Chapter 36

6.3K 75 0
                                    

PIKIT-MATANG sinusundan ni Zairah ang linya ng pregnancy test na ibinigay sa kaniya ni Doctor Imari Villa Acosta. Ang pinsan ni Zack na pinuntahan nila sa isang maternity hospital na pagmamay-ari nito. Agad-agad din nagtungo sila roon upang masigurong nagawa nga nila ang ilang gabi at araw na magkasiping sila. Hindi na nga niya naisip na aabot pala sila sa puntong iyon ni Zack at siya pa mismo ang nag-alok sa sariling magkaroon ng solusyon ang problema nito.

Sobrang kinakabahan siya nang mga oras na ito at kung sakaling negative ay susubok na naman sila ulit ni Zack ngunit tulad nga nang sinabi nito, baka imposible rin dahil sa aksidenteng nangyari dito. Lumipas ang ilang segundo at dismayado siyang makita ang isang guhit sa pregnancy test na ginawa niya. Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon. Napapailing siyang maingat na kinuha ito saka binalot niya sa lagayan upang ipakita sa doktor. May kirot sa isang bahagi ng puso niya dahil hindi man lang sila nagtagumpay. Pagkalabas niya ay kitang-kita niyang nakipagngitian pa si Zack sa pinsan nitong ob-gyne ngunit napawi rin nang makita siyang pormal sa mga ito.

"Oh, Zairah." Sabay tumayo ito at sinalubong siya. "How's the result?"

Ibinigay niya ang pregnancy test dito. "Negative, Doc Imari." Napasulyap agad siya kay Zack na sumeryoso na ito.

"Oh, as I expected." Tila nalungkot din ang doktora nang kunin sa kaniya at tingnan ang result. Bumalik ito sa kinauupuan. "We have to make a deep test about you Zack and also Zairah."

"What's our second option if we can't do the normal method?" Zack asked.

"Hmm... Let's make a test first for both of you. Baka may possible lang na hindi fertile si Zairah, or your doctor in America has a wrong diagnosis. Sabi mo nga Zack ay nagagawa mo ang erectile process."

"Okay. Let's do everything we can, and please do your part, Imari."

"Don't worry Zack. Naniniwala naman ako sa himala pero mas mainam na rin na dumaan kayo sa tamang proseso."

Tahimik lamang siyang nakikinig sa mga pinag-uusapan ng mga ito. Maaari nga na maging dahilan na may erectile process pa ang nangyayari sa pagkalalaki ni Zack ngunit wala na itong kakayahang magkaanak. Matapos silang makuhanan ng laboratory test ay umuwi na rin agad sila. Habang nasa biyahe ay pareho lang silang tahimik nito habang nakamasid sa mga nadadaanan at malalim na nag-iisip.

PASADO ala-una ng hapon nang sila ay makarating sa bahay nito ngunit humahangos na naman si Aling Lukring patungo sa kanila pagkababa nila ng sasakyan.

"Aling Lukring, what's the matter?"

"Zack!" Napahawak pa ito sa dibdib nang mapahinto ito sa tapat nila. "Nasa loob ang daddy mo at ang asawa niya!"

"What?! What are they doing here?!" galit nitong wika.

"Hindi ko alam at puntahan mo na lang. Kanina ka pa nila hinihintay!"

"Let's go, Zairah."

Nagtaka rin siya dahil ni minsan ay hindi pa niya nakita ang sinasabi ni Aling Lukring at ang pagkakaalam niya ay wala na ang ina ni Zack. Mabilis naman niyang tinulungan ang binatang itulak ang wheelchair nito saka sila pumasok sa loob. Naabutan nila ang mag-asawang pamilyar sa kaniya. Hindi ba't sina...

"Hi, Zack!" bati ng babae sa kaniya.

"Anong ginagawa niyo rito?" tiim-bagang sambit ni Zack.

"Are you not surprise, Zack?" tugon ng daddy niya.

"Oh! And you have a new assistant, Zack. Ipakilala mo naman kami sa kaniya."

"Kung wala kayong kailangan dito, you can go. Let's go upstairs, Zairah." utos ng binata sa kaniya.

"Sige."

"We will stay here, Zack. But don't worry, it will not take so long."

Hindi na iyon pinansin ni Zack at dire-diretso na silang nagtungo sa taas. Habang si Zairah naman ay napaisip at alam niyang kilala niya ang babae. Hindi ako maaaring magkamali. Pagpasok nila sa kwarto ni Zack ay agad niyang tinanong ang binata.

"Zack, kaano-ano mo si Mrs. Elizabeth Villa Acosta?"

Napatigil ito sa pagmaniobra sa wheelchair saka humarap sa kaniya. "I thought you don't know her."

"Siya ang...babaeng sinabi ng aking ina na pinagsanlaan ng mga magulang ko sa lupa. Nakita ko ang picture niya noong inabot ang pera sa kaniya bilang patunay na bayad na kami. Noong una, hindi ko lang pinansin ang pangalan niya na magkapareho pala kayo ng apilyedo."

"She's not my mother," mariin ang pagkasabi nito. "She's my father's second wife and the reason of my mother's death. At first, hindi ko rin alam na siya ang babaeng pinagsanlaan niyo at nalaman ko na lang iyon nang i-abot mo sa akin ang kapirasong papel. I asked you if you know the woman, but you said no, so I haven't told you about her. At ayokong nandito sila."

"Napakayaman ng mga Villa Acosta sa probinsiya namin dahil nagmamay-ari sila ng malalaking lupain. Napakatuso talaga ng tadhana dahil konektado ka pala sa pamilyang iyon, Zack."

"But it doesn't mean I belong to them." Lumapit ito sa kaniya. "Just ignore them, Zairah. Ang importante ay maayos natin ang ating mga plano. Pinaasikaso ko na rin kay Lori ang lahat ng mga papers natin patungong Amerika."

"Zack..."

"Yes?"

"What if...what if we fail?"

"Then we do the process over and over again. Are you giving up?"

Umiling siya saka lumapit dito. "Of course not."

"I'm not giving up unless you won't do this anymore."

Ngumiti siya. Bakas sa mukha ni Zack na desidido nga ito sa plano nila ngunit hanggang doon lang.

"Then we will do it again until you carry my race."

"Ay!" Nagulat siya nang hilahin siya nito paupo. "Zack, ang mga tuhod mo!"

"Don't worry about my knees. Matibay ang devil chair ko," ngiting sambit nito.

"Zack..." Muli siyang napatitig sa mga mata nito at naramdaman niya ang mainit nitong mga palad na humahaplos sa kaniyang likuran habang nakapulupot siya sa leeg nito.

"I want you, Zairah."

"Ngayon na?" bulalas niya.

"If you wanted to, yes."

"Masyado pang maaga, Zack."

"Why? May oras ba iyon na dapat nating sundin?" Namumungay ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. Bakas din sa mukha nitong masaya ito at may gusto na namang isakatuparan.

"Hindi naman sa ganoon."

"I want to make sure I could give you everything with pleasure."

"Bakit Zack? Why do you want to give me everything?" She caressed his face while staring at him.

"Do you want to know?"

"Yes." Lumapit siya sa mga labi nito saka ito dinampian ng halik.

"It's because I like you."

Mas lalo lang niyang inilapit ang labi rito at hinalikan niya ito sa narinig niya. Gusto niyang umiyak sa tuwa ngunit alam niyang magkaiba pa rin ang gusto lang kaysa mahal siya nito. Mas naisin pa niyang marinig ang salitang mahal siya ngunit ano pa ba ang hihilingin niya?

Ipinapakita naman ni Zack ang lahat-lahat sa kaniya lalo na ang muling pagsamba nito sa kaniya sa ngalan ng maka-mundong bagay. Siguro ay sapat na ang mga katagang iyon upang maniwala ako. And they shared their intimacy again on that devil chair while she's on the top of him, barely naked!

[SPG]  | The Billionaire's Part-Timer  | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon