TILA binuhusan siya ng malamig na tubig sa narinig mula kay Lori. Hindi siya makapaniwalang ang ex-gf na alam niyang hinabol ni Zack noon ay ex-wife pala nito. Ang buong akala niya ay wala itong naging asawa at nobya lang. Ano ba talaga ang totoo?
Bahagyang lumapit pa sa gawi niya si Lori. "Sorry, ang daldal ko. Sekreto lang kasi iyon at tanging kami lang ni Abigail ang nakakaalam. Hindi ko rin alam kung alam ni Sir Zack ang bagay na iyon na may alam kami."
"It's...okay. Gusto ko rin naman malaman. Para...para may alam ako sa buhay ng boss ko." Lihim siyang napakagat-labi.
"Girl, to tell you honestly, grabe ang dinanas na hirap ng pinsan ko diyan kay Sir Zack. Kaya ngayon pa lang ay binabalaan na kita. May pagkasadista rin iyan, sabi ng pinsan ko. Mabuti na lang at umalis na talaga siya at sinadya niyang sirain ang bagong bili nitong laptop para lang mapalayas siya. Hindi ka ba niya sinasaktan?"
"H-Hindi. Hindi pa naman. Bago pa siguro ako kaya mabait siya ngayon," pagsisinungaling niya.
"Kaya mag-ingat ka rin, girl. Kung ako sa iyo, lumayo ka na agad o kaya naman ay mag-resign ka na bago pa mahuli ang lahat," wika nitong may pagbabanta.
"What about his wife? Kasal pala si Sir Zack?"
"Yes. Kasal nila nang araw na iyon pero inamin din ng araw na iyon ng babae na may iba siyang minamahal. Kaya hayun, nag-walk out at hinabol ni Sir Zack. Doon na siya na-aksidente while driving. Narinig kasi ni Abigail iyon nang may bumisita sa bahay ni Zack na magandang babae at hinihingi nitong pirmahan ang annulment ngunit hindi pumayag si Sir Zack. Parang may banta pa raw si Sir Zack na magdurusa muna ito bago pumirma dahil sa idinulot sa kaniyang sakit."
"Ganoon ba. Ang saklap naman pala ng buhay niya."
"Oh, siya. I'm go to conference room na at baka kailangan ako ni Sir Zack. Napa-tsismis pa ako. Magagalit na naman iyon. Oy, iyong sinabi ko ha. Sekreto lang natin iyon. Please?" pagsusumamo nito.
"Don't worry. Safe ang sekreto mo. Kung gaano ka ka-tahimik kanina, siya rin daldal mo. Ikaw talaga," kunwaring sambit niya.
"Oh, siya. Alis na ako!" Mabilis itong tumalikod at lumabas ng opisina.
Naiwan siya roon habang palaisipan sa kaniya ang bagay na iyon at tila may malaking naging pilat sa puso niya ang sinabi ng sekretarya ng binata. He has a wife. I mean-ex-wife! Hindi mawari ni Zairah kung bakit kailangan maglihim ni Zack sa kaniya. Bakit pa? Wala naman kaming lihim na relasyon o ano pa man. Subalit masakit pa rin sa parte niya dahil kahit ayaw niyang sabihing hindi siya aasa, naroon ang bigat na nararamdaman niya. Hindi na rin siya tuloy nakapag-concentrate sa kaniyang trabaho at iniisip niya na nagsinungaling sa kaniya si Raven o sadyang walang alam din ito.
MAGHAPONG NASA meeting si Zack at pasado alas-siyete ng gabi nang makarating sila sa bahay nito. Pagod na pagod na siya habang tahimik lang siya mula pa kanina sa biyahe. Mula pa nang malaman niya ang isa pang katotohanan tungkol sa buhay ng boss niya, tumamlay na siya.
"Are you okay?" tanong sa kaniya ng binata nang nasa loob na sila ng kwarto.
"Oo." Inilapag niya ang ibang gamit nito at ini-ayos sa mga lagayan.
"Kanina ka pa tahimik. Is there something wrong?"
"Wala naman." Umupo siya sa gilid ng kama at tumabi sa binata. "Ito na ang damit mo. Kung may kailangan ka pa, tawagan mo lang ako sa local phone."
"Zairah..."
"Hmm?" Tumingin siya sa mga mata nito.
"Can I kiss you?"
"Zack... Uhm, ipapahanda ko na ba ang dinner mo? Sasabihin ko na kay⸻"
Hinawakan din nito ang braso niya. "Hey! What's wrong with you?" kunot-noong tanong nito.
"Huh?" Napasulyap siya sa kaniyang brasong hawak ng binata. "Zack...nasasaktan ako. W-Wala naman nangyari sa akin." Nag-uumpisa na naman siyang manginig sa takot dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng binata sa braso niya.
Niluwangan iyon ni Zack nang ma-realize nitong nasasaktan siya. "I'm sorry." Sabay binitawan ang braso niya. "I'm confused. Okay ka naman kanina pero ngayon, wala ka sa mood na kausapin ako. Abala ka lang sa mga kailangan ko pero hindi ang mismong gustong-gusto ko."
"Pagod ako, Zack. Inaasikaso agad kita dahil gusto ko rin naman magpahinga. Alam kong hindi ako maaaring magreklamo dahil nasa poder mo ako, kaya lang tao rin ako at napapagod."
"Are you tired of taking care of me?"
Umiling siya. "I'm not referring to my job. I'm telling this as human."
"Sana sinabi mong masama pala ang pakiramdam mo."
"Sorry."
"Ako na ang bahala sa sarili ko. Take a rest."
"Zack..."
"Take a rest," mariin nitong tugon saka ito bumaling upang sandaling magpahinga na rin. Hindi na siya tinapunan nang tingin nito at halatang nagtatampo.
Tahimik na lamang siyang tumayo at marahang naglakad patungo sa kaniyang kwarto. Masama na ang lagay ng puso niya na sinabayan pa ng pakiramdam niyang hindi niya maintindihan. Masakit na rin ang ulo niya sa kakaisip mula pa kanina.
Nagbihis muna siya saka siya sumampa sa kaniyang kama. Upang maibsan ang kaniyang nararamdaman, doon na siya umiyak nang umiyak. May bahagi ng puso niya ang lugmok sa pagsisisi ngunit may bahagi rin ng puso niya ang natutuwa na kasama pa rin niya ang binata. Halo-halo na ang emosyon niya kaya kailangan niyang ilabas iyon. Hanggang nakatulog na lamang siya sa kakaiiyak at kakaisip.
NAGISING na lamang siyang inaapoy ng lagnat ngunit pinilit niyang bumangon upang uminom ng gamot. Halos nahihilo na siya ngunit kinaya pa rin niya. Kumuha siya ng tubig sa mini ref niya sa loob at uminom.
Pagkainom niya ay muli na siyang bumalik sa pagkakahiga at inilagay ang thermometer sa bibig niya. Ilang sandali pa ay mariin niyang tiningnan ito matapos itong tumunog. 39.9°. Ang init ko! Tinanggal niya ang thermometer at inilagay sa side table. Sumilip rin siya sa cell phone niya upang tingnan ang oras. Pasado alas-tres na ng umaga. Itutulog ko muna ito at sana maayos na ang kalagayan ko mamaya. Si Zack kaya? Nakakain kaya siya? Hay, iniisip ko pa siya kaysa sarili ko. Nagpasya na rin siyang ipahinga ang sarili.
BINABASA MO ANG
[SPG] | The Billionaire's Part-Timer | COMPLETED |
RomanceMatayog ang pangarap ni Zairah para sa pamilya niyang naiwan sa probinsiya kaya pursigido siyang magtrabaho. Sa edad na bente-otso, marami na siyang napasukang trabaho sa iba't ibang kompaniya. Naroon na ang nagpapart-time siya sa isang restobar sa...