She already feels her morning sickness everytime she got up from the bed. Kung hindi siya nagsusuka ay nawawalan siya ng ganang kumain. Minsan naman ay ayaw niya sa amoy ng bawang at kapag nag-cravings naman siya ay isusuka lang niya. Her ob-gyne said that it was normal for pregnant woman.
Lahat na rin ng mga pananamlay niya, pananakit ng ulo at ang katamarang maligo ay naranasan niya habang lumalaon ang mga araw. She's eight weeks pregnant and part of her first trimester. Nagiging moody na rin siya ngunit kailangan niyang umaktong normal lalo na at hindi pa alam ng pinapasukan niyang buntis siya. Mabuti na lang at nag-file siya ng leave ng isang linggo dahil baka himatayin lang siya pagpasok niya. She needs to adjust herself at take a relax. Baka makasama pa sa dinadala niya ito kung ipipilit niya ang sarili.
"Zai, hindi ka papasok?" tanong sa kaniya ni Jhen.
Nakabaluktot pa siya sa kama saka niya sinulyapan ang kaibigan. "Naka-leave ako."
"Why? May sakit ka?"
"Masama lang ang pakiramdam ko. Alam mo na at first trimester ko pa ngayon."
"Ganoon ba. Mabuti naman at work from home din ako ngayon kaya dala ko iyong laptop sa office. Anong gusto mong breakfast?"
"Wala."
"Wala? Kumain ka kahit kunti dahil may gamot kang iniinom."
"I'm okay, Jhen. Asikasuhin mo na ang trabaho mo at ayos lang ako rito. Gusto ko lang matulog."
"Siyangapala, hindi ba may event sa inyo mamayang gabi? I mean, iyong welcome back party ata iyon ng boss niyo sa company niyo?"
"Naalala mo pa pala iyon? Alam na sa office na hindi ako makakapunta dahil masama ang pakiramdam ko." Bumangon siya dahil naramdaman na naman niya ang pangangasim ng kaniyang sikmura.
"Tama lang iyan at huwag ka munang dumalo at baka himatayin ka lang doon."
Hindi na niya tinugon ang kaibigan at dire-diretso na siyang sumugod sa banyo. Doon na naman niya ibinuhos ang kaniyang masamang pakiramdam sa katawan dahil na rin sa kondisyon niya. Kailangan din niyang tiisin iyon alang-alang sa sanggol na umaasa sa kaniya.
PASADO alas-nuebe ng gabi at hindi pa rin siya dinalaw ng antok. May gusto siyang kainin at hindi naman niya maaaring abalahin si Jhen sa taas na nag-over time pa dahil urgent ang ginagawa nito.
Umakyat siya sa kanilang kwarto at kumuha ng pera. Nagbihis na rin siya upang hindi siya malamigan sa labas.
"Aalis ka?" tanong ni Jhen sa kaniya.
"May biblhin lang ako sa labas."
"Ano naman?"
"Hindi ko nga rin alam."
"Twenty-four hours iyong pares ni Aling Maming sa labasan at kung makarating ka roon ay bilhan mo ako."
"Sige."
"Kaya mo?"
"Oo naman. May mga tanod naman na nag-iikot at maliwanag naman ang paligid. Mga kabataang lang naman ang tumatambay diyan at may mga iilang street vendor."
"Okay. Magdala ka ng cell phone."
"Sige." Kinuha niya ang cell phone at inilagay niya sa bulsa ng pantalon niya.
"Ingat ka."
Ngumiti lamang siya bilang pagtugon sa kaibigan at diretsong bumaba na rin.
MALIWANAG ang kapaligiran paglabas niya at maraming tao ang nasa gilid ng kalsada. Ang iba naman ay abala sa mga iba't ibang street food, may mga bata rin naglalaro, may mga tambay at mga nag-iinuman. Napansin niya ang itim na kotse sa tapat ng bahay ni Jhen ngunit hindi na lamang iya iyon pinansin.
Naglakad-lakad lang siya at naghahanap na rin ng makakain. Amoy na amoy na niya ang barbecue sa unahan. Napuna rin niya ang nagtitinda ng fishball, kwek-kwek at kikiam ngunit wala sa mga ito ang gusto niya. Nasulyapan niya ang nagtitinda ng hilaw na mangga. Hayun!
"Ma'am, bumili ka na!" tawag sa kaniya ni Rene.
"Ikaw pala iyan, Rene." Kilala niya ito dahil lagi siya nitong binabati tuwing umaga pagpasok niya. "Bibili talaga ako."
"Naku, mura lang ito para sa magagandang tulad mo. Limang piso lang isang hiwa. Lalagyan ko ba ng bagoong?"
"Sige at bigyan mo ako ng lima."
"Parang naglilihi lang si Ma'am," birong wika nito.
Ngumiti lang siya saka dumukot siya ng barya sa kaniyang pantalon. Marami na naman siyang barya dahil sa mga sukli niya tuwing bumabiyahe siya patungo sa kaniyang pinapasukan. Nagbilang na naman siya at maingat na iniisa-isa ang mga ito dahil halos magkakaparehas na lang ang hitsura ng mga barya.
"Kulang ba ang pera mo?"
Natigilan siya sa pagbibilang nang maulinigan niya ang boses ng lalaki sa tabi niya. Nakiramdam siya at naisip niyang tila naulit ang eksenang iyon sa buhay niya. Déjà vu! Ngunit ang nagpabilis ng pagtahip ng kaniya dibdib ay ang pamilyar nitong boses. Hindi siya maaaring magkamali dahil ilang buwan din niya itong nakasama.
She slowly took her glimpse to the man beside him and her eyes widened when she recognize him. It was Zack Kraven standing beside him but the worst thing is, he doesn't sit on his wheelchair. Tumingin pa siya sa mga paa nito saka muling natuon ang paningin niya sa malamlam nitong mga mata. Naka-sombrero ito ng kulay puti, kulay puting t-shirt at denim jeans. Ni hindi na rin niya ito nakilala dahil ibang-iba ito kapag nakatayo na at mas matangkad ito sa kaniya.
"Ma'am, heto na ang mangga mo."
Bumaling siya kay Rene. "Sa'yo na ito!" Ibinigay niya ang lahat ng kaniyang barya saka kinuha ang binili niyang mangga.
"Salamat, Ma'am. Boyfriend mo?"
"Hindi!"
"Asawa!"
Sabay pa nilang binanggit iyon ngunit masama lang ang tinging ipinukol niya rito. Sa inis niya ay iniwan niya ito roon.
"Zairah!"
Narinig niyang tawag ni Zack sa kaniya ngunit hindi lang niya ito pinansin. Nakakalakad na siya? Hindi na siya lumpo? At ang lakas ng loob niyang puntahan ako rito?
"Zairah.." Sabay hinawakan nito ang braso niya.
Nagpupumiglas siya. "Let me go, Zack!"
"Hey! Hey! I will not hurt you, Zairah. Please..."
Natigilan siya nang malumanay lang ang boses ni Zack at tila nagmamakaawa sa kaniya. Bakas din sa mukha nitong hindi naman siya sasaktan at mas lalo lang siyang nataranta sa sumunod nitong ginawa.
Marahan itong lumuhod sa harapan niya habang hawak nito ang kamay niya. Hindi agad siya nakapag-react lalo na at maraming mga taong nakakita sa ginawang iyon ng dating boss niya at ama ng kaniyang ipinagbubuntis.
BINABASA MO ANG
[SPG] | The Billionaire's Part-Timer | COMPLETED |
RomanceMatayog ang pangarap ni Zairah para sa pamilya niyang naiwan sa probinsiya kaya pursigido siyang magtrabaho. Sa edad na bente-otso, marami na siyang napasukang trabaho sa iba't ibang kompaniya. Naroon na ang nagpapart-time siya sa isang restobar sa...