Chapter 13

8.8K 96 0
                                    

MAAGANG nagising si Zairah upang mag-asikaso sa kaniyang work from home schedule. Mabuti na lang at naiuwi niya ang computer mula sa opisina at hindi pa niya alam kung paano mag-uumpisa dahil iyon ang kauna-unahang magtatrabaho siya sa bahay lang. Nasilip pa niya sa kabilang kwarto na tulog pa ang binata kaya nagmamadali na rin siyang maligo. Napaangat pa siya sa wall clock at pasado alas-sais pa lang naman nang umaga kaya kampante siya.

Pagkalabas niya ng banyo, dali-dali rin siyang nagbihis. Ilang sandali pa ay tumunog ang local telephone sa side table ng kama niya. Agad niyang tinakbo ito upang sagutin ang caller. Muntik pa siyang matalisod sa pagmamadali dahil iniisip niyang baka ang binata iyon.

"Hello?" sagot niya. Nagbubutones siya habang inipit niya sa kabilang tenga ang telepono.

"Maliligo na ako," malamig na tugon ng boses ni Zack sa kabilang linya.

"Huh?!" Napaangat muli ang tingin niya sa orasan. Six thirty pa lang, ah.  

"Bingi ka ba?"

Napakunot-noo siya. Hayun na naman ang masungit na boses ng binata. Na-imagine na naman niya ang hitsura ng mukha nito sa tuwing namimilosopo.

"I need to take a bath and I have meeting  at seven in the morning," muli nitong wika.

"Okay," tugon niya.

Ibinaba agad ng binata ang tawag saka siya bahagyang napalayo sa auditibo. Narinig niya sa kabilang linya ang pabagsak na inilapag nito ang telepono. Syete! Ambunan sana ako ng maraming pasensiya ngayong araw. Inis na tinanggal niyang muli ang pagkabutones ng suot niyang damit at nagpalit ng pambahay. Wala siyang sinabing maaga ang meeting niya. Wala siyang schedule na binigay! Pambihirang lalaking ito!

Pagkapasok niya sa kabilang kwarto, natagpuan niya ang binata sa dressing room nito sa isa pang pintong malaki. Nakaawang ang pinto kaya nakita niya agad itong namimili ng kaniyang susuotin. Dali-dali rin niyang tinungo ito upang tulungan.

"Ako na," aniya.

"Kindly prepare my clothes the next time. Hindi iyong uutusan pa kita." Muling pagsusungit ng binata sa kaniya.

"Hindi mo sinabi sa akin ang schedule mo pero sa susunod aalamin ko na. I'm sorry." Kalmado niyang tugon. "Alin ba dito ang susuotin mo?" Hindi niya alam kung alin ang dadamputin dahil sa dami ba namang polo, slacks, coat, necktie ang naroon.

Organize ang nasa loob ng dresser ng binata. Halatang mayayaman lang talaga ang mayroon niyon at may maayos na lagayan mula sa medyas, sapatos,  necktie at iba pa.

"That's why I hire you to decide. What will be the best suit for me?"

"Ha?" Napakunot-noo siya rito. Pati rin pala pagiging fashion designer kasama sa job description ko?

"Don't stare at me like that, woman."

"Okay. Let me think." Sabay pinagmasdan niyang muli ang mga nakahilirang mga polo.

"I'll wait for you outside."

Hindi na niya ito sinulyapan saka naramdaman na niyang minaniobra na ng binata ang wheelchair nito. Siya naman ay abala sa pagpili ng magandang susuotin ng binata. Kinuha niya ang kulay light blue na long sleeve, dark blue na pants at coat, dark brown leather shoes at isang pares ng medyas. Pagkakakuha niya sa mga ito ay lumabas na agad siya saka niya inilapag iyon sa kama. Tinungo na rin niya ang binata sa banyo dahil hindi na niya ito mahagilap doon. Nagpatiuna na naman siya sa banyo tapos sasabihin niya ang tagal ko.

Hindi nga siya nagkamali. Nakasimangot na naman ang mukha nito habang nakaupo na itong mag-isa sa stainless stool at tanging boxer short na lang ang nakikita niyang suot ito. Muli na naman niyang nasilayan ang kabuuan ng binata na animo'y isang normal lang naman kung titingnan. Sadyang hindi lang nito maitayo ang mga paa dahil may problema ang joint parts ng buto nito. Kaya naman pala niyang umupo.

Lihim siyang napahugot nang malalim na hininga dahil naalala na naman niya ang pinagsaluhan nila noong isang gabi. Kinuha niya ang shower at nag-set saka inumpisahang basain niya ang katawan nito habang ang binata ay nagsimula ng maglagay ng shaving cream. Napuna na rin niyang medyo mahaba na ang bigote nitong nakapalibot sa mukha.

Iyon na ang pangalawang beses niyang pinapaliguan ito dahil nag-half bath lang ito sa gabi. Binasa na niya pati ang  mga paa nito saka niya kinuha ang shower gel. Tahimik lamang silang dalawa habang nakikiramdam sa isa't isa. Pakiwari niya ay nahihiya rin ang binata sa ginagawa niya ngunit wala rin itong magawa dahil sa kapansanan nito.

"Basain mo na ang mukha at buhok ko,"  wika nito matapos itong mag-shave.

Muli niyang kinuha ang shower at itinuon bahagya sa mukha ng binata upang basain ito. Noon niya nasilayan ang malinis nitong mukha na mas lalong nagpapadagdag ng karisma ng binata. Binasa na rin niya ang buhok nito saka niya nilagyan ng shampoo. Tila may alaga siyang isang batang paslit ngunit hindi naman makulit paliguan. Ngunit natigilan siya nang hawakan ng binata ang kamay niya. Inabot nito ang shower upang e-off saka muling bumaling sa kaniya. She feels slight nervous. Kaharap niya ito habang nakaupo lang ang binatang hawak ang isang kamay niya.

"Just kiss me."

She frowned. "Huh?!"

"You heard me or I will kiss you," in his raspy voice.

"M-may meeting ka pa at—"

He grabbed her closely to him and sealed her lips with his passionate kiss. Nabigla man siya ngunit inaasahan na rin niya. Uhm! How she missed that kiss of him. Hindi na siya nanlaban dito at tinanggap niya ang lahat ng iyon. Bakit ba siya tatanggi kung sa umpisa pa lang, hinahanap-hanap na niya ito? Kung sa umpisa pa lang din ay nakasaad na ang lahat ng ito sa tinatawag nitong contract curse ngunit alam niyang hindi dapat siya umasa. Alam niyang hanggang doon lamang ang intensiyon nito sa kaniya kapalit ng malaking halagang naiabot nito. Unethical man sabihin ngunit para sa kaniya, gagawin niya ang lahat para sa kaniyang pamilya.

At ano naman kung ang lalaking si Zack ang magiging una at kahuli-hulihang lalaking aangkin sa kaniya pagnagkataon?

Naramdaman na niya ang mainit na halik na dumampi sa mga labi niya at sa ibang parte ng katawan niya habang malaya na namang naglakbay ang malilikot nitong palad hanggang sa natumbok nito ang nais.

"Uhm...!" She moaned.

[SPG]  | The Billionaire's Part-Timer  | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon