Chapter 38

6K 76 0
                                    

MULING bumalik si Lara sa bahay ng binata at saktong siya ang humarap dahil may meeting si Zack sa mga investors nito sa kaniyang study room. Nakataas pa ang kilay ng babae habang pinasadahan siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa. Nasa sala sila ng mga sandaling iyon habang sinusubukan niyang makipagtagisan ng tingin dito.

"So?" Pinagsalikop nito ang mga braso sa dibdib. "Hindi ako nagpunta rito na para kumbinsihin ulit si Zack. Actually, ikaw talaga ang sadya ko."

"Ako?" kunot-noong tanong niya.

"Yeah. Wala naman akong ibang kausap kung 'di ikaw. Boba!"

Lihim siyang napakuyom ng kamao. Hindi siya makapaniwalang kinababaliwan ito ni Zack noon kung ganito lang din ang ugali ng kaharap niya. Pigilan mo lang ang sarili mo, Zairah.

"Nabalitaan kong nagtungo kayo sa isang ob-gyne para magpa-test. Is it true? Well, alam kong hindi mo rin naman iyon sasabihin sa akin."

"Paano mo n-nalaman?"

Natawa ito. "Poor woman! Hindi na mahalaga kung paano ko ito nalaman. Balak niyo bang magka-anak ni Zack?" Muli itong tumawa. "Nakakatawa. Kung balak niyong magkaanak para lang ma-void ang contract na pinirmahan naming dalawa, hindi kayo magtatagumpay. Alam kong hindi magkakaanak si Zack dahil sa kundisyon niya. What to expect, girl? He is impotent and worthless!"

"Ganyan ka ba talaga ka walang puso? Hindi mo naisip ang taong minsan ka rin minahal?"

"For what? It's all his fault! Nakipaghiwalay na ako sa kaniya at hindi ko alam kung bakit sumunod pa siya sa akin."

"Wala ba talagang halaga si Zack sa'yo? Iniwan mo siyang miserable noon at heto ka ngayon na babalik upang kunin ang lahat sa kaniya? How rude are you, Lara?" Gusto niyang makunsensya man lang ang babaeng kaharap.

"And who are you to tell me that thing? Ako ba? Iniisip ba niya ako? He is begging his love for me and...I was agreed with that wedding na napipilitan lang ako. Alam na niya noong una pa lang na hindi na ako pumapayag at pinagbigyan ko na lang siya. And you are blaming me?"

"Alam kong wala ako sa posisyon na sabihin sa'yo ito pero sana ay naiintindihan mo ang sitwasyon niya. Hindi na nga makalakad ang tao tapos hahabulin mo pa ang yaman na siya naman ang naghirap."

"Hmm... I smell something here." Lumapit ito sa kaniya saka ito naglakad paikot sa kaniyang kinatatayuan. "Nakikita ko sa mga mata mong may gusto ka kay Zack. Oh, you can't hide that to me 'coz I am a woman too."

Taas-noo pa rin niyang hinarap ito habang itinatago niya ang damdamin niya para sa binata. "Nagmamalasakit lang ako kay Zack."

"Nagmamalasakit? Tapos pumayag kang magkaanak kayo? Girl, it was a lame reason! Okay, ipagpalagay na lang natin na binayaran ka para lang bigyan mo siya ng anak. So, pera din pala ang habol mo? C'mon, Zairah. Kung iyan lang din naman ang reason mo, bakit hindi ka makipagtulungan sa akin? We can win against him. Let's make a contract, I will give the thirty percent of his shares and you'll become a millionaire. How is that?"

"Hindi ako mukhang pera."

"So? Anong tawag sa'yo? Santa?" Napailing ito. "Kayo talagang mahihirap. Hindi naman kayo bayani ngunit nagpapakabayani kayo. Pag-isipan mo ang sinabi ko at kumbinsihin mo siyang pirmahan ang divorce papers namin. At isa pa, huwag kang umaasa na mamahalin ka ni Zack dahil hindi rin naman siya magkakaanak, parausan ka lang! If I were you? Iiwanan ko na ang lumpo na iyon! I need to go."

Hindi na siya nakasagot kay Lara at nanatili lamang siya sa kaniyang kinatatayuan. Hindi ako mukhang pera at kailanman ay hindi ko hinahangad ang yaman ni Zack. Ngunit masakit sa kalooban niyang sabihin ang katotohanang parausan lang siya ng binata gayong wala rin naman itong kakayahang magkaanak. Hindi rin naman ito nagsabi kung ano ang status nilang dalawa at hanggang salita lang na 'I like you' ang pinaghahawakan niya.

Muli siyang umakyat sa taas at nagtungo sa kaniyang kwarto. Doon niya ibinuhos ang sakit at sama ng loob niya. Masakit pala talaga ang umasa. At masakit ang isampal sa'yo ang katotohanang parausan lang ako ng lalaking maraming naging problema sa buhay. Pero ngayon pa ba ako susuko? Ngayon ako kailangan ni Zack.

MALALIM na ang gabi at nasa kwarto na siya ng binata. Inaayos na lamang niya ang comforter nito habang mahimbing na itong natutulog. Pinagmasdan niya ang kabuuan nito ngunit habang ginagawa niya iyon ay traydor naman ang kaniyang mga luhang unti-unting namamalisbis sa kaniyang pisngi. Dali-dali niyang pinahid ito at baka makita pa ito ni Zack. Akma na sana siyang tatayo ngunit nagulat na lang siyang hinawakan nito ang kamay niya.

"Zairah..."

Sumulyap siya rito. "G-Gising ka?"

"I thought you were sleeping beside me."

"Sa kwarto na ako matutulog, Zack."

"Why?" anas nito.

"Ilang araw na akong natutulog sa tabi mo at baka malaman ng mga tao rito na...na may⸻"

"Iniisip mo pa ang sasabihin nila?"

Natahimik siya. Wala siyang mahanap na isasagot dito.

"I heard your conversation with Lara downstairs. At maaaring narinig din iyon ng mga kasambahay ko. Gusto lang niyang guluhin ang isipan mo kaya huwag mo na lang intindihin ang mga sinasabi niya."

Mas lalong nanghina na ang kaniyang kalooban ngunit kailangan na niyang manigurado sa sarili niya bago pa mahuli ang lahat. "Ano ba ako sa'yo, Zack? H-Hindi ko kasi alam kung...saan ko ilulugar ang sarili ko. Ayoko namang ipilit din ang sarili ko na sa'yo dahil alam kong wala naman talagang kasiguruhan." Nangingilid na naman ang luha niya sa mga mata.

Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa habang umiwas ang tingin niya sa ibang direksiyon.

"Just tell me the truth, Zairah. Do you love me?"

Doon na tumulo ang mga luha niya na hindi na niya napigilan.

"Just look at me, Zairah. Do you love me?" inulit nito ang tanong.

Pilit niyang pinapatatag ang sarili niya sabay pinunasan niya ang mga luha niya. Muli siyang lumingon sa binata saka siya tumango.

"I want to hear it."

"Y-Yes!"

Bumangon ito upang sakupin ang mga labi niya. Hindi na rin siya tumutol pa dahil hindi na rin niya mapigilan ang emosyon niya sa sarili. Hanggang sa wala ng mga salitang namutawi sa kanilang mga labi at tanging ang apat na sulok na lang ng kwartong iyon ang saksi sa kanilang muling pagniniig. 

[SPG]  | The Billionaire's Part-Timer  | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon