"I can't find her!"
Kitang-kita niyang dismayado si Raven nang pumasok ito sa study room niya at umupo diretso sa couch. Kahit siya ay ginamit niya na ang kaniyang impluwensiya at pera upang mahanap lang ang dalaga ngunit bigo silang dalawang matagpuan ito. He tried to take a deep breath and restraint her strength while he clenched his fist. It was his fault that the woman he loves left his house that day. Ilang araw na rin nilang hinahanap ito ngunit hindi man lang nila matagpuan ang dalaga.
"I hired men to find her anywhere," he said.
"Sinubukan mo bang tawagan ang pamilya niya at alamin kung umuwi siya sa Cagayan De Oro?" tanong ni Raven sa kaniya.
"Negative. Hindi pa raw ito umuuwi sa kanila." Napasandal siya sa kaniyang swivel chair at muling napabuga nang malalim na hininga. "It's my fault."
"Yeah. It's your fault, but this is not the right time to blame yourself. By the way, you're going to States on Monday, right? Paano kung hindi natin siya makita?"
Nag-isip siya. Kung hindi nila makita si Zairah hanggang sa dumating ang araw na aalis na patungong Amerika upang magpa-bone surgery, kailangan niyang magdesisyon.
"You need to pursue your plan and I will find her. Hindi ka naman siguro magtatagal?"
"Three months if the surgery will succeed. If not, I'll be back here."
"Okay. Nag-file na rin ako ng complaint against Lara on her threats to you."
"Thanks, Raven. I owe you one."
"Not one."
"I know."
Tumayo na ito. "I need to go. Babalitaan na lang kita kapag nahanap na namin siya."
"Okay."
Nasundan na lang niya nang tingin si Raven habang papalabas ito sa kaniyang study room. Muli na naman siyang napasandal sa swivel chair saka muling napaisip. Where are you, Zairah? Hindi na rin iya matawagan ang dalaga sa cell phone nito at out of coverage na. why didn't you not call me?
Napansin niya ang cell phone niya sa ibabaw ng table at kinuha iyon. He turns on his screen, find his phone gallery and check his photos. Nakita niya agad ang hinahanap niyang larawan ng dalaga na naka-save roon. Nakuhanan niya ito habang mahimbing itong natutulog sa kaniyang braso. Now he realized that he was looking and longing for her presence. Nagsisisi siya sa sarili niya kung bakit hindi niya pa inamin dito ang tunay niyang nararamdaman. Now, he looks like those withered leaves that dumped into trashes or burn to become ashes.
He remembered Raven told him about the insemination. What if would that be successful? God! Inilapag niya ang kaniyang cell phone at napahilot sa kaniyang noo. Hindi na niya alam ang gagawin niya oras na may mangyari sa dalaga.
HALOS isang buwan na ang lumipas nang umalis siya sa poder ni Zack at nakatira siya ngayon sa Taytay. Sa bahay ng kaibigan at dating kasamahan niyang si Jhen sa Toon Company. Mabuti na lamang at natawagan agad niya ito nang kailangan niya ng tulong. Umuulan pa naman nang mga sandaling iyon at hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na sinapit niya ang pinakamapait na bahagi ng kaniyang buhay.
Pagod na pagod na rin siya sa kakaiyak na halos gabi-gabi at wala na rin siyang mailuha pa. Tila bato na ang puso niya sa poot at galit na nararamdaman niya sa lalaking pinagkatiwalaan niya nang lubos.
"Zairah!" tawag sa kaniya ni Jhen na kakarating lang galing trabaho.
"Jhen, nandiyan ka na pala."
Umupo muna ito sa sofa saka naghubad ng suot na sapatos. Siya naman ay lumapit dito at tila ramdam niyang may gusto itong sabihin.
"Alam mo ba? Pinapatanong ka sa amin ni Sir John. Kung nagawi ka ba raw sa amin o kung tuwawag ka ba sa amin."
Napakunot-noo siya. "Bakit daw?"
"Sabi mo noon na magkakilala si Sir John at iyong Zack na iyon na nanakit sa damdamin mo."
"O-Oo." Sabay tumango siya. "Hinahanap ako ni Sir John?"
"Marahil ay si Zack ang nagpapahanap sa'yo at kung nagawi ka man daw isa sa amin, sabihin lang sa kaniya. Naku, kasalanan na naman iyan ng saltik mong boss! Kapag nakita ko iyan sasapatusin ko iyan!" gigil nitong wika.
"Sira!" saway niya. Ikinuwento kasi niya rito ang lahat ng nangyari sa kanila at ni isa ay wala siyang pinaglagpas. She trusted her friend, Jhen. At ito lang din ang taong pinagkakatiwalaan niya sa ngayon.
"Ang lakas talaga ng loob ng mga mayayaman na iyan. Porkit may pera at may impluwensiya kung makapagsalita sa ating mahihirap talo pa ang may-ari ng mundo. If ever na magkaroon ako ng boyfriend, okay na sa akin iyong ordinary at may matinong trabaho."
Napapailing siya. Kilala niya itong bulgar kung magsalita at walang preno din ang bibig. Naalala na naman niya si Ann sa dalagang kaibigan.
"Kumusta pala ang trabaho mo sa AVIZA Land? Hindi ka naman nahirapan?"
"Maayos naman. Malaki ang offer nila sa akin since architect assistance ang inaplayan ko."
"Tama iyan kaysa mapunta ka sa bilyonaryong masungit na maraming frustration sa buhay. Siyangapala, nag-undergo ka na ng pregnancy test?"
Noon lang niya naalala ang tungkol sa insemination. "Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan dahil sa madami akong iniisip."
"Dinatnan ka na ba?"
"Hindi pa."
"Paano kung magbunga iyon? Babalik ka sa lalaking iyon?"
"Sa ngayon, ayoko muna siyang makita. Ang sakit ng ginawa niya sa akin. Kulang na lang ay isumpa ako ng lalaking iyon at kung magbunga man ang insemination, hindi ko ipapaalam. I want to be out of agitation and stress."
"I know you very well, Zairah. Matapang ka na babae pero pagdating sa lalaking iyon, tiklop ka rin pala. Pero ganoon talaga kapag dumaan sa usaping pag-ibig, nagiging bulag sa katotohanan. Right and then, we realize that we love the wrong person. Oh, siya at baka magkaiyakan na naman tayo rito. Magbibihis lang ako at kakain na tayo."
Bahagya lang siyang ngumiti saka siya bumalik ng kusina upang ihanda ang hapunan nila. Kailangan na niyang kalimutan si Zack at kung magbunga man ang lahat, palalakihin niya ang bata na malusog at itataguyod niyang mag-isa. Gusto na namang tumulo ang mga traydor kong luha. Akala ko ay nasaid na.
BINABASA MO ANG
[SPG] | The Billionaire's Part-Timer | COMPLETED |
RomanceMatayog ang pangarap ni Zairah para sa pamilya niyang naiwan sa probinsiya kaya pursigido siyang magtrabaho. Sa edad na bente-otso, marami na siyang napasukang trabaho sa iba't ibang kompaniya. Naroon na ang nagpapart-time siya sa isang restobar sa...