Kabanata 6

21 4 0
                                    

Gabing-gabi na at kakatapos ko lang mag-aral para sa quiz nang maisipan kong kulitin si Veron kahit na kanina pa siya nag-goodnight. I opened my Instagram and sent him a message. Nagbabaka-sakali lang ako na baka gising pa siya. 


aviannavein:

you're an engineer, 'di ba? so, as an engineer, anong gagawin mo kapag umaapaw na ang Dam?


I giggled by myself. Ang tagal kong pinag-isipan 'yon. Dam... Damdamin ko. Natawa ulit ako sa sariling pick-up line. Napaka-brainy ko talaga. 


mveroncastel:

Dam?


aviannavein:

DAMDAMin quOh sau :)) 


mveroncastel:

You need Jesus. 


Mas lalo akong natawa. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang tawa ko dahil baka maistorbo ko na naman si Ciara kahit malayo naman siya sa akin. Baka hindi ako makatulog dahil dito kay Veron, ah! 


aviannavein:

so, bakit gising ka pa? nagtatanim ka ba ng galit sa samgyup? don't worry, ibang food na lang ibibigay ko sa'yo. are you a vegetarian ba?


mveroncastel:

Wala akong hinanakit sa samgyup. And, no, hindi ako masyadong vegetarian.


aviannavein:

malakas pakiramdam ko na tayo ang magkalaban sa finals ng basketball :((


mveroncastel:

Anong connection ng basketball sa samgyup?


aviannavein:

sungit, wala naman hahahaha tayo pwede magka-connection though


Seen.


Tumawa ulit ako at nag-type. Ang cold naman nito! Hindi man lang binigyan ng heart message 'yung chat ko! Huwag siyang mag-alala dahil balang araw, magiging heart niya na ako! Kailangan ko lang talaga ng more practice para gumana ang kalandian skills ko. 


aviannavein:

so, bakit gising ka pa? nag-goodnight ka na kanina, ah?


mveroncastel:

Kasi hindi pa ako inaantok. 


aviannavein:

ayos, ah. mage-engineer ka nyan? ganda ng reasoning


mveroncastel:

Kulit mo. 


Ngumiti ako at nag-type na lang ng goodnight. May quiz pa ako bukas, 'no! Natulog na lang dahil maaga pa ako bukas. Kahit papaano, kailangan ko pa ring mag-aral, 'no! Hindi sa lalaki umiikot ang mundo ko. 

Mending a Ruptured Heart (Bons Amis Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon