Kabanata 38

25 3 0
                                    

"Do you love me back, Avianna? Do you still want to be with me?"


Tanong niya pagkatapos kong punasan ang aking luha.He didn't need an answer. Alam niya sa sarili niya na mahal na mahal ko parin siya at gustong gusto ko rin siyang makasama. Not just for our baby's sake but it's also for me.


Tumango ako at agad niya akong binalot sa mainit niyang yakap.


"Good girl." At hinalikan niya ang ulo ko.


Pagkatapos naming kumain sa labas ay dumiretso na kami sa ospital para magpacheck up. Sa labas ng clinic ay may nakita akong dalawang pares ng mag asawa. 'Yong isa ay sobrang laki na ng tiyan na tingin ko ay malapit na ang due date niya, samantalang mukhang maagang pagbubuntis pa lang 'yong isa.


Pinagmasdan ko sila habang tahimik kami ni Veron. Nakahawak siya sa kamay ko, pinaglalaruan ang mga daliri ko. Alam kong medyo kabado siya at hindi ko alam kung bakit hindi naman ako tulad niyang kabado kahit na ako ang titignan ng doktor.


"Ang sakit sakit ng balakang ko." Reklamo nong isang buntis na malaki na ang tiyan. Hinahaplos ng kanyang asawa ang kanyang balakang. Ngumiti ako. Ang cute nilang tingnan.


Humigpit ang kamay ni Veron sa mga daliri ko. Nilingon ko na siya at nakatingin siya sa akin. Huminga siya ng malalim.


"Ano kaya ang mga bawal sayo?" Tanong niya.


Umiling ako. "Hindi ko alam. Nagpa-check up na ako noong nag-take ako ng pregnancy test. Pero hindi ko naintindihan ang sinasabi ng Doktor dahil masyadong okupado ang isip ko dahil sa'yo."


Ngumuso siya. "Bakit 'di mo agad sinabi sakin na buntis ka nong nalaman mo?" Tanong ni Veron.


Nagkibit balikat ako. "Natatakot ako malaman ang magiging reaksyon mo. I didn't know that you wanted a baby since kakabalikan lang natin..."


"Kahit na. May karapatan ako sayo. May karapatan ako sa bata."


Nag angat ako ng tingin sa kanya at nagulat ako dahil seryoso siya.


"I want the best for my child and for you, Avianna."


"Hindi ko alam na aakuin mo pala ang responsibilidad. Akala ko tatakbuhan mo ako. Akala ko ayaw mo munang magkaanak." Humina ang boses ko.


Umangat ang kanyang labi at kinagat niya ito. Para bang may masama siyang binabalak. "I probably won't ever use condoms anymore."


Uminit ang pisngi ko. Kasabay nito ay ang pagtawag ng nurse sa akin.


"Avianna Hidalgo." Aniya habang dumudungaw sa kanyang papel. "At..." Tumingin siya kay Veron at nakita ko kung paano nagtagal ang tingin niya rito. Hindi ko napigilan ang ngiti ko. "Asawa niyo po? Nakalagay sa records ay single, e." Tanong ng nurse sa akin.


"Future husband. We're engaged, miss."


Mending a Ruptured Heart (Bons Amis Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon