Kabanata 2

34 5 1
                                    

"Hay, sa wakas, makakalabas na rin ako!" 


Para namang nakakulong itong si Trevor! 'Yan ang salubong niya sa akin pagkapasok ko ng kwarto niya, dala-dala ko ang Mcdo na pinabili niya sa tabi lang ng hospital. Ang bilin pa naman niya sa akin ng nurse ay huwag ko raw bilhan ng fast food dahil malala ang training nila sa basketball kaso nga lang, sadyang makulit 'tong lalaking 'to kaya wala akong choice. Sawa na daw siya sa mga gulay at prutas. 


Naabutan ko siyang nakaupo sa hospital bed at mukhang hindi napuruhan ang paa dahil naigagalaw niya iyon. Minor injury lang naman daw kasi kaya pwede na raw siyang bumalik sa pagba-basketball. Para tuloy gusto kong sipain 'yung paa niya. Pero hindi pwedeng mabulok rito ang 'pinaka'-magaling daw magbasketball! Bobo naman kasi nitong si Trevor, e, kung ano anong ginagawa tuwing nagte-training!


Umupo ako sa may couch at nilabas na 'yung mga gagawin kong assignments. Dito ko na binalak gawin dahil wala namang kasama ang Trevor na walang ibang ginawa kundi ang dumaldal habang kumakain. Sa totoo lang, kaya ako lagi bumibisita dito, e, nagba-baka sakali lang naman akong makita ulit si Veron. 


First name basis? Hindi ko naman alam ang itatawag ko sa kanya. Kunwari na lang close kami.


"Ano 'yan?" Sumilip si Trevor sa dinadrawing ko kaya agad kong nilayo sa kanya para asarin siya. Ngumuso siya at inirapan ako saka umayos na lang ng upo doon sa hospital bed, kunwari nagtatampo. Parang tanga lang. 


"Immature," bulong ko pero sapat na para marinig niya. 


"Anong immature? Ikaw nga 'tong naglayo dyan ng papel mo, akala mo naman aagawin ko sa'yo!" Pakikipagtalo niya sa akin. 


"Malamang nagda-drawing ako kasi Architecture kinuha ko, 'di ba?" Pilosopong sinabi ko. 


"Nye nye nye," sabi niya na parang bata. 


Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Nanahimik naman na siya habang naglilipat ng channel sa TV. Napaangat lang ang tingin ko nang may kumatok. Napatigil tuloy ako sa pagdadrawing nang pumasok ang doktor ni Trevor. Nanlaki ang mata ko pero nang tumingin ako sa likod niya, pero wala si Veron. 


Sayang naman. Saan ko kaya siya makikita? Magkaiba ang university naming dalawa. Mostly ang girls dati na barkada ay doon pa rin, ang boys naman ay lumipat ng university. Lumipat ang iba sa amin dahil hindi nila gusto ang mga professor. Mga immature lang. Puntahan ko kaya kunwari si Kuya sa university nila? Baka naman mahalata niya na may crush ako sa kaibigan niya! Madaldal pa naman 'yon kaya huwag na lang!


Nang matapos kausapin ng doktor si Trevor, tumayo na rin ako dahil kailangan ko nang umuwi. Nakita ko ang gustong pagpigil ni Trevor na umalis ako dahil wala ang parents niya at maiiwan siya sa kwarto mag-isa pero nararamdaman ko kasing uulan kaya aalis na ako. Kawawa naman siya at bukas pa dadating si Gabbie, 'yung kapatid n'ya.


Doon ako sa baba ng hospital naghintay ng jeep, sa may waiting shed. Tumigil 'yung ulan saglit kasi wala akong dalang payong, hindi ko naman alam na uulan ngayon. Malamang pagbaba ko ng jeep ay mauulanan ako dahil may tatawiran pa akong overpass. 

Mending a Ruptured Heart (Bons Amis Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon