SANTORINI, GREECE is one of the Cyclades islands in the Aegean Sea. It was devastated by a volcanic eruption in the 16th century BC, forever shaping its rugged landscape. Isa ito sa mga naisip na puntahan nilang mag-asawa dahil sa magagandang lugar at tanawin na kahanga-hanga rito. Isama na ang mga ancient history na nakakatatak na sa mundo ng mitolohiyang griyego.
Zack took her to a tourist spot that often to visit first. It's a hike from Fira to Oia. Isa rin ito sa pinakada-best na gawin sa Santorini at libre ito para sa lahat! The views are incredible. The hike takes somewhere between two and five hours depending on your speed and how many pictures you stop to take along the way. Masayang-masaya siyang makasama ang kaniyang asawa rito at kahit papaano, naibsan ang kalungkutan niya.
Mula sa Imerovigli hanggang sa Oia, ito ay isang malawak na landas sa kanayunan na may kaunting mga tindahan o restaurant lamang. Ang ruta ay hindi kumpletong minarkahan ngunit medyo madaling maunawaan basta manatili sa landas na sumusunod sa gilid ng kaldera at lumakad sa hilaga. Siyempre, mainam na maglakad sa kabaliktaran ngunit mas natural ang pakiramdam na maglakad sa hilaga sa Oia at ang dulo ng isla. At ang paglalakad sa Oia mula sa mga burol sa itaas ay isang kahanga-hangang tanawin.
"It's beautiful here, Zack. Thank you for bringing me here."
"It's my pleasure."
Nakayakap ito mula sa kaniyang likuran at wala silang pakialam sa mga ginagawa ng mga tao sa paligid nila. Halos mga dayuhan din ang mga ito na nais saksihan ang magandang biyaya ng kalikasan.
"Let's go home?"
"Huh?! Kakarating lang natin dito," pagtataka niya.
"Let's make a baby again!"
"Ano?!" Napangiti siya sa tinuran nito.
"Tara na..." ungot nito sa kaniya.
Humarap siya rito. "Mister, ha. Kaninang umaga ay umulit ka pa. Aba, halos gabi-gabi na nga iyong⸻"
Hinalikan siya nito sa labi. "Hahabol at susubukan natin ulit."
Pinisil niya ang pisngi nito. "Uhm, naku! Nanggigil na naman ako sa iyo. Tara na nga!" yaya na niya. Hindi rin siya naka-hindi sa asawa niya.
THEY DO EVERYTHING just like the normal couple that took their best honeymoon. Kung saan-saan din sila nakarating sa lugar kung saan tinaguaring may mga diyos ng Olympus. Halos mag-iisang buwan din silang namalagi rito at nais din ng asawa niyang makalimot.
"Where do you want to go next, my wife?" Zack asked her when they were having their breakfast.
"Hmm, nag-iisip pa ako." Sabay kinuha niya ang isang sunny side up egg. "Kahit saan naman ay okay lang sa akin. Ikaw ang may alam sa lugar na ito." Bahagya siyang natigilan nang mahiwa ng kutsara niya ang sunny side up na malasado ang pagkaluto.
"Something wrong?"
Hindi siya sumagot. Pakiramdam niya ay gustong bumaliktad ng sikmura niya sa nakitang kulay dilaw pa ang gitna nito. Agad siyang tumayo, binitiwan ang mga kubyertos saka patakbong tinungo ang banyo.
"Zairah!"
Halos isinuka na naman niya lahat ng kaniyang kinain sa kadahilanang hindi niya maintindihan. Hindi na rin niya ngayon maintindihan din ang pakiramdam na tila naulit na naman. Sandali... Ganito ako nang nagdadalang-tao ako dalawang buwan na ang nakakaraan. Hindi kaya...
"Zairah? Are you okay?"
Napasulyap siya sa asawa niyang bakas sa mukha ang pag-aalala at agad na naroon na sa kaniyang tabi. "Biglang sumama ang pakiramdam ko nang dahil sa malasadong sunny side up."
BINABASA MO ANG
[SPG] | The Billionaire's Part-Timer | COMPLETED |
RomansaMatayog ang pangarap ni Zairah para sa pamilya niyang naiwan sa probinsiya kaya pursigido siyang magtrabaho. Sa edad na bente-otso, marami na siyang napasukang trabaho sa iba't ibang kompaniya. Naroon na ang nagpapart-time siya sa isang restobar sa...