Kabanata 1

58 5 0
                                    

"Tapos mo na ba plates mo?


Umupo si Ciara sa tabi ko. Narito ako sa tapat ng building namin dahil may mga benches rito habang kumakain ako ng kwek-kwek na binili ko roon sa may Dapitan. Ang layo nga ng dinayo ko pero kailangan ko ring magpa-print dahil walang computer shop na malapit sa university. Masaya ring mag-lakad kapag hindi masyadong maaraw. 


"Mukha bang tapos na ako?" Inirapan ko ang kaibigan ko. Hindi na ata kami maghihiwalay nito. Simula kinder hanggang college ay magkaklase na kami. Hanggang ngayon, blockmates pa rin kami. 


"Aba, malay ko ba! Mabilis kang gumawa, e! Ako tapos na kaya pwede nang uminom!" Pagpaparinig niya, parang nagpantig ang tenga ko at napalingon ako sa kaniya nang marinig ang magic word. 


"Where?" Tanong ko agad.


Kaunting finalize na lang naman ang gagawin ko sa plates ko at tapos na 'yung kaya pwede na akong sumama sa kaniya. Tutal, Friday naman ngayon kaya walang klase bukas. Pwedeng pwede!


Syempre joke lang. Gusto ko lang talaga mag-relax kahit saglit lang. Kaunti pa lang naman itong ginagawa namin dahil kakasimula pa lang ng semester kaya may oras pa para mag-chillax. 


"BGC," sagot niya sa akin. 


"Ang layo!" Agad na nag-iba ang mukha ko. "Iinom na nga lang, sa malayo pa!"


"Choosy ka pa, ah? Libre ko na ambag mo! G na? Inaya ko sila Mave at pupunta raw sila! Manlilibre daw si Ysabelle kasi may bago daw siyang crush malapit doon! Si Nica, nag-pass." 


"Pag-iisipan ko pa," kinuha ko ang phone ko para tignan ang lahat ng kailangan kong gawin, kaunti na lang naman 'yon. Humarap ako sa kaniya at ngumisi, "Sige na nga, bawal tanggihan ang blessing." 


"Pabebe ka pa, papayag rin pala," Inirapan niya ako at hinatak ako patayo. "Tara na, susunduin ko pa si Cerise."


"Jusme, ang lapit-lapit niya lang, kailangan pang sunduin?! Mag-commute na lang siya papunta rito! Kapag pogi, siya na nga mismo ang dumadayo! Pero kapag kaibigan, kailangan pang sunduin?!" Reklamo ko habang naglalakad kami papunta sa parking. 


Hindi na lang pinansin ni Ciara ang mga reklamo ko hanggang sa makasakay kami sa kotse niya. Gusto ko sanang bumili ng burger at isang bucket ng chicken wings sa may kanto pero siya naman ang nagrereklamong mangangamoy daw sa bagong bili niyang sasakyan at matatraffic daw kami kaya sige! Hindi na lang ako bumili! Ang arte! 


Sinundo namin si Cerise sa may Makati kaya lalo pa kaming na-traffic. Nagreklamo tuloy ako sa kanya pero mukhang wala siyang pakiealam dahil may tinatype siya sa cellphone niya. 


"Nakikinig ka ba?!" Tanong ko sa kanya. 


"Ano ba 'yon?!" Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Hay nako, Avianna Vein, wala akong oras pakinggan ang mga kadaldalan mo at matindi pa ang hangover ko!" 


"May hangover pa pero iinom ulit ngayon? Walastik!" Pang-aasar ko sa kanya. "Kumusta naman kayo noong nilandi mo?" 

Mending a Ruptured Heart (Bons Amis Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon