Simula

93 6 0
                                    

Bons Amis Series #3. 



"Umuulan? Wala ka bang payong?" 


Padabog kong sinarado ang pinto pagkapasok ko sa office ko. Nakaupo sa may dulong couch si Annie, habang pinagmamasdan akong basang-basa. Paano, galing ako sa coffee shop at bigla na lang bumuhos ang ulan. Nakalimutan kong magdala ng payong! Ang tirik tirik ng araw kanina! Tapos bigla bigla na lang magagalit 'yung langit! 


"Obvious naman , 'di ba?" Tinaasan ko siya ng kilay at padabog na nilapag ang basa kong sketch book sa table. 


Fuck, sayang naman! Gusto kong maiyak na lang dahil ang tagal ko ring skinetch 'yung bahay na to para sa bagong project! Sinubukan ko namang protektahan pero ang lakas talaga ng ulan! Kumuha ako ng towel sa drawer ko at pinunasan ang katawan ko.


"Nagpapatawag ng meeting si Mrs. Hidalgo," sabi ni Annie, ang secretary slash cousin ko. "Tayo lang muna tapos sa susunod na ang buong board. Sa office niya daw," dugtong pa niya. I let her spoke formal and informal to me since magka-age lang naman kami.


Tumango ako at hinubad ang suot kong blazer. Mabuti na lang may suot akong blazer kundi basa na rin pati ang suot kong panloob. Pinunit ko ang drinawing ko dahil basa naman na 'yon at wala na 'yong kwenta sa 'kin. Tinapon ko sa basurahan at saka ako naglakad palabas papunta sa office ni Mommy. Sumunod naman sa akin si Annie.


"Architect Hidalgo," bati sa akin ni Daddy at sinenyasan kaming umupo sa may couch, sa may tapat nilang dalawa ni Mommy.


Hindi ko alam kung anong pag-uusapan ngayon. Kapag kami lang pamilya ang pinapatawag ay kadalasan masamang balita.


"So..." Panimula ni Mommy. "Our lawyer died," she casually said like it was not a big deal.


"Okay?" Patanong na sabi ni Annie dahil iniintay ang kasunod. "So?" Naguguluhang tanong niya dahil hindi niya makuha kung ano ba ang nangyayari.


"Our lawyer, Annie. Lawyer of the company. Head of the legal team," I explained to her how valuable that lawyer was. He was the mind of all our negotiations! I mean, admittedly, he was old. Maybe he died of sickness or something related to age.


"We need to hire another one." Dad nervously looked at me. Napatingin kaagad ako sa kanya at kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan. "We just can't appoint someone. Wala pa 'kong nakikitang tatapat kay Atty. Menzo. Nakakalungkot lang na pumanaw na siya nang walang pasabi."


"Okay? What will happen to the other members of the legal team? Resign? Lahat sila ay under ni Attorney Menzo!" I panicked.


"Shush, they will stay. We'll just find another leader for them. They're not that good in functioning by themselves yet. They need to be pushed." I swear I can hear my Mom's nervousness. Hindi ko alam kung dahil ba may mangyayaring masama sa kumpanya o may ongoing na kaso o ano kaya siya kinakabahan. Wala naman kasi akong alam masyado dito dahil Head lang ako ng Architecture Dept.


"Okay, what's the plan? I can look for the best corporate lawyers out there," Annie volunteered.

Mending a Ruptured Heart (Bons Amis Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon