Maagang nagising sina Zairah at Zack upang maagang tumungo sa opisina ng binata. Agad na inasikaso muna niya ang binata mula sa pagpapaligo nito hanggang sa susuotin nito pagpasok. Hindi lang pag-aalaga ang ginawa niya rito dahil kahit sa fashion style nito hanggang sa pag-aayos nito sa sarili ay ginawa niya. Ang binata na rin ang nagsabi niyon at hinayaan na lang siya. Gustong-gusto rin naman ni Zack ang taste niya pagdating sa fashion.
Matapos niyang ayusan si Zack, sarili naman niya ang inatupag niya. Hindi naman talaga siya masyadong nag-aayos sa sarili ngunit sinabihan siya ng binata na mag-ayos dahil marami itong ka-meeting lalo na ang mga investors nito. Isang ternong white long sleeves at black mini skirt ang suot niya. Nagsuot din siya ng stiletto white shoes habang inilugay lamang niya ang mahaba niyang buhok. Liptint at foundation lang ang inilagay niya dahil natural lang naman ang kagandahan niya ngunit nangingibabaw. Dali-dali na rin siyang kumilos at bumaba na rin pagkatapos.
Pagkababa niya, nasa labas na si Zack at nakasakay na sa Montero sports nito. Bukas na ang pintuan kaya dire-diretso na siyang sumampa sa sasakyan. Naabutan pa niyang nagmamadaling tumakbo si Aling Lukring sa kanila.
"Zairah!"
Napalingon siya rito. "Aling Lukring, bakit?"
"Baunin niyo na ito. Sandwich lang naman ito para sa inyo," hingal na hingal nitong wika sa kanila.
"Bakit pa kayo tumakbo, tuloy hinihingal kayo?" Kinuha niya ang pagkaing nakalagay sa isang maliit na ecobag.
"Baka hindi ko kayo maabutan kaya ako napatakbo."
"Salamat dito, Aling Lukring."
"Mag-ingat kayo!"
"Oho."
Ngumiti lang siya sa ginang saka niya isinara ang pinto. "Tayo na, Kuya Leo. Baka traffic na," wika niya sa driver. Inayos rin niya sa isang tabi ang ibinigay ni Aling Lukring.
"It's okay. Ten o'clock pa naman ang meeting ko," sambit ni Zack.
Lumingon siya rito. "Hindi ka pa kasi nag-almusal."
Ngumiti si Zack sa kaniya. "It's okay. I'm full whenever I see you."
"Ha?" Pinamulahan siya ng pisngi saka nito pinisil ang palad niya nang pasimple. "Zack, may oras ang mga gamot mo."
"Don't worry. Nagpahanda na ako ng almusal kay Lori, ang sekretarya ko."
"I see."
He slowly holds her hands while whispering to her ears. "Thank you for taking care of me."
Halos magkadikit na ang kanilang mga labi. "It's my job," she said and smiled.
"I want to kiss you," he whispers again.
"Here?" Napailing siya. "Later, Sir."
"I can't wait for that," tinutudyo nito ang labi niya.
Bahagya siyang umiwas dahil ayaw niyang makita iyon ng driver nilang si Kuya Leo na panay ang tingin nito sa center mirror. Pinisil ulit niya ang palad ni Zack tanda na mamaya na lang niya ito pagbibigyan. Hindi na rin naman ito namimilit pa dahil nakaramdam din itong hindi lang sila ang dalawa sa sasakyan.
NAKARATING sila sa BGC kung saan ang building na pagmamay-ari ng binata. Sa basement na sila dumaan at may elevator doon na direkta sa Chief Executive Office nito sa pinakatuktok. Tanging ang sekretarya lang nito ang nakakaalam na papasok siya at saka ang binatang si Raven na naroon na.
Pagkarating nila sa taas, nalula pa siya sa ganda ng paligid. Noon niya talaga masasabing napakayaman pala nito. Agad din silang sinalubong ng sekretarya nitong tila aloof pa na tumingin sa mga mata ni Zack. Takot ba siya? Well, sino ba naman ang hindi matatakot sa dragon kong amo.
"Good morning, Sir."
"Good morning. Our breakfast is ready?"
"Uhm, yes. Nasa pantry na rin si Sir Raven," tugon nito.
Iginiya naman sila sa pantry habang tulak-tulak niya ang wheelchair ng binata. Isang tila restaurant din ang pantry nito na talagang pinaghandaan ang pagdating niya pati na rin ang buffet breakfast. Nahagip na rin ng mga mata niya ang binatang si Raven na naghahanda na rin upang mag-breakfast.
"Hi, Zack!" bati nito sa kaibigan.
"Hi," tipid na tugon ng binata.
"Hi, Zairah!" binati rin siya nito.
"Hello," tipid din naman niyang tugon. Hindi pa siya nakalimot sa nangyari kagabi at hangga't maaari, iiwas muna siya.
"Sakto at nandito na kayo, sabay na tayong mag-breakfast."
Inayos naman ni Zairah ang binata upang makaupo ito. After that, iniwan naman niya ito upang asikasuhin ang pagkain nito. Hindi naman mapili si Zack sa pagkain kaya kung anomg inihanda niya, kakainin din naman nito.
"Lori, sumabay ka na sa amin."
"Sir?" Nagtaka pa ito nang mabanggit iyon ni Zack na sasabay itong kakain sa kanila.
"You heard me. Sumabay ka na," anang binata.
"Sumabay ka na, Lori. Good mode ngayon si Zack," dagdag ni Raven ngunit may halong pang-aasar ang tono nito.
"Na... There is plenty of breakfast food. Mabuti nga at nandito ka para may umubos."
Narinig niya ang pagtawa ni Raven sa sinabing iyon ni Zack. Mabuti naman at maayos naman silang dalawa. Bumalik siyang may dala-dalang prutas at juice para sa binata pagkatapos ay muli siyang bumalik upang kumuha naman ng kaniyang pagkain at doon niya nakasalubong si Lori.
"Hi!" tipid nitong bati sa kaniya.
"Hi, Lori. Nice to meet you."
"Zairah, right?" Ngumiti ito.
"Oo," tugon niya sabay gumanti siya ng pagkakangiti rito.
"Nice to meet you too."
Maganda si Lori. Isang tipikal na sopistikadang sekretarya ng binata. Halatang bilang lang sa daliri niya kung ito ay magsalita o marahil ay natatakot lang ito kay Zack. Naisip niya kung terror ang boss nila sa bahay, maaaring ganoon din ito sa opisina.
PASADO ALAS-NUEBE at nasa conference room na sina Zack at Raven kasama ng iba pang ka-meeting nito na mga investors. Siya naman ay nasa malawak na office ni Zack at may isang computer doon na naka-set up na para sa kaniya. Naroon na rin ang pen tab niya at magsisimula na rin siyang magtrabaho. Saktong siya lang ang mag-isa sa loob nang biglang pumasok si Lori.
"Hi!"
Napaangat siya nang tingin dito. "Oh, hi! Ikaw pala. Tapos na ang meeting nina Zack?"
"Hindi pa. Mamaya pa iyon tanghali. Uhm, Zairah, pwedeng magtanong?"
"Yes, go ahead."
"Boyfriend mo ba si Sir Zack?"
"Ha? Ah...hindi. Assistant lang niya ako sa...bahay nila. Ako ang⸻"
"Nag-aalaga, nagpapaligo, nagbibihis and everything?" sunod-sunod nitong sabi.
Napakunot-noo siya sa direktang pagkasabi nito sa kaniya. "Paano mo nalaman?"
"Pinsan ko ang dating nag-alaga sa kaniya. Si Cheska Abigail. Iyong lumayas nang dahil sa ugali ni Sir Zack. Pero napapansin ko lang ngayon, bakit tila bumait siya?"
"Ah, iyon ba. Baka nanibago ka lang. Ganoon pa rin naman siya kaya lang ay nabawas-bawasan na. Baka ayaw na rin mawalan ng nag-aalaga." Hindi niya sinabi rito ang totoo tungkol sa estado nila ni Zack.
"He's good-looking today, and he looks like he's happy. Akala ko nga ay girlfriend ka niya. Alam kasi ng buong mga employee dito ang ugali niya mula nang ma-aksidente siya sa paghabol sa...ex-wife niya."
"Ex-wife?!"
BINABASA MO ANG
[SPG] | The Billionaire's Part-Timer | COMPLETED |
Любовные романыMatayog ang pangarap ni Zairah para sa pamilya niyang naiwan sa probinsiya kaya pursigido siyang magtrabaho. Sa edad na bente-otso, marami na siyang napasukang trabaho sa iba't ibang kompaniya. Naroon na ang nagpapart-time siya sa isang restobar sa...