Kabanata 4

39 4 0
                                    

"Yes! Walang plates!" 


It had been 4 days since the last time I saw him. Today was Friday again and based sa sinabi ni Veron, Friday daw siya babalik, 'di ba? Minsan talaga parang gusto ko na lang magkasakit para matakbo ako sa ospital at madali ko siyang mahahagilap. Pero siyempre ay hindi naman siguro ako aabot sa ganoon! 


"Nomi?" Tanong ni Alondra sa amin habang nasa Dap kami, kumakain kami ng mga street foods, ng fries at cheese stick. 


"Tama na nga 'yang kaka-inom ninyo, maawa kayo sa mga atay n'yo," sabi ko sa kanila. 


Napatingin silang dalawa sa akin at sabay na napahinto sa pag-kain. "Ha? E, 'di ba kakainom mo lang kagabi?" Paninira ni Ciara. 


"Excuse you! Isang beer lang 'yon! Ayaw kasing gumana ng utak ko kagabi kaya nagpagana lang ako. Walang pumapasok sa isip ko para masimulan 'yung plates ko," pagpapalusot ko.


Tumango-tango silang dalawa, not really convinced with what I said kahit iyon naman talaga ang totoo! May mga oras lang talaga na hindi gumagana ang utak ko. Napaka-hirap kayang mag-isip ng iba't-ibang design na ipapakita sa prof! Hindi pwedeng umulit! 


"Nauubusan ka pa ng creative juices d'yan, e, puring-puri ka na nga ng mga prof natin. Ikaw na ata ang favorite." Umirap si Ciara. 


Kaunti na lang, iisipin kong naglalabas na sila ng sama ng loob sa akin. Hindi ko naman kasalanan na napasa ang talento ng magulang ko sa akin. 


I had a freaking high standards for myself kaya hindi ako sanay nang nagca-cram. Nasisira noon lahat ng idea ko. Marami akong naiisip kapag nare-relax ako kaysa under pressure. Hindi ako sanay mag-procrastinate. Straight uno ako palagi so I did everything just to maintain it and to keep my grades stable. 


'Yung first and last kong crinam, hindi ako naka-uno. Badtrip nga, e. Pero kinalimutan ko na lang rin. Wala naman akong magagawa roon at nakapaskil na ang grade ko roon. Kasalanan ko rin namang kinalimutan kong tapusin. 


"Nakakaloka 'yung histroy of Archi, daming say." Umirap si Ciara. "'Sinusubukan ko namang gandahan 'yung gawa ko pero kapag nagpasa na si Avi, luluhod na lang talaga kami, e!"


"Huwag n'yo nga akong puriin masyado, baka manlibre ako." Tumawa ako at bumili ng fishball. 


"Nasaan na 'yung crush mo?" Tanong ni Alondra bigla. 


Saka ko nga lang naalala na hinahanap ko nga pala ang bebe ko! Ang sabi kasi sa akin sa DM ay huwag daw akong magulo kaya hindi ko na lang siya ginulo! Mahaba pa ata ang ginagawa niya! Balita ko kasi mahirap daw ang Engineering. Medyo sinusumpa na raw nila 'yon.


"Hoy!" May bumatok sa akin kaya halos mabulunan ako sa kinakain kong fishball. Muntik ko nang malunok ng buo ang apat na fishball na pinagsabay-sabay kong kainin.


Sayang kung lulunukin ko ng buo pa, hindi ko mananamnam ang kasarapan ng fishball. 


Mending a Ruptured Heart (Bons Amis Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon