Kabanata 5

26 3 0
                                    

"Please, Avi, don't vomit."


Nakapikit ang mga mata ko pero parang umiikot pa rin ang paningin ko. May nilagay na plastic si Veron sa harapan ng mukha ko, para kapag sumuka ako ay diretso doon. Gusto kong tumawa pero hindi ko magawa dahil sa hilo ko. 


"Please, please, just don't vomit. We're almost there," pagmamakaawa pa niya. 


Tumango ako. Okay! I won't vomit! Halatang mamahalin ang kotse, e! Gusto ko 'yung sabihin pero nakatanga lang ako ngayon sa bintana, pinapanood kung gaano kabilis ang pagpapatakbo niya. Halatang nagmamadali at ayaw masukahan ang kotse! Parang may emergency lang?! 


Huminto kami sa may parking lot ng building nila Ysabelle. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan ako pababa. I sniffed on his chest to smell his manly purfume. Ang bango talaga! Ano kayang brand para makabili rin ako?


"You smell so good," I commented. 


He whispered a curse before carrying me in a bridal style way. Gusto kong sumigaw pero masyado akong nahihilo para gawin 'yon. Sa loob-loob ko naman, kilig na kilig ako!


Hindi ko alam kung dahil ba sa alak kaya ang bilis ng tibok ng puso ko o dahil ito sa kanya. Kumapit na lang ako sa leeg niya habang naghihintay kami ng elevator. Mabuti na lang at walang tao. 


"Do you have Ysabelle's keys?" He asked. 


"Hala! Kiss?!" Gulat na tanong ko. 


"Keys. Susi, Avi." He clarified, almost losing the thin string of his patience. 


I giggled before shaking my head. Nakita ko ang gulat sa mata niya at muntik na akong mabitawan. Nawala rin 'yun kaagad. 


"You don't have the keys? Where are you going home, then?"


He was scared to ask because he knew exactly what to do. I can almost hear him thinking. Binaba niya ako saglit para pindutin ang pinakamataas na floor, kasunod ng roofdeck siyempre. Para akong na-sober bigla nang ma-realize kung saan kami papunta. 


"I'll take you home," he said softly. 


I nodded. "Okay!" I even sounded enthusiastic. 


Umiling siya at binuhat ulit ako nang huminto na ang elevator. He was trying to get his keys while carrying me. Medyo nahirapan pa siya but he still managed to open the door. He kicked it a little so it would open wider before walking inside. 


I was too drunk to even look around. I just knew that his condo was really big because he moved around a lot. Nakapikit na lang ako at nakahawak sa ulo ko dahil umiikot na ang paningin ko. In just a few seconds, I felt the soft foam on my back, followed by the manly smell of his bedsheet.


I opened my eyes a bit and saw him standing in front of me, looking at me while trying to figure out what the do next. He ruffled his hair and turned his back at me. Nilagay niya iyong isang kamay sa dingding habang ang isa ay nakahawak sa ulo. I heard him grunt. Kulang na lang ay i-untog niya ang ulo sa dingding. 

Mending a Ruptured Heart (Bons Amis Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon