Kabanata 3

35 4 0
                                    

"Hoy! Bakit ka ba nagmamadaling umalis?!" 


Kumaway ako kay Ciara pagkapasa ko ng gawa ko sa class representative namin. Siya na raw ang magbibigay kay Sir kasi absent. Mabuti na nga lang at absent kaya binigyan kami ng palugit sa oras ng pagpapasa kaya natapos ko rin by 4 PM 'yung gawa ko. 


Pinagsisisihan ko tuloy na tinaboy ko si Veron! Paano ko na siya hahanapin ngayon nyan?! Wala naman akong number noon! Nangako pa siya na mamaya siya aakyat ng ligaw, 'di ba?! So, nasaan na siya ngayon?! 


Tinanggap ko na lang na hindi ko na siya macocontact kaya lumabas na lang ako para bumili ng milktea bago bumalik sa loob ng university, dala-dala 'yung milktea na binili ko. Palinga linga pa 'ko sa paligid, umaasang baka sakali ay makita ko siya. 


"Hoy!" 


Napalingon ako kay Trevor nang tinawag niya ako. Tumatakbo siya sa akin ngayon galing sa field. Huminto ako sa paglalakad, hinihintay siyang makalapit sa akin. 


"Anong kailangan-" Napatigil ako nang kinuha niya ang milktea ko. "Hoy! Punyeta!" Hinatak ko ang buhok niya para hindi niya mainuman pero naunahan niya ako. 


Masama ko siyang tinignan nang binalik niya sa akin ang milktea ko, tuwang-tuwa pa habang nginunguya ang pearl. Napaka-kapal talaga ng mukha! 


"Pakyu, Trev!" Galit na sabi ko. 


Tinawanan niya lang ako habang nagpupunas ng pawis. Narinig kong pinagbubulungan pa siya ng mga kababaihang dumadaan sa likod ko. Hindi naman kasi mapagkakaila na gwapo nga siya, oo. Tapos magaling pang mag-basketball. Full package na. 


Medyo gago at medyo tarantado nga lang hayop na 'yan! Ininuman 'yung milktea ko!


"Kapag ako nagkasakit dahil sa laway mo, ikaw magbabayad ng hospital bills ko!" Halos sakalin ko na siya. 


"O.A mo!" Inismiran niya ako at iniwasan ang kamay kong handa nang sakalin siya. 


"Bumalik ka na nga roon! Naiirita ako sa pagmumukha mo!" Tinulak ko siya pabalik habang pinupunasan ang straw ng milktea ko. Ngumisi siya sa akin at kinawayan muna ako bago tumakbo papalayo sa akin. 


Umirap ako at nagsimula nang maglakad. May mga nakaaksalubong akong kakilala ko na kinakawayan ko lang. Halos maikot ko na 'tong buong university pero hindi ko pa rin siya nakikita. Umupo na lang ako sa isang bench dito sa tapat ng Main Building at doon tumingin sa mga taong dumadaan. 


Wala na ba talaga si Veron? Sayang, nag-retouch pa naman ako para sa kaniya. Naglagay pa 'ko ng cheek tint at lip tint! Inayos ko pa ang bun ng buhok ko, naglaglag ako ng kaunting hibla ng buhok sa magkabilang gilid ko para kunwari messy bun. 


Kung alam ko lang kasi na dadating siya kanina, e 'di sana nag-gown pa ako! Baka nga nag-full make up pa 'ko! Ngayong pinaghandaan ko na, at saka naman bigla na lang nawala! 

Mending a Ruptured Heart (Bons Amis Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon