwas sa paningin niya.
"Eh bakit kasama mo yung gwapong lalaki na yun? Na tinatangala ng mga kaklase nating babae?"
"Magkasabay lang kami pumunta dito sa school. Tsaka siya na din nag sabi na ihahatid niya ako dito sa classroom."
"Weh?"
Hindi ko talaga malulusutan tong babae na to.
"Oo nga tsaka siya pala yung nakapulot nung cellphone ko nung nakaraan."
"Hindi nga?!! So na balik na yung cellphone mo?"
"Oum." Sabi ko sabay tingin sa kanya.
"Edi.. ibig sabihin niyan hihinto kana sa pag tatrabaho dun?"
"Hindi na siguro. Maganda naman pagtatrabaho ko dun. Tsaka kakasimula ko pa nga lang aalis na agad ako?"
"Nga naman." Pag sasang-ayon ni Shin. Maya-maya pa ay dumating na ang proof namin. Kaya umupo na kami lahat.
Nang matapos ang pagtuturo ng proof namin ay ginroup niya kami into 3 para sa aming report.
Inatasan ako ng grouo leader namin na magresearch about sa topic namin. Pagkabukas ko ng cellphone ay may napansin ako sa aking memo na nasa home screen.
Wala naman akong nilagay na memo dati dito ah.
Dahil sa pagtataka ko ay binuksan ko ito at binisa lahat ng nandoon. Lahat ng lama ng memo ko ay ang aking mga sinusulat doon. Katulad ng mga kung ano gagawi at kung ano mga assignments at projects na kailangan ko gawin upang hindi ko makalimutan. Pero meron isang text ang pumukaw sa attention ko. Isang cellphone no. At meron pang title yun.
Tawagan mo ako kapag nakuha mo na yung cellphone na ito. Kung sino ka man. Handa ako magpaliwanag sayo. ~sky.
Yan ang nakasulat sa memo na iyon. Medyo kinilig ako doon dahil nakuha ko ang cellphone number ni Sky kahit na hindi ko ito hinihingi sa kanya.
At dahil dun,hindi na ako nakapagfocus sa sinasagutan namin. At atat na rin ako umuwi.
NANG mag ring ang bell dali-dali ako umuwi sa bahay. As usual nagdahilan nanaman ako kay Shin. Wala rin akong duty sa café dahil di pa naman ako kailangan ni Shekinah. Kaya dumiretso ako umuwi. Parang gusto ko lumipad sa totoo lang. Upang makauwi na agad.
Sa wakas, ito na yung sign upang maging malapit pa ako lalo kay Sky.(•‿•)
.
.
.
........
YOU ARE READING
CELLPHONE
RomanceIsang babae na malas sa salitang "LOVE". Nagkahiwalay ang kanyang mga magulang at ang kanyang kauna-unahang minahal ay bigla nalang ito nawala. Isang babae na hindi na naniniwala sa pag-ibig. Isang babae na hindi makaalis sa kanyang masakit na naka...