NAPATITIG si Zack sa malawak na swimming pool habang malalim ang iniisip niya tungkol sa mga nagdaan niyang mga taga-alaga. Panglimang personal yaya na niya ang umalis dahil nasigawan lamang niya ito dahil sa nasira nitong gamit niya. Hindi nakatiis kaya umalis na lang ito bigla na hindi na nagpaalam sa kaniya. Thirty-two years old na si Zack, may sariling bahay, kotse, kompanya, at lahat ng mga luho ay nasa kaniya na. Kung pisikal naman ang pag-uusapan, hindi naman nalalayo ang kaanyuan niya sa mga sinasabi ng karamihan na boy next door or bachelor's in town. Kaya lamang ay may malaking bahagi ng pagkatao niya ang hindi kumpleto. Ang kaniyang mga paa. Sampung taon na ang nakararaan ng mawalan siya ng kakayahang makalakad nang dahil sa isang aksidente noon sa London. Naaksidente siya habang minamaneho niya ang kotse niya at bumangga sa kaniya ang isa pang kotse. Nagkaroon ng malaking bahagi ng joint niya ang nadurog kaya iyon ang dahilan kung kaya siya ay hindi na maaaring makatayo pa.
Mula nang aksidente rin na iyon, naging bugnutin na siya. Mailap na siya sa mga taong nakakasalamuha niya lalo na sa mga taong nag-aalaga sa kaniya ng personal. Iniwan din siya ng dati niyang nobya na mas lalong nagpapalungkot sa kaniya. Nag-iisa na lamang siya sa buhay dahil namatay na ang kaniyang ina at ang kaniyang ama naman ay nag-asawang muli. Nakatira na ito sa probinsiya at wala siyang naging kapatid. Tanging ang yaya Lukring na lang niya ang naiwan sa malaking bahay niya sa Dasmariñas Village sa Makati at dalawang katulong pa.
"Malalim na naman ang iniisip mo."
Bahagya lamang siyang nakasilip sa gilid ng kaniyang kaliwang mata nang maulinigan ang pamilyar na boses ng kaibigan niya at mismong attorney niyang namamahala ng kaniyang mga negosyo.
"Here. Nariyan na lahat ng mga papers na kailangan mong pirmahan. Pag-aralan mo na lang." Inilapag nito sa mesa ang dalawang brown envelope saka ito naupo.
"Bakit ikaw ang naghatid niyan? Where's Lora?"
"As usual. Natatakot sa'yo."
"Sabihin mo sa kaniya, pumunta siya rito kung ayaw niyang hindi sumahod ng isang buwan." May halong pagbabanta niya.
"Call her. Attorney mo ako at hindi ako messenger." Sarkastiko nitong sagot. "What's your plan? Balita ko, nilayasan ka na naman ng assistant mo. How about that? Don't you have a plan to find another assistant?"
"I don't have. I want to face this damn world alone, and I don't need a weak assistant."
"Sinigawan mo ba naman. So? Kung gusto mong harapin ang sarili mong mundo, sino ang magpapaligo sa'yo? Sino ang magpapalit ng damit mo? Don't tell me; you will do it alone?"
"Yeah," tugon niya agad.
"Oh, c'mon! You're not getting any younger, Zack. Don't act like a superman, and you can do everything. You can even change your underwear!"
"Shut up!" He was annoyed. "I can do it alone!"
"Ikukuha kita ng mag-aalaga. Lalaki na para kaya kang buhatin at hindi mahihiyang alagaan ka. Iyong lalaking hindi mahina." Mababa na ang tono ng boses nito.
"Huwag na, Raven. As I said, I can⸻"
"Huwag ng magmatigas pa kung ayaw mong mag-resign ako. Hahanap na ako ngayon din."
Noon lamang siya sumulyap sa matalik niyang kaibigan at pinagkakatiwalaang lubos. "Is that a threat?"
"Yes. Kung ayaw mong maghanap ako, pwede naman akong magpalit ng brief mo." May halong pang-aasar ang boses nito sabay ngumisi ito sa kaniya.
"Siraulo." Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon niya sa mukha.
"Of course! Mahal ang ibabayad mo sa akin. Attorney ako sa umaga, part-timer ako sa gabi. Sounds great, right?"
"Sounds unethical." Sabay napailing siya at bumaling muli sa tinatanaw niya kanina.
"Last choice mo lang ako. Don't worry, I'll find you the best one. Ayokong nakikitang nahihirapan ka sa sitwasyon mo. At saka, tigil-tigilan mo na ang pagbabasag ng mga mamahaling gamit mo. Hindi ka ba nanghihinayang sa mga iyon?"
"Wala ka na roon. Pera ko ang pinambibli kaya gagawin ko kung anong gusto ko."
"Hindi ka na talaga mapagsasabihan. Sige na at aalis na ako. Babalikan ko na lang bukas ng umaga ang mga papeles na iyan. Kailangan pirmahan mo iyan dahil kontrata iyan sa isang kontraktor natin." Tumayo na ito upang lumisan na.
"I want a woman."
"Huh?"
"You heard me. Find me a woman with whom to care and share with me in bed."
"What? Are you out of your mind?!" Muli itong nagtaas ng boses.
"Hindi ako nagbibiro. I want you to hire a woman who will be a part-timer. She will take care of me at the same time; she will be may bedmate."
"What kind of game is this, Zack? Let me know first before I grant your wish."
"It's been ten years, Raven. I think you already knew what I am supposed to put across."
Kumalma ito. "Well, baka iyan din ang sagot sa pagiging bugnutin at mainitin mong ulo. Why do you want me to find you a woman to be a part-timer, not a woman to be your wife?"
"I don't want a commitment. Magiging sagabal lang ang pag-aasawa kung yaman ko lang din ang habol niya. Maghanap ka ng matino at iyong hindi kung sino-sino lang. Kung maaari ay walang karanasan."
Napatitig ito sa kaniya. "Seryoso ka nga. Tamang-tama at magkikita kami ng mga dati kong colleagues sa BGC. May isang sikat na bar doon at maghahanap ako."
"Matino at hindi nagtatrabaho roon. Siraulo ka talaga!" Kuyom ang kamao niya.
Natawa ito. "Don't worry, ako na nga ang bahala. Magsimula ka na rin mag-eehersisyo at baka hindi ka na nakakatagal sa isang round pa lang. Oh, baka⸻" Pinasadahan siya nito nang tingin.
"Baka ano?" tanong niya sabay napakunot-noo siya.
"Nevermind. Sige at aalis na ako."
Napailing siya saka siya nito tinapik sa balikat ang tuluyan na itong naglakad palabas ng kaniyang bahay. Iyon ang tanging naisip niya mula pa kanina at baka iyon lang din ang magiging susi upang hindi na mag-init ang kaniyang ulo. Aminado siya sa sariling wala talaga siyang naranasan na mula pa noon lalo na nang iwan siya ng dati niyang nobya. Gusto na rin naman niyang subukan kung kaya pa ba niyang magpaligaya ng isang babae bago isipin ang lumagay sa tahimik. Kung hindi man papalarin, hindi na talaga niya papasukin ang bagay na iyon at hayaan na lamang na lamunin siya ng panahon.
BINABASA MO ANG
[SPG] | The Billionaire's Part-Timer | COMPLETED |
RomansaMatayog ang pangarap ni Zairah para sa pamilya niyang naiwan sa probinsiya kaya pursigido siyang magtrabaho. Sa edad na bente-otso, marami na siyang napasukang trabaho sa iba't ibang kompaniya. Naroon na ang nagpapart-time siya sa isang restobar sa...
![[SPG] | The Billionaire's Part-Timer | COMPLETED |](https://img.wattpad.com/cover/256798557-64-k742064.jpg)