Kabanata 28

14 3 0
                                    

"I was. I wasn't even there for you when you achieve all your success."


I bit my lower lip and stared at him with hopeful eyes. Bakit kailangan niyang sabihin 'yun? Pakiramdam ko ay umaasa nanaman ako na baka pwede pa kami kahit ang sakit ng pinagdaanan naming dalawa.


"You didn't have to sacrifice your job for it," nahihirapang sabi ko.


He chuckled sarcastically.


"I would give up anything for you."


It sounded too good, I feared for myself. Gusto ko ulit maiyak sa harapan niya dahil kahit ganito ang sinasabi niya, parang nasasaktan pa rin ako. It was part of the reason why we broke up. Because he was so willing to give up anything for me.


"You don't have to," I sighed.


He looked at me. "If I took that case, would I still have a chance to talk to you again?"


Hindi ako nagsalita. Pakiramdam ko, kung napanalo niya 'yon at nanatiling nasa labas ng kulungan si Xander, hindi ko makakayang kausapin siya. Alam kong matagal na kaming wala at wala na dapat kaming pakialam sa isa't-isa pero masyadong importante ang kaso na 'yun sa'kin dahil doon ako nahulog sa kadiliman. Noong panahon na 'yon na naghihirap si Ciara sa buhay, sa pag-aaral at sa iba pang bagay, it was total darkness for me.


"Are you happy?" He asked me when I refused to talk.


Tumingin ako sa buwan at ngumiti nang tipid. Tumango ako sa kanya.


"Of course," sagot ko.


"That's good."


Kung susubukan siguro niyang makipagbalikan sa'kin ngayon, hindi ako papayag. Marami pang tanong na hindi nasasagot. Hindi magandang makipagbalikan sa kanya. Pakiramdam ko naman ay alam niya 'yon kaya niya 'ko inuunti-unti.


O baka ako lang talaga ang naga-assume na may balak siyang subukan ako ulit.


"We should go back," aya ko sa kanya.


Tumango siya at sumunod sa'kin pabalik. Naabutan namin si Atticus na inaasar si Leo sa kung ano. Sa lakas niyang mang-asar, kitang kita kay Leo na pikon na siya.


"Isusumbong kita! Mag-file ako ng disbarment complaint. Gross immorality!" Tumatawang sabi ni Atticus.


"What's that?" Curious na tanong ko kay Veron.


"A lawyer is expected at all times to uphold the integrity and dignity of the legal profession. In Layman's term, lawyers need to behave or they will lose their license. That's disbarment," pagpapaliwanag niya sa'kin.


"So if you want a good husband, Avianna, marry a lawyer. Kapag nambabae, pwede mong i-reklamo. Boom, tanggal lisensya," tumawa si Atticus.

Mending a Ruptured Heart (Bons Amis Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon