Chapter 40

6.3K 73 0
                                    

"Are you out of your mind, Zack?" sigaw ni Raven. "You let her out of your sight? Nag-usap na tayo na huwag mo siyang pababayaan. But what did you do? Sinaktan mo ang damdamin niya!"

"I don't have a choice, Raven!" galit din niyang tugon. "How could I protect her from that damn woman because of my situation? Ni hindi ko maigawang ihakbang ang mga paa ko!"

Nagtatalo sila ngayon ni Raven matapos nitong malaman na umalis na si Zairah sa pamamahay niya. Hindi na niya ito napigilan pa dahil sa patong-patong na ang laman ng kaniyang isipan. He coudn't think about her safety in case Lara would harm her.

"That's why I am here, Zack! I'm doing my best not because I am your attorney but your best friend! At isang pagbabanta lang ni Lara, na-threatened ka na?"

"Yes! I am threatened! How if you are not here? How could you protect her? Kilala ko si Lara pagdating sa mga kagustuhan nito at gagawin nito ang lahat. I can't hide Zairah anymore and stay away from that woman because I am crippled! You heard me, I am crippled!"

"Damn, Zack!" Sabay napahampas si Raven sa mesa. "Huwag mong idahilan na lumpo ka at wala kang kakayahan! You almost forgot that you are the crippled billionaire I know and you can use your influence to hire your bodyguards!"

Napahilamos siya sa mukha habang lumalabas na ang litid niya sa leeg. Hindi siya makapaniwala sariling nagawa niyang paalisin sa buhay niya ang tanging babaeng nagpapasaya sa kaniya. And the worst thing, he said he doesn't love her. God! I am rude to her. I supposed to hurt her feelings and...I love her! Nadala siya sa mga frustrations niya sa buhay lalo na at hindi pa niya ito mabigyan ng anak. He gave her hurtful words that would turn out to hate him.

"Here!" May ipinatong si Raven sa mesa na isang folder. "Napawalang-bisa ko ang kontrata niyo ni Lara dahil nakipagnegosasyon pa ako niyan para lang tulungan ka! Para tulungan kang maging masaya at maibigay mo ang kasiyahan na hinahangand ni Zairah. All this time, Zack. Nagparaya ako. I am confident enough that you could give her a better happiness. But I was wrong! Hinayaan mo siyang mawala. What if she's pregnant? What if the insemination was successful? Maaatim mong magpalaboy-laboy sa kalsada ang mag-ina mo?!"

Hindi na siya nagsalita. Gulong-gulo na ang isipan niya at ayaw na niyang makipagtalo kay Raven. Napasulyap siya sa folder saka niya ito kinuha. Binuklat niya ito at tumambad sa harapan niya na ang papeles na iyon ay naglalaman ng pagpapawalang-bisa sa naging kahangalan niya noon.

Damn! Napahilamos na lamang siya. Nagawa niya ang lahat ng iyon at nadamay pa si Zairah. Nadamay pa ang tanging babaeng tumanggap sa kaniyang pagkatao, nag-alaga at tanging nagmamahal. Zairah...

"I will find her, but it's not for you."

"Raven... I want to go with you!"

"No!" Pigil nito. "Just stay here." Mababa na ang tono ng boses nito.

"Raven..." Gusto niyang sumama upang hanapin ang dalaga.

"Kung alam ko lang na ganito ang magiging trato mo sa kaniya sana...sana ipinaglaban ko siya kahit ikaw ang mahal niya."

"Do you love her that much?" tanong niya. Hindi niya akalain na talagang seryoso ito sa damdamin nito kay Zairah. Akala niya ay purong kalokohan lang ang alam nito.

"I told you before, I love her. Ngayon ko lang ito naramdaman ulit mula nang mamatay ang girlfriend ko. Kay Zairah ko ulit nakita ang damdaming minsan ko na rin pinigilan nang dahil sa'yo. You know, I felt jealous! Lalo na kapag kasama mo siya sa kama at—damn!"

"I'm sorry, Raven." Noon lamang siya himingi ng tawad sa kaibigan matapos nitong piliin siya noon ni Lara.

"You're lucky, Zack. You have your wealth and material thing, and you have her. She really cared about you, and I see those glimmers in her eyes every time she glimpses at you. Sa totoo lang, gusto kong umiyak sa pinaggagawa mo. But big boys don't cry." Napasinghot na lamang ito.

"Umiiyak ka." Nakatitig siya sa mga mata nitong tila namumula na.

"I'm not. Hindi ako iiyak nang dahil lang doon. I want to be a brave man and will not cry anymore."

"And you will forgive me right now?"

"I will forgive you if you will win her heart back."

"Then you will find her for me?" Mababa na rin ang tono ng boses niya tulad ni Raven.

"I told you, hindi ko siya hahanapin para sa'yo."

"How could I win her back if you won't find her?"

Nakatitig ito sa kaniya. "Nagawa mo nga siyang paalisin tapos hindi mo magawang pabalikin siya? Ihuhulog na kita sa hagdanan ng bahay mo!" banta nito.

Nahalata niyang birong pangbabanta lang iyon.

"Kalmado ka na. It means...you forgive me."

"Paano ako magagalit sa taong malaki ang pagkakautang ko? Kaso...sira naman ang bunbunan at hindi na naisip na siya itong mas matalino sa aming dalawa."

Sabay napangiti siya. Alam na niya agad kung paano mapakalma si Raven. Mabuti na lamang at nariyan ang kaibigan niyang handang umalalay sa kaniya. Paano kung wala ito sa tabi niya?

"Find her for me, Raven. May visa na kami patungong Amerika, and I want her to be with me."

"Sana naisip mo iyan noong una." Humugot ito nang malalim na hininga. "I don't know what to do with you, Zack Kraven. Akala ko ako lang may saltik sa ating dalawa pati rin pala ikaw."

"Alam ko. Alam ko rin na ako ang may kasalanan sa lahat ng ito."

"Kung buhay pa si Tita Virginia, hindi lang pangangaral ang aabutin mo."

"I'm sorry."

"Isang tanong, isang sagot. Do you love her?"

Tila narinig niya ang sariling nagtatanong kaya hindi na rin niya pinatagal ang kaniyang sagot. "Yes. And I want her to be my wife and live with me for the rest of my life."

"Good. Kahit mahirap magpaubaya, I'll do it for you."

"Thanks, Raven. You're an angel for me."

"Hindi. Isa akong anghel na nangangagat. Malaya ka ng pumirma sa divorce papers niyo. Signed it."

"I will."

Napangiti na lang silang dalawa. Nagkakaganito na naman sila nang dahil sa babae ngunit sa pagkakataong iyon ay magiging seryoso na siya ulit at hindi na niya hahayaang makawala pa ito sa paningin oras na matagpuan ulit nila si Zairah.

[SPG]  | The Billionaire's Part-Timer  | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon