Kabanata 35

29 3 0
                                    

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Veron nang makalapit sa'kin.


Tumango ako, naiilang pa rin sa nangyari kanina. Naguguluhan ako sa pakikitungo ng Mommy niya sa 'kin.


"What did you do?" He accused Angel immediately.


"Bro, what?" Agad na depensa ni Angel.


Pumasok si Leo at Atticus na may dalang pagkain. Pinilit ako ni Veron na kumain kaya iyon nga ang ginawa ko bago niya 'ko hinatid pabalik sa office.


"Akala ng mommy mo... nagkabalikan tayo," sabi ko sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt ko.


"Really?" Gulat na tanong niya.


I gave him a nervous smile.


"I did not deny it. I mean, Veron, I... want to take this slow," sambit ko.


His lips slowly formed a smile and kissed me again. We almost made out inside the car. Mabuti na lang at may sasakyan pa sa likod namin kaya bumitaw din kami kaagad sa isa't-isa.


"How about marriage?" He tried again.


Tumawa ako at umiling. "Nice try."


"Okay. No pressure," tinaas niya ang parehong kamay niya at umiling.


"Huwag kang abusado," I chuckled. "I'll see you tomorrow."


"No. I'll see you tonight," he kissed my forehead before letting me go.


Naging abala kaming dalawa sa trabaho. Ako, abala ako sa pag-momonitor ng on-going construction sa Rizal, Makati, at sa Tagaytay. Si Veron, abala sa paniniguradong umaandar ang kaso laban sa Daddy ni Xander. Paminsan-minsan ay bumibisita siya sa condo ko o kaya nagkikita kami sa kumpanya. Kapag hindi kami magkasama, nag-uusap naman kami sa text.


"Nagpa-check up ka na ba?" Tanong ko kay Ciara nang makauwi siya sa condo ko galing trabaho.


"Uh, oo... Pagkauwi natin galing sa Palawan," sambit niya.


"How was it?"


Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. "Okay lang naman, uh, kaunti na lang daw ay tapos na ako sa sessions ko." Napangiti ako sa sinabi niya.


Ang bilis pala ng panahon. Parang dati lang ay umiiyak ako dahil nalaman kong na-ospital siya. It's been years since everything went hard. Years had passed since everything went into destruction. Sobrang hirap ng pinagdaanan naming lahat noon.


Ayoko nang bumalik pa roon sa nakaraan. Maski isipin ay parang hindi ko kaya. Naghirap ako noon at naghirap din ako matapos mangyari no'n. Dati ay parang mas gugustuhin ko na lang na mag-isa kaysa hayaan ang iba na lumubog kasama ako... ng dahil sa 'kin.

Mending a Ruptured Heart (Bons Amis Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon