Chapter:3

682 13 2
                                    

Gaya nga nang sinasabi ko, nag re-shuffle kami ng schedule ng mga ka department ko and unfortunately, my shift ends till 12 AM buti nalang wala parin akong pasok sa weekend.




"Dapat pala nag neuro nalang din ako para maging ka department ko din si Nikkolai my loves." nakapahalumbabang sabi ni Rina. Nakasalubong ko siya sa counter habang nag checheck ako ng record ng pasyente.




"Mas maganda parin na yung gusto mo talaga ang piliin mo, hindi porket nandoon yung crush mo doon ka na din." sagot ko habang nagbabasa parin ng record.




"Injectionan ko kaya si Nikko ng madaming anesthesia tas iuwi ko tas ipreserve ko, para pag uwi ko galing ng shift eh siya agad ang makikita ko diba? at para ako lang ang nakaka appreciate sa kanya, sarap niyang ipagdamot beh." walang kwentang sabi niya.





Napailing nalang ako at sinara ang record na binabasa ko bago humarap sa kanya."Di ka pa nagiging ganap na anesthesiologist nawalan ka na ng licensiya."



Natawa lang siya at napailing nalang ulit ako bago nag proceed sa next na ward na pupuntahan ko.




Pumasok ako sa room ng isang VIP patient namin na may low grade tumor, he will undergo surgery later aftet the final say of the doctors and of course his family. He's a high school student and I felt sorry towards him because at his early age, he's facing a situation like this.





I gave him corticosteroids as prescribe by his neurologist, this is to lower the swelling in the brain, which can lessen pain from the swelling without the need for prescription pain medications.It may also help improve neurological symptoms by decreasing the pressure from the tumor and swelling in the healthy brain tissue.





Matapos 'yon ay nag punta naman ako sa ibang pasyente, fortunately wala akong naka schedule na surgery na i-aassist ngayon 'yon nga lang, hanggang hating gabi ang shift ko.





"Mauna na ako Li, good luck sa shift!" nang aasar na sabi ni Rina sa akin ng madaan ko siyang nag aayos na ng gamit at handa nang umuwi, alas otso narin kasi.





"Edi wow sayo." saad ko nalang at nagpatuloy na sa paglalakad, may ipapasa kasi akong report sa senior ko.






Pabagsak akong umupo sa desk ko at kagagaling lang sa opisina ng ni Dra. Guttierez, nakaramdam ako ng gutom, di pa ako kumakain dahil deritsyo ang shift ko.






Nilabas ko ang cellphone ko para umorder ng pagkain dahil tinatamad akong lumabas at naumay na ako sa pagkaing sineserve sa cafeteria ng ospital.






Habang nag sscroll ako ng oorderin ay biglang bumukas ang pinto.





"Tara na kasi!" pag pipilit nung isang lalaki kay Nikkolai na mukhang malapit ng mainis.




Napataas naman ako ng kilay, ibig sabihin night shift din siya?






"Tinatamad akong lumabas." inip na sagot ni Nikkolai habang nilalapag sa lamesa niya ang record na hawak.




Napatingin ulit ako sa pinto ng bigla nanaman itong bumukas at iniluwa yung mala koreanang babae na kaaway ni Nikkolai nung isang araw at hila hila pa nito ang isang lalaki na may sout na eyeglasses at mukhang bored na bored sa buhay.





"Nikko! Labas tayo! manlilibre daw si Hans!" saad nito.




"Guys kayo nalang, I need to rest, may shift pa ako hanggang mamaya." sagot niya.





"Ngayon lang eh," nakangusong saad nung babae.
Ngayon ko lang napansin na medyo magkahawig sila ni Nikkolai, magkapatid kaya sila?





Bigla namang tumunog yung messenger ko ng sunod sunod dahil kay Rina, kaya napatingin silang lahat sa gawi ko, ngayon lang ata nila narealized na nandito ako.





"sorry." mahina kong sabi at sinilent ang phone.




Tumago lang yung girl at bumaling ulit ang atensiyon nila kay Nikkolai.




"He said he didn't want to come so let's go, I'm starving for fucking sake Krystal." reklamo nung lalaking hila hila nung krystal.




"See? Punta na kasi kayo ket wala ako." sang ayon ni Nikkolai.





Nauna naman ng umalis yung guy na nag rereklamo.






"Oy Mateo! Gago, teka lang!" sigaw nung isang lalake at nilagpasan si Krystal na mukhang ayaw pang umalis pero in the end sumunod din.




"Hoy Hans!" habol nito.




Pagkaalis nila ay nabalot kami ng katahimikan, naka order naman na ako at hinihintay itong dumating kaya nag laro laro muna ako sa cellphone.





"May night shift ka din?" pag basag ni Nikkolai sa katahimikan.





"Yep." sagot ko habang naglalaro parin.





"What are you doing?" muntik na akong mapatalon sa gulat dahil di ko namamalayan, nasa harap ko na pala siya at nakaupo sa hinila niyang upuan nung isa naming ka department.





"Err...naglalaro?" patanong na sagot ko.





"Ng alin?" tanong niya ulit.





"Chess." maikling sagot ko. Parang nag ilaw naman ang mata niya.





"You wanna play together?" he challenged me.






"Alam mo ba?" pang aasar ko.





"Of course!" he proudly answered so nilapag ko sa lamesa ang phone ko at ginawang multi player.





"What if we add some thrill to the game?" suggest niya kaya napataas ako ng kilay.






"What do you mean?" tanong ko.





"Umhh..like if you win, I'll do you a favor and If I win, you'll do me a favor." sagot niya.






"Uh..sige." pag sangayon ko nalang.





We ended up sharing the food I ordered nang dumating ito, buti nalang medyo good for two yung inorder ko dahil gutom pala tong kasama ko at tinatamad lang na lumabas.






"Checkmate!" nakangising saad niya.





Di naman nag process sa utak ko ang nangyari kaya parang nagreplay pa lahat. Wtf? di ko inakalang mas magaling pala siya sa akin.





"So what's the favor?" I asked immediately dahil 'yon naman talaga ang hinihintay niya.





"Wala kang shift sa weekend?" tanong niya.





"Wala naman bakit?" tanong ko.





"Then lets have a date." nakangiting sagot niya.





Again, parang di nag process ulit sa utak ko.






"I mean not a date-date, it's more like a friendly date, you mentioned kasi last time that there's more filipino dish that I need to taste so I'm asking you to come with me as a tourguide narin. I wanna explore filipino foods." pag i-explain niya kaya naman nahimasmasan ako.





Kala ko naman kung ano na, may gusto pa naman si Rina sa taong 'to.




I am not the kind of person who dates someone that my friend likes.





-🌻

A long trip with you (Medical Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon