Chapter 3

8.7K 96 0
                                    

NAGMAMADALING maligo at magbihis si Zairah matapos ang walong oras na pagtatrabaho niya bilang artist. Ngayon, tutungo na naman siya sa pangalawa niyang trabaho sa BGC kahit apat na oras lang. Sapat na iyon para kahit papaano ay may panggastos siya sa pang-araw-araw niya. Hindi rin niya ikinahihiya ang kaniyang trabaho lalo na at kumikita naman siya nang marangal.

Habang naglalakad siya patungo sa sakayan, binubuo na niya ang kaniyang mga pangarap na magkaroon ng sariling bahay at lupa. Mga pwedeng pagkakitaan para sa kaniyang mga magulang at maitabing pera para sa pag-aaral ng apat pa niyang mga kapatid. Napapangiti na lamang siya habang nararamdaman niya ang motivation sa sarili.

Pagkarating niya sa sakayan, mahaba rin ang pila ng mga magsisiuwian na. Rush hour na rin kaya hindi na maiwasang dumadami na ang mga bumabiyahe pauwi. Idagdag pa na friday ngayon at medyo ma-traffic. Maingat din na inilagay niya ang bag sa unahang bahagi dahil umiiwas din siya sa mga mandurukot. Simple lang din ang suot niya. Isang puting t-shirt na may kwelyo, jeans at puting sapatos. May uniform naman siya ngunit iniiwan lamang niya iyon sa bar na papasukan. May naglalaba ng mga uniform nila kaya kampante na siyang susuotin na lamang niya iyon pagdating.

May huminto sa tapat niya na yellow bus muli Quezon City patungong Aura kaya dali-dali siyang sumakay matapos bumaba ang dalawang pasahero nito.

"Miss, maluwag pa sa loob. Sakay na," wika ng konduktor sa kaniya.

Dali-dali naman siyang sumakay kasunod niya ang mga pasahero rin na nag-uunahan. Ganoon ang senaryo sa lugar na iyon tuwing sasapit na ang alas-singko ng hapon. Pumuwesto siya sa dulong bahagi na may nag-iisang bakanteng upuan. Tumabi siya sa isang lalaking may kausap sa cell phone.

"Yeah. I'm on my way. I did not bring my car. Aantukin lang ako sa biyahe dahil traffic na sa kahabaan ng C-5 patungo riyan. Magpapasundo na lang ako sa kay Mang Isko mamaya or else, I will sleep at Zack's condo. I have his key," wika ng katabi niya.

Hindi niya ito sinulyapan ngunit bakas sa boses nito na may kaya ito sa buhay lalo na nang marinig niyang may sasakyan ito. May mga mayayaman din pa lang nagco-commute. Himala! Naamoy niya ang mabagong masculine scent nito at balak na sana niyang sulyapan ang lalaki ngunit may kausap pa ito sa kabilang linya.

"Yeah. I know. I know. We will settle everything there. Just wait for me. Okay? I'll drop this call. Bye."

Napuna na niyang inilayo na nito ang cell phone sa tenga ngunit hindi niya pa rin magawang sulyapan ang lalaki kaya mas minabuti na lamang niyang piliin ang huli. Dumukot siya ng barya mula sa bulsa ng bag niya at nagsimulang magbilang. Mabibigatan na siya sa mga baryang nakakalimutan niyang ibayad sa tuwing bumabiyahe siya. Maingat pa niyang binubusisi iyon at baka ibang barya ang maibigay niya. Bakit kasi pare-pareho ang hitsura piso sa limampiso. Sino ba kasing nakaisip nito? Napailing siya.

"Kulang ba ang pera mo?"

"Huh?!" Napasulyap siya sa lalaking katabi niya. Hindi niya magsasalita ito sa tabi niya at mapupuna ang kaniyang ginagawa.

"I said, kung kulang ba ang pera mo? Ako na ang magbabayad—"

"Ah, hindi! I mean—nagbibilang lang ako dahil marami kasing barya rito sa bag ko. Kapag buo naman ang binayad ko, madadagdagan lang din ito. It's okay, Sir. Thanks."

"Okay." Nakatitig lang ito sa kaniya.

Bahagya siyang ngumiti saka muling itinuon ang pagbibilang sa barya. Naiilang siya sa mga titig sa kaniya ng katabi sa hindi niya malamang dahilan. Pagkakompleto ng kaniyang ibabayad sa konduktor ay hinawakan lang niya iyon. Hindi na rin niya sinulyapan ang binata sa tabi kung nakatingin pa rin ba ito o hindi na.

"May banggaan sa C-5 Kalayaan kaya magiging mahaba ang biyahe natin," panimula ng lalaki.

"Ah..." Hindi niya ito sinulyapan. Nang mga sandaling iyon ay umandar na ang bus.

"Still working?"

"Yes," mahina niyang tugon.

"Good for you. Do you want an extra work? Part-time?"

Hindi pa rin siya tumitingin. Ayaw niyang isipin na masama ang binata ngunit ayaw naman niyang mabudol ng kung sino. Alam niyang mga modus iyon ng mga iilang nais lamang makalamang sa kanilang kapwa.

"Don't worry, harmless ako. I'm an attorney. Hindi ako scammer at hindi ko rin trabaho ang mga modus as if that what's your thought about me. I'm just asking if you want a part-time job. My boss asked me to find the best woman who will fit his job offered."

Tila nabasa ng binata ang nasa isipan niya kaya sinulyapan na niya ito. "Anong klaseng trabaho, Sir?"

"Attorney Ranzel Venecio or Raven for short. Masyadong pormal ang tawag mo sa akin. "Pagpapakilala ng binata ngunit hingi na ito naglahad ng palad. "Mag-aalaga ka lang naman. Maraming benefits na ibibigay sa'yo at malaki ang ibibigay ng bilyonaryo kong boss."

"Mag-aalaga ng ano?"

Ngumiti ito. "Mag-aalaga ng dragon."

Nanlaki ang mga mata niya sa natinig mula sa lalaki. "Dragon? As in, iyong bumubuga ng apoy?"

Natawa ito. "I'm just kidding! Here's my calling card." Iniabot nito sa kaniya ang calling card.

Kinuha naman niya agad iyon kahit hindi pa siya umoo. Naisip niya ang sinabi nitong malaking halagang kikitain kung susunggaban niya at isa pa, part-time lang din. Binasa pa niya ang nakasulat sa calling card. Nakapaloob doon ang pangalan nga ng binata, address nito at phone number. Naka-rehistro rin ang pagiging attorney nga nito.

"That's legit. Pwede mong e-check iyan sa Attorney's of the Philippines just in case na gusto mong mag-search about sa akin. Do you have a boyfriend?"

Muli siyang napasulyap dito. "Wala. Wala sa priorities ko ang mag-boyfriend." Hindi niya alam kung para saan ang tanong na iyon sa kaniya.

"That's great!"

Marami pa siyang tinanong tungkol sa binata lalo na sa ino-offer nitong trabaho. Natagpuan na lang din niyang kausap ito habang mabagal ang takbo ng bus na sinasakyan nila dahil sa bumper to bumper na naman sa kalsada. Noon lang din niya napansin na gwapo pala ito. Hindi lang basta gwapo kung hindi, biniyayaan ng angking kakisigan sa katawan. Hindi lang niya ito napansin kanina dahil may suot itong sombrero. Palabiro din ito at napapangiti na lamang siya sa tuwing nagkukuwento ito hanggang sa nakarating din sila parehas sa kanilang patutunguhan.  

[SPG]  | The Billionaire's Part-Timer  | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon