Chapter 30

7K 84 2
                                    

Marahan nagmulat ng mata si Zairah saka niya inilibot ang paningin sa buong paligid. Amoy na amoy niya ang mga gamot na nanunuot sa kaniyang ilong sa loob ng kwartong iyon. Nasa ospital ba ako? She turned her head in her left side and saw a man holding her hands and sleeping. Halos hindi naman niya ma-igalaw ang kaniyang mga daliri dahil hinang-hina pa siya ngunit wala na ang kaniyang lagnat. What happened to me? Why I am here? Ayaw naman niyang abalahin ang binatang mahimbing ang pagkakatulog nito sa tabi niya habang nasa wheelchair ito. Zack? Malaya niya itong pinagmasdan hanggang sa kumilos ito at tumingala sa kaniya. Tila naramdaman nitong nagising na siya kaya nag-atubili rin ito.

"Zairah..." sambit nito. Agad itong umaayos sa pagkakaupo at napahilamos sa mukha.

"Sorry. Nagising ba kita?" tanong niya.

"No. How are you? How was your feeling?" sunod-sunod nitong tanong sa kaniya.

"Nanghihina pa rin ako at hindi ko alam kung bakit. Ang alam ko lang...nilalagnat ako at masakit ang ulo ko kagabi," tugon niya.

"We rushed you here this morning because you have a high fever," in his serious voice while staring at her.

"Malala ba ang sakit ko? A-Anong sabi ng doktor?"

"Hindi naman malala. You're safe now, but you must stay here for a week. They need some tests to do about your condition."

"Mukhang malala nga ang kalagayan ko base sa mga sinasabi mo."

"I told you, you're safe now. Kapag okay naman ang mga laboratory tests mo ay maaari ka na rin makauwi."

"Zack..."

"Hmm..."

"Huwag mo munang ipaalam ito sa pamilya ko dahil ayokong mag-aalala sila."

"I will. For now, you have to take a rest, and I know you're hungry. Wait, I will prepare your food."

"Zack..." Hindi niya mapigilan ang binatang asikasuhin siya dahil hinang-hina pa rin siya at may kapansanan pa ito. Pero sa ngayon ay wala siyang magagawa.

Pinilit niyang sumandal sa headboard ng kama niya upang makakain siya nang maayos. And she needs to do that alone while Zack can't stand up alone to help her. Nagpapasalamat din siya dahil ito pa mismo ang nag-aalaga sa kaniya roon imbes na ang pamilya niya. Iniisip na lang niyang nasa poder siya nito at hindi naman mabalewala ang namagitan sa kanila kung hindi siya nito aalagaan.

"Be careful, and it's hot."

Pilit niyang kinain ang beef congee kahit wala na siyang panlasa. Si Zack na mismo ang sumubo sa kaniya dahil hindi pa niya kayang igalaw ang kaniyang mga kamay at paa na tila ramdam niya ang panghihina at pangangalay.

"Ganito pala ang pakiramdam na may inaalagaan. Now I know the feeling of being taking care of someone," wika nito.

Napa-angat siya at mariin tiningnan ang binata. Kitang-kita niyang nakatitig ito sa kaniya at walang bakas na emosyon ang mukha. "Sorry if nagkasakit ako ng ganito. Hindi dapat ako nagkaganito dahil alam kung kailangan mo ako. Ikaw itong dapat inaalagaan at⸻"

"Don't think about that. Hindi mo naman kasalanan ang nangyari. I was careless and I didn't know that you are sick last night. Hindi ka naman nagsabi at akala ko ay pagod ka lang."

"Nagsabi ako na magpapahinga ako at masama ang pakiramdam ko. Baka hindi mo lang siguro narinig dahil...dahil..."

"Because you think I was in sulky mode?"

Tumango siya.

"I felt something that Lori has something to tell you that day. Pero kung ano man iyon, let it be. Ang mahalaga ay gumaling ka."

Bahagya siyang napatigil sa sinabi nito. Mukhang may alam si Zack tungkol sa sinabi ni Lori sa kaniya na isa rin sa dahilan kung bakit sumakit at sumama ang loob niya. Umiiyak siya nang mga panahon na iyon at nadagdagan ang stress niya. Ayaw naman sana niyang bigyang pansin ang narinig kaya lang ay malaki ang epekto nito sa kaniya. Paano kung bumalik ang asawa nito para kunin ang karapatan nito kay Zack? Paano kung magbunga ang namagitan sa kanila? Hindi niya alam kung saan huhugot ng kasagutan dahil wala namang sinasabi ang binatang boss sa kaniya.

"Prepare yourself after you got recovered," muli nitong sabi.

"Why?"

"We will go to States."

"Huh? States? Anong gagawin natin doon?"

"I have to undergo bone surgery. I can't do that alone, so I need your help."

"Really?" na-amaze siya. Hindi siya makapaniwalang ito na mismo ang nagsabi sa kaniyang magpapagamot na ito.

"Yeah. At walang assurance iyon kung makakalakad ako ulit dahil matagal na ang dalawang taon."

"A-ayos lang iyon at least sinubukan mo." Mukhang may bonus akong makukuha kay Raven. Huh! Iniisip ko pa talaga iyon.

"What's that smiled for?" kunot-noong tanong ng binata.

"Huh? Wala!"

"Ubusin mo na ito." Muli na naman itong kumuha sa mangkok ng congee gamit ang kutsara saka isinubo sa kaniya. "Magpalakas ka."

Gusto niyang kiligin nguni alam niyang hindi maaari. Tandaan mo lang may sakit ka Zairah kaya ka niya inaalagaan. Huwag assuming, 'no! Saway niya sa sarili.

"Pagkatapos mong kumain at uminom ng gamot, uuwi muna ako. Maya-maya ay nandito rin si Ann upang bantayan ka. I need to refresh myself and change clothes but don't worry. I will be here tomorrow morning."

Parang ayaw niyang mawala ito sa paningin niya ngunit kailangan din asikasuhin ni Zack ang sarili nito. "Kaya mo ba?"

"I will. Magpapatulong na lang ako kay Leo kung sakaling hindi ko kaya. Kaya magpagaling ka dahil ayokong may lalake sa kwarto ko."

"And one more thing. Hindi ka na magtatrabaho sa Toon Company ni John. I told him already that your're sick and you need a long rest."

"Huh? P-Paano ang trabaho ko? Paano kita mababayaran?"

Nakakunot ang noo nito. "Iniisip mo pa rin kung paano mo ako mababayaran? Hindi ako naniningil. I want you to focus in your job on me. You will be my full-timer from now on. I will pay you in a higher price to support enough your family. Siguro naman ay hindi ka na tatanggi pa."

Shit! Mura niya sa sarili. sigurado na siya sa pagkakataong iyon na hindi na talaga siya makakaalis sa poder nito kung ang inaalok nito ay sobra-sobra pa sa inaakala niya. Habang nakatitig siya rito, ramdam niya ang senseridad sa sinabi nito. But she have to stay for a while as long as Zack would tell her the words she wanted to hear. Kahit sa huli ay masasaktan lang din siya. Bahala na muna sa ngayon.

[SPG]  | The Billionaire's Part-Timer  | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon