Kabanata 12

15 3 0
                                    

"Go Trevor! Wooooh!"


Ang lakas ng sigawan sa Arena nang maka-shoot si Trevor! Nagtayuan kami at halos mapunit na ang banner na hawak namin ni Ciara na may nakalagay na cheer sa school. Nagsisi-talon na kami dahil nakalamang kami ng score sa kabilang school.


"Grabe, ang sakit ng lalamunan ko!" Sabi ni Cerise nang makalabas kami ng Arena.


Natapos ang laro at nanalo kami. Sobrang dikit lang ng score kaya naman mas nakaka-thrill para sa crowd. Ngayon lang ako sumigaw nang sumigaw! Ganoon pala ang feeling!


Narito kami sa labas at hinihintay si Trevor. Sabi niya kasi ay magbibihis lang siya saglit at hintayin namin siya rito. Tinext ko naman si Veron na narito ako sa Arena at sabi niya susunduin niya 'ko pagkatapos ng klase niya.


"Saan tayo kakain?" Tanong ni Ciara. Naka-headband pa siya ng yellow. Lahat kami ay nakasuot ng yellow shirt as support shirt.


"Susunduin ako ni Veron," masayang sabi ko.


Sabay silang napatingin sa akin at parang nag-practice pa dahil sabay rin nila akong pinagsingkitan ng mga mata. Para namang bago sa kanila 'yon! Alam naman nilang naglalandian na kami ni Veron, ah!


"Kayo na?" Tanong ni Cerise


"Hindi pa! Chill ka lang!" Tanggi ko kaagad.


"Huwag ka na magtanong, Cerise. Magkatabi nga silang matulog sa condo noong isang araw," pagkekwento naman nitong si Ciara.


"Ano 'yon?! Fuck buddies?!" Gulat na tanong ni Cerise sa 'kin.


"Hindi, ah! Natulog lang talaga kami! Tangang 'to!" Nag tunog-defensive pa 'ko roon.


"Uy!" Napalingon kami kay Trevor na tumatakbo na palapit sa 'min. Medyo natagalan pa siya, ha. Marami kasi sigurong nag-interview sa kanya. Nakapagpalit na siya ngayon ng white shirt at mukhang fresh na. "Kain muna tayo bago kayo umuwi!"


Hindi na 'ko nakasagot dahil nag-chat si Veron na narito na raw siya. Sinabi ko kung saan ang exact location ko at maya-maya, habang nag-uusap sila Trevor kung saan kakain, nakita ko na si Veron na naglalakad palapit. Naka-jeans siya at naka-navy blue shirt lang. Suot niya na naman 'yung Reebok niyang agaw-pansin.


"Here!" Tinaas ko ang kamay ko para makita niya 'ko.


Napalingon din tuloy sila Ciara sa amin nang marinig ang sigaw ko. Nang makalapit si Veron, may sinabi lang siya tungkol sa parking niya at nilipat na niya ang tingin kila Ciara na nasa likuran ko.


"Sup, Kalix!" Bati ni Ciara at nakipag-apir. Akala mo close sila, e! "Parang noong isang araw lang, tulog ka sa condo namin, ah!"


Napaubo si Veron sa narinig niya kay Ciara dahil sa sobrang hiya. Hinawakan ko siya sa braso at hinatak papalapit kila Trevor para ipakilala siya. Kilala naman na siya ni Cerise kaya hindi na bago sa kanila ang magpakilala ulit.

Mending a Ruptured Heart (Bons Amis Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon