S-sky?
Tanong ko sa akin sarili. Maya-maya pa ay tumingin ito sa diretsyon ko. Bigla naman ako napaiwas ng tingin sa kanya.
"Hi Caffi." Sabi niya habang nasa harap ko ito. Nagulat naman ako dahil mabilis ito pumunta sa harapan ko.
"H-hello." Pagbati ko sa kanya. "Bakit ka nandito?"
"Hmm. Wala lang. Gusto lang sana kita yayain para mag lunch break mamaya sa canteen. Kung... Okay lang?" Dahil sa kanyang sinabi ay bigla nanaman namula ang buong mukha ko.
Si s-sky nag invite sa akin mag l-lunch?
"Ayos kalang ba?" Tanong nito dahil sa hindi ko pa pagsagot sa kanyang tanong.
"Ah eh. Oum, Hehehe. Ayos lang ako. Ahm.. pwede naman tayo magsabay." Sabi ko sa kanya habang nakangiti ako. Bahagyang napangiti naman si Sky sa akin.
Maya-maya pa ay biglang may napa-ehem sa likod ko. Pagkalingon ko dito ay si Shin pala.
Oo nga pala kasama ko nga pala kaibigan ko hehehe.
"Ah nga pala Sky, si Shin kaibigan ko. Shin si Sky." Pagpakilala ko sa kanilang dalawa. Nag shake hands naman itong dalawa. At base sa ekspresyon na binibigay ni Shin kay Sky. Parang inoobserbahan niya ang tindig at mukha nito.
Mukong talaga itong babae na to.
"So, kailan kayo nagkilala ni Caffi? Saan kayo nagkakilala? At may something ba sa inyong dalawa?" Sunod-sunod na pagkakatanong ni Shin kay Sky.
Medyo nahiya ako sa mga tinanong ni Shin. Tumingin ako sa ekspresyon ni Sky at nakangiti lang ito kay Shin. Medyo nakahinga ako ng maluwag ng dahil dun.
"Una sa lahat, nung isang araw ko lang nakilala si Caffi. Pangalawa." Sabi ni Sky habang nakataas ang kanyang kamay habang nakapeace sign. "Nagkakilala kami ni Caffi dahil nabangga niya ako sa canteen. Pangatlo, walang something sa amin."
Nang masagot na ni Sky lahat ng katanungan ni Shin sa kanya. Bigla naman napabuga ng malalim ang sira ulo kong kaibigan.
"Oh siya buti. Pwede kana umalis." Sabi ni Shin kay Sky. Medyo nagulat naman ako sa kanya sinabi. Pero wala man lang nag bago sa ekspresyon ni Sky kundi nakangiti lang ito.
Kapag ito naging awkward sakin Shin,humanda ka talaga sa akin.
Nauna ng pumasok si Shin. Habang ako ay nasalabas pa rin kasama si Sky. Tumingin ako kay Sky.
"Ahm Sky pasensiya kana sa bungad ng kaibigan ko sayo ah. Pasensiya ka na talaga."
"Haha ayos lang yun. Sige na pasok kana." Nakangiti parin sabi ni Sky.
Medyo nakakailang ang pagkakangiti niya sa akin. Pero, parang matutunaw ako sa kagandahang ngiti na binibigay niya sa akin ngayon.
"S-sige. Ikaw din. Mag-iingat ka. Kita nalang tayo mamayang lunch." At dun ay nagpaalam na kami sa isa't-isa bago ako pumasok sa loob ng room.
Pagkapasok ko sa room ay dali-dali akong umupo sa upuan at humarap kay Shin na nakatingin lang sa harapan niya.
"Uy Shin. Umamin ka nga sa akin, bakit ganun trato mo kanina ka Sky, hm?" Napaharap naman siya sa akin. Unang ekspresyon niya sa akin ay parang galit ito, pero maya-maya ay nawala din ito. At parang naging blangko ang kanyang ekspresyon.
YOU ARE READING
CELLPHONE
RomanceIsang babae na malas sa salitang "LOVE". Nagkahiwalay ang kanyang mga magulang at ang kanyang kauna-unahang minahal ay bigla nalang ito nawala. Isang babae na hindi na naniniwala sa pag-ibig. Isang babae na hindi makaalis sa kanyang masakit na naka...