Kabanata 36

33 3 0
                                    

"You are 1 month and 3 weeks pregnant, Miss Hidalgo."


Iyon pa rin ang laman ng utak ko pagkatapos akong i-ultrasound. Hindi ko mapigilang maluha nang ituro sa screen ng doktor kung nasaan ang baby ko. Hindi pa siya masyadong kita dahil kakasimula ko pa lang pero naluha pa rin ako, iniisip na mayroon na 'kong aalagaan sa tyan ko.


I asked a few more questions before I left the clinic, holding a copy of the ultrasound. I went here alone because I wanted to make sure of it first before I tell Veron. Kabadong-kabado ako at hindi makahinga kaya umupo muna ako saglit sa labas ng clinic.


Pinagmasdan ko ang ibang mga babae na kasama ang mga asawa nila. Malalaki na ang tyan ng iba at masaya silang hinahaplos ang tyan ng babae. My lips formed a sad smile. Hindi ko alam kung magugustuhan ba 'to ni Veron. Hindi ko alam kung handa na ba siyang magkaroon ng anak.


Wala pa 'kong pinagsasabihan kung hindi sila Ciara lang. Kahapon, dumalaw silang lahat sa akin dahil akala nila may sakit pa ako. I had the chance to tell them since kompleto naman kaming lahat doon.


Alam kong kailangan ko ring sabihin sa magulang ko. Siguradong hindi ako pagtatrabahuhin noon kapag nalaman! Sasabihin noon ay magpahinga na lang ako sa bahay buong araw para hindi ako mapagod. Kaya ko naman. Hindi pa naman malaki ang tyan ko.


"Hoy, Architect! Late ka! So unprofessional!" Salubong sa 'kin ni Kuya Axon habang naglalakad ako sa hallway papasok sa board room para sa meeting. Teka, anong ginagawa niyan dito?!


"May dinaanan pa 'ko, e," alanganin akong ngumiti sa kanya.


Mabuti na lang at hindi na niya tinanong kung saan ako dumaan. May plano rin naman akong sabihin sa kanya mamaya, e, para lang makita ko kung paano siya magre-react. Baka sakaling ganoon din ang magiging reaksyon ni Veron.


Wala sa meeting si Veron, mabuti na lang. Busy siya ngayon doon sa firm niya at hindi rin naman siya kailangan sa meeting na 'to dahil tungkol lang 'to sa construction sa Rizal. Nanghihingi lang sila ng updates or reports.


Ngayon, nasa opisina lang ako habang kinakausap ang sarili ko. Nakaharap ako sa mirror, nagpa-practice ng pwede kong sabihin kapag may pagkakataon na akong magsalita sa harapan ni Veron.


"Darling, who are you talking to?"


Napaayos kaagad ako ng upo at muntik nang bumaliktad sa kinauupuan ko nang pumasok si Mommy. Tinanggal ko sa ibabaw ng desk ko ang ultrasound. Nilagay ko 'yon sa likuran ko.


"Nothing, mommy... bakit?" Kabado ako dahil baka makahalata siya.


"Kukumustahin lang kita. Ang sabi ng Daddy mo ay parang masama ang pakiramdam mo kanina, tapos maririnig ko pang kinakausap mo sarili mo. Are you okay?" Lumapit si Mommy sa desk ko.


Mabilis akong tumango, hindi pa handang sabihin sa kanya. Balak kong sabihin pagkatapos ko kay Veron. Isa-isa lang! Hindi ko kaya 'to!


"Ano 'yung tinago mo?" Kumunot ang noo niya at sumilip sa desk ko.


Mending a Ruptured Heart (Bons Amis Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon