"Malas ng magiging nobya ko. Hindi ako matinong tao." Ngunit nagpakawala naman ito nang matamis na ngiti sa kaniya.
"Oo na. Pumapayag na ako sa gusto ng boss mong dragon."
"Good. Sige at bumalik ka na sa loob. Kausapin mo siya at balitaan mo na lang ako. May appointment ako ng alas-tres ng hapon."
"Salamat nang marami, Raven. Hulog ka ng langit sa akin."
"Hindi ako anghel."
"Anghel ka para sa akin."
"Nangangagat ako na anghel."
Nagtawanan silang dalawa.
Ilang sandali pa ay natagpuan na ni Zairah ang sariling bumalik sa loob ng study room ng magiging boss niyang si Zack. This time, buo na ang desisyon niyang tanggapin ang alok ng binata at makikipagnegosasyon. Kaya ko ito! Muli niya itong kaharap at hindi man lang nagbabago ang ekspresyon sa mukha nito.
"Bakit ka bumalik?" tanong ng binata.
"Uhm, I need the job, but I don't know if it's the right decision I need to accept. Sir, pwede bang hindi na lang kasama iyon sa magiging job description ko?" matatag niyang tanong sa binata. Or else, lulunukin niya lahat ng kaniyang pride upang makuha lang ang malaking halagang kailangan niya.
"You will accept the offer or not?" muling tanong sa kaniya ng lalaki.
Hindi agad siya makasagot. Nakikita niya sa mga mata ng lalaking ito ang pagiging seryoso at hindi nagdadalawang-isip sa ino-offer nito sa kaniya kahit pa man kanina.
"It is still my offer, Miss. Now, if you are undecided, you can leave my house again."
"Hindi! I mean⸻I will accept the offer! Pero magdedemand ako ng malaking halaga kung dangal ko naman ang kasama. At kailan ako maaaring magsisimula?" napalunok siya. Muntik na rin siyang mangatal sa harapan ng binata.
Marahang kumilos ang binata saka nito pinindot ang electric button upang gumulong ang wheelchair palapit sa kaniya. Hindi niya inaalis ang mga mata rito sa anumang kilos na pinakaiiwasan sana niya ngunit alam niya sa sarili niyang hindi rin naman siya makakaiwas.
Gabundol na ang kaba niya nang mga sandaling iyon. Ilang beses na rin siyang napapalunok at nangangatog ang kaniyang mga tuhod subalit kailangan niyang maging matatag sa puntong iyon.
"You can start right now. You can also recheck your part-time contract on the table and sign it. Ilagay mo na rin ang halagang kailangan mo sa kontrata. After that, follow me to my room. I need to take a bath," he said in a cold voice.
Hindi na nito hinintay ang sagot niya saka muli nitong pinaandar ang wheelchair de-pindot at lumabas ng study room. Siya naman ay naiwan sa loob habang urong-sulong pa rin kahit na nasabi na niya sa lalaki ang kaniyang sagot. Hindi ko alam kung hanggang saan ko kayang isakripisyo ang sarili ko para sa pamilya ko. Kailangan ba talagang umabot kami sa puntong hindi lamang pag-aalaga ng isang lumpo ang kailangan kong gawin? Diyos ko! Gabayan niyo ako!
Natagpuan na lamang ni Zairah ang sariling pumirma ng kontrata kasama na ang malaking halagang kailangan niya. Halos katumbas na iyon ng isang taon niyang pagtatrabaho bilang isang cartoonist. Hindi na rin niya naiwasang mapaluha habang tinupi ang kopya ng kontratang pinirmahan saka siya nagpahid ng luha. Naglakad na rin siya palabas upang tumungo sa kwarto ng lalaking pagsisilbihan niya. Isang malaking dagok man ito sa buhay niya ngunit kailangan niyang maging matatag upang mabawi ang lupaing sinanla ng mga magulang niya sa isang kilalang pamilya sa kanilang bayan kahit ang kapalit nito ay ang sarili niya mismo.
NAPAKALAWAK ng kwartong tinungo ni Zairah sa kabilang pinto. Iyon ang pinto sa dulo kasunod ng study room. Inilapag niya ang kaniyang sling bag sa couch habang hinahagilap ng kaniyang mga mata ang binata. Naalala iyang nais na nitong maligo at iniisip niyang nasa banyo na ito. Hindi ko inaasahan na totoong mag-aalaga ako ng lumpo. Diyos ko! Kayanin ko sana...
Iniisip rin niyang dapat siyang masanay dahil minsan na rin naman siyang nakakita ng taong hubo't hubad noong mga kasagsagan na nag-aaral pa siya bilang isang fine arts students. Kasama iyon sa art exhibit na sinalihan niya at actual na may ganoong activity. Walang malisya iyon ngunit iba pa rin kapag ibang tao lalo na ang tulad ni Zack.
Narinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo kaya dali-dali siyang nagtungo roon. Binuksan niya ang pinto saka nakita niyang pilit inaabot ni Zack ang gripo upang patayin ang tubig na nanggagaling sa shower.
"Ako na!" Nagmamadali siyang tinungo ang switch at patayin ito.
"Ang tagal mo."
Mukhang nasisi pa siya na nahuli ang pagdating niya ngunit kumalma pa rin siya. "Sorry. Ang lawak kasi ng bahay mo kaya hindi ko alam kung saan dito ang kwarto mo. Maliligo ka na ba?"
"Oo."
Pasimple siyang humugot nang malalim na hininga. Nakikita niya sa mukha ng binata ang sinabi sa kaniya ni Raven na sumpungin ito at mainitin ang ulo ngunit sa kaibilang banda ay naiintindihan niya na lang ito dahil sa kapansanan nito. Hindi na siya naghintay kung ano ang gagawin niya at kumilos siyang tila normal na lang iyon sa kaniya kahit ito ang unang beses na magsisilbi siya sa isang walang kakayanan.
"Tulungan mo akong makasampa sa upuan," utos nito.
Nasulyapan niya ang stainless na upuan malapit sa bathtub. Kinuha niya iyon palapit sa binata habang inaayos ito ang wheelchair na detachable.
"Ilipat mo ako sa upuan."
"Ha? B-baka hindi kita kayang buhatin."
"Sinong may sabing bubuhatin mo ako?" pamimilosopo nito.
"I mean⸻hindi sapat ang lakas ko pinapaalala ko lang, Sir."
"Come closer."
"Ha?"
Tiningnan siya nito nang masama. "Lalapit ka ba o hindi?"
Mabilis naman siyang lumapit dito ngunit naroon na ang panimulang pagkaba ng kaniyang dibdib. Marahang kumilos ang binata upang kunin ang dalawa niyang kamay. She almost embraces him in their position as she is trying to help him out of the wheelchair. And that moment, there is no distance between them. Halos magkadikit ang kanilang mga katawan upang maayos niyang maalalayan ang binata. She feels his warm breath in her neck and the warm touch of his hands.
"Yayakapin mo lang ba ako o papaliguan?"
"Ha?" Bahagya siyang lumayo. "Sorry, Sir! Papaliguan na kita!" Ginawa ni Zairah ang nararapat upang maayos na pagsilbihan ito. Mula sa pagbasa niya sa katawan ni Zack hanggang sa siya na rin ang nagsabon sa katawan nito habang ang binata naman ay tahimik na lang at nakikiramdam.
BINABASA MO ANG
[SPG] | The Billionaire's Part-Timer | COMPLETED |
RomanceMatayog ang pangarap ni Zairah para sa pamilya niyang naiwan sa probinsiya kaya pursigido siyang magtrabaho. Sa edad na bente-otso, marami na siyang napasukang trabaho sa iba't ibang kompaniya. Naroon na ang nagpapart-time siya sa isang restobar sa...