Kabanata 34

27 3 0
                                    

"Architect, pinapatawag po kayo sa site sa Rizal."


Salubong sa 'kin ng secretary ko sa office. Kakarating ko lang ay aalis nanaman ako. I was wearing a white terno suit and white heels. Akala ko kasi ay mananatili ako sa office ngayon para i-check 'yung interior ng miniature design na ginawa ng team ko para roon sa condo sa Rizal.


"Heels pa more!" Sigaw ni Trevor sa'kin.


Hirap na hirap akong maglakad roon sa lupa papunta sa site. Agad kong hinampas si Trevor nang makarating ako sa harapan niya. Naglagay na sila ng foundation ng building habang wala ako.


"Pinapatawag daw ako?" Tanong ko sa kanya.


"Oo, may babaguhin lang kami nang kaunti sa sukat. Iniinform lang kita," kinuha niya ang blueprint at nilatag roon sa may maliit na lamesa.


Habang pinapaliwanag niya with actions pa kung ano 'yung iibahin, nilabas ko ang cellphone ko dahil nag-text si Veron.


Atty. Castel:

Good morning. You're not in your office today.


"Hoy! Naiwan ba sa Palawan 'yung utak mo?!" Pinitik ni Trevor ang noo ko.


"Ano ba!" Hinampas ko ang braso niya at para kaming batang nag-gantihan.


"Architect, isusumbong talaga kita sa Mama mo! Unprofessional!" Pambabanta niya pa sa'kin.


Umirap ako at binaling na ulit ang atensyon ko sa kanya para makapagpaliwanag siya nang maayos. Nakinig naman ako at hindi naman umangal dahil may sense naman kung bakit nila babaguhin.


"'Yung bahay sa Tagaytay? Nabisita mo ba?" Tanong ko sa kanya.


"Oo, naroon ako kahapon. Sinesementuhan na 'yung sa may extension. Sabihin mo kay Veron, mamili na ng tiles o bricks na ilalagay roon sa labas tsaka sa loob. Pinabago mo 'yung wooden floor, diba?"


Kinuha ko ang phone ko at tinext ulit si Veron.


To: Atty. Castel

Busy ka ba today? Need mo mamili ng design ng tiles.


Atty. Castel:

Okay. See me in my office.


I inspected the site for a bit before driving back to the company. Kinuha ko muna ang clear book sa interior designer ng team ko para sa pagpipilian ng tiles bago ako bumaba sa legal department.


"A-architect! Nasa loob po si Atty. Castel!" Tumayo kaagad si Pinx.


Ngumiti ako sa kanya at dire-diretsong pumasok sa office ni Veron. Naabutan ko siyang nakatayo at nakasandal sa table niya habang may kausap sa phone. Nalipat ang tingin niya sa'kin nang makita ako sa pinto.

Mending a Ruptured Heart (Bons Amis Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon