Nakarating siya sa isang sikat na Valerie Night club sa Taguig. Bukod sa mga masasarap na pagkain dito ay dinadayo ito ng mga kabataang nais takasan ang riyalidad. Marami rin sikat na mga kilala sa lipunan ang minsan napapadayo sa lugar at ibang mga music artists. Subalit ang tulad ni Zairah Iligan ay hindi pagtakas ang kaniyang ipinunta roon kung 'di ang makapagtrabaho para sa pangarap niya sa pamilya.
Pagkadating niya sa kaniyang locker, binuksan niya ito, kinuha niya ang kaniyang sapatos at ipinasok ang kaniyang dala-dalang bag. Dali-dali rin niyang ni-lock ito upang makapagpalit na.
"Zairah, nandito ka na pala. Iyong mga lamesa ay punasan mong mabuti," sambit ng kaniyang Manager na si Miss Nicole.
"Yes, Ma'am!" tugon niya.
"Iyong iba, i-ayos niyo na ang mga upuan! Magmadali na at maraming dadagsa mamaya. Kilos-kilos na!" wika naman nito sa ibang empleyado.
Iyon na lamang ang huli niyang narinig mula sa manager niyang naging malapit din sa kaniya saka niya tinungo ang bulwagan kung saan magaganap mamaya ang night life. Nakilala niya ang kaniyang manager sa isang social media. Nag-post siya noon ng kaniyang charcoal portrait at saktong ito ang naging client niya. Mabait ito sa kaniya at nang makausap niya ito tungkol sa part-time job, dito na siya dinala ng magandang dalaga.
Bitbit niya ang mga gamit niya sa pamunas at paglilinis, iyon ang routine niya bago magbukas ang club. Pagkatapos naman ay tutulong siya sa pagseserve ng mga alak at pagliligpit sa loob ng apat na oras. Minsan naman ay umaabot siya ng limang oras depende iyon sa manpower ngunit minsan naman ay inaabot siya ng madaling-araw. May mga customer din kasi na makukulit at hindi na alam kung paano dalhin ang sarili. Marami na rin siyang nakilala sa tuwing may mga bagong sampa sa club. Ang iba naman ay nagpapalipad-hangin sa kaniya ngunit hindi na lamang niya iyon pinapansin.
PASADO alas-otso ng gabi nang magsimula na ang musika sa paligid at dumami na rin ang customer nila. Nagsimula na rin silang mag-serve sa mga ito ng inumin kaya hindi rin siya magkaundagaga sa pagparoon at pagpaparito sa loob.
"Zairah!" Tinawag siya ng kaniyang kasamang si Louise. "Halika!"
Nagmamadali naman siyang lumapit dito. "Bakit?"
"Pakidala naman ito sa isang table doon sa isang sulok. May nakalagay naman na table number. Sumakit bigla ang tiyan ko."
Nakita niyang napangiwi na ang mukha nito. "Ha? Ah, sige. Akin na. Ano ba ang kinain mo?" tanong niya rito. Kinuha niya agad ang tray na may lamang alak at mga shot glass.
"Hindi ko nga alam e. Ang alam ko lang iyong kinain ko na ginataang langka. Baka nadali ako sa gata."
"Oh, siya. Ako na ang bahala rito. Magpaalam ka na lang kay manager."
"S-sige. Ikaw na ang bahala, ha."
Tumango lamang siya bilang pagtugon sabay tumalikod na ang kasama niya habang nahahabag siya rito. Hindi na kasi nito maiguhit ang mukha at sinundan na lamang niya ito ng tingin. Napapailing na lamang siya saka siya muling naglakad patungo sa table kung saan niya dadalhin ang mga alak. Medyo nagkakagulo na rin sa loob dahil sinasabayan na ng iba ang musika at halos nagsisigawan na ang iba. Nakita niya agad ang customer na pagbibigyan niya ng alak na dala ngunit bahagya siyang napatigil. Pamilyar sa kaniya ang mga ito kahit na nakakasilaw sa mata ang mga disco lights. Ang mga ka-office mates ko! Naalala niya ang sinabisa kaniya ni Jhen na tutungo ang mga ito sa kaniyang pinapasukang club. So? Wala naman akong ginagawang masama. Humugot muna siya nang malalim na hininga saka tumayo nang matuwid, taas-noo saka rumampang tila model patungo sa mga ito.
"Hi! Here's your order!" masayang bati niya sa mga kasama.
"Oh, my god! Zairah, is that you?" sambit ng ka-opisina niyang si Sheena.
"Yeah. It's me!" Inilapag niya ang mga alak sa mesa ng mga ito.
"Wow, Zairah. Totoo nga pa lang dito ka nagpapart-time?" wika naman ni Ian.
"Confirmed pala talaga ang tsismis ni Sheena sa amin," sabat ni Chie.
"So? Pwede ka pala naming mai-table niyan?" napapangiting sambit ni Oscar.
Nagtawanan naman ang lahat pagkatapos magsalita ni Oscar at sabay ang ilang mga kalalakihang kasama ay nag-apiran.
"Magkano ba ang VIP niyo rito? Baka pwede ka, Zai?" dugtong ni Joseph.
Pinigilan niya ang kaniyang sariling maaasar at ngumiti pa rin sa mga ito. "Waitress ako rito at hindi bayaran. At wala iyan dito. Sosyal na club ito."
"Sus! As if naman na hindi ka nagpapagalaw sa mga customer niyo rito. Kailangan mo ng pera, right?" asar ni Marie sa kaniya.
"Wow! Look who's talking. Baka mapahiya ka kung dadaan tayo ng ob-gyne test. At sino kaya sa ating ang nagpapagalaw sa mga lalaki? Sige na at enjoy niyo na ang gabi niyo. Have a great night, guys!" ngumiti pa siya. Tinalikuran niya ang mga itong hindi na hinintay ang sagot ng mga bruha niyang kasamahan sa opisina. As if naman na uurungan ko kayo. Hoy, bisaya ito ano! Atapang atao ito! Nagngitngit ang kalooban niya pabalik sa bar lounge nang muntik na niyang mabangga ang isang lalaking pamilyar sa kaniya.
"Oops! Sorry!" sambit ng lalaki.
"Attorney?" Napaturo pa siya sa lalaki.
"Oh, it's you! Dito ka pala nagtatrabaho?"
"Ha?" Inilapit niya ang kaniyang tenga dahil hindi niya marinig ang sinasabi nito. Masyadong crowded na sa paligid at malakas ang musikang nagmumula sa sound system sa DJ's booth.
Lumapit ito sa tenga niya. "Ang sabi ko, dito ka pala nagtatrabaho. I thought it was in the other bar." Bahagya pa itong sumigaw upang marinig niya.
"Ah, oo. Hindi ko nabanggit, Attorney. May kailangan ka ba? Food, drinks? Anything else, Sir?"
"Nothing. Paalis na rin ako dahil nag-usap lang kami ng ka-meet up ko rito. Iyong offer ko sa'yo, huwag mo ng tanggihan. Malaki ang kikitain mo kumpara sa part-time mo rito."
"Sige at pag-iisipan ko!"
"Okay. I will go ahead!" Sumenyas lang ito saka ito umalis.
Nasundan na lamang niya ng tingin si Raven na may kasamang ibang lalaki rin. Napakagiliw nito magsalita at may pagkapalabiro kaya hindi niya maiwasang pagkatiwalaan ang lalaki. Nagtitiwala ka na, Zairah? Baka strategy niya lang iyon. Bahala na nga!
BINABASA MO ANG
[SPG] | The Billionaire's Part-Timer | COMPLETED |
RomanceMatayog ang pangarap ni Zairah para sa pamilya niyang naiwan sa probinsiya kaya pursigido siyang magtrabaho. Sa edad na bente-otso, marami na siyang napasukang trabaho sa iba't ibang kompaniya. Naroon na ang nagpapart-time siya sa isang restobar sa...