Kabanata 27

18 3 0
                                    

"Napakalandi mo!"


Inis kong hinampas ulit ng bag si Veron. Mabuti na lang ay walang nahulog muli mula sa bag ko. Inis na inis akong tinitignan ang mukha niya ngayon! Ang kapal ng mukha niyang sabihin 'yon habang may girlfriend siya. Balak niya pa ata akong gawing kabit!


"Hindi ka na nagbago! Manloloko ka pa rin," matalim na sabi ko at nilagpasan siya.


Hindi pa 'ko nakakalayo ay hinawakan niya na ulit ang braso ko at pilit hinarap sa kanya. Seryoso siya at may halong galit ang mga mata.


"Where are you going?" Kalmado pa rin siyang nagtanong.


"Uuwi! Bitawan mo nga 'ko! Ang landi mo!" Inagaw ko ulit ang braso ko.


Hindi pa rin talaga niya 'ko tinigilan at talagang humarang pa siya sa dinadaanan ko. Hilong hilo na 'ko kaya huminto na 'ko sa paglalakad at humawak sa ulo ko. Gusto kong hampas-hampasin si Veron pero parang nawawalan na 'ko ng gana makipagtalo.


"Please lang, Veron, wala akong balak maging kabit!"


Napaawang ang labi niya sa sinabi ko at saglit na natigilan. Nang makaget- over, tumikhim siya at nilabas ang susi ng kotse ko mula sa bulsa niya.


"I'll take you home and we'll talk when you're sober," seryosong sabi niya.


Hindi na 'ko nakipagtalo dahil gustong-gusto ko nang umuwi. Hindi niya binitawan ang susi ng kotse ko hanggang sa makasakay na 'ko sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung kailan niya balak ibalik sa'kin 'yun pero nawawalan na 'ko ng pakialam. Mas may pakialam pa 'ko sa ulo kong tumitibok na sa sakit.


"Water," kinuha niya ang tumbler sa backseat at inabot sa'kin.


Uminom naman ako doon, umaasang mawala ang pagkahilo ko. Hindi talaga nakakatuwang uminom nang sobra. Bukod sa masakit na nga sa ulo, kung ano-ano pa ang lumalabas sa bibig ko. Parang hindi ko mapigilan.


"Tapos ihahatid mo pa 'ko. Ang landi mo talaga," bumubulong-bulong na 'ko pero alam kong naririnig niya.


Hindi niya ako pinapansin. Hindi man lang dinedeny ang mga sinasabi ko. Mukhang aminado siya sa sarili niyang malandi siya, ha.


"Baka nakakalimutan mo si Angel. Hello? Iniwan mo siya doon pagkatapos mong makipagbulong-bulong-bulungan!" Ang haba ng sinabi ko.


"Angel?" Kumunot ang noo niya habang nagda-drive.


"E'di 'yung girlfriend mo. Remember? 'Yung pinalit mo sa'kin?!" Matalim ko ulit siyang tinignan.


Suminghap siya at mukhang sinusubukan panatiliin ang maikling pasensya para sa'kin. Hindi niya 'ko tinignan pero humigpit ang hawak niya sa manibela.


"I never replaced you," seryosong sabi niya.


"Ano lang?! Napakasinungaling mo! Kitang-kita ng dalawang mata ko 'yung paglalandian niyo roon sa couch! May bulong-bulungan pa, patawa-tawa, at may paghawak sa binti!"

Mending a Ruptured Heart (Bons Amis Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon