2231 Gonzaga, Zephania Li V.
Literal kaming napasigaw ng nanay ko nang lumabas ang result sa Physician Licensure Exam. Halos alogin ko na ni Carl na kapatid ko dahil sa saya.
Pumasa ako! Pumasa ako!
"Ma may Doctor ka na!" halos mangiyak-iyak na sabi ko kay Mama.
"Oo nga anak, masayang masaya ako, congrats." umiiyak na sabi ni Mama, nag yakapan kaming tatlo.
Nakita ko yung picture ni Papa sa side table at napangiti ako.
Pa, Doctor na ako, sana masaya kayo diyan sa langit.
My father died due to heatstroke, isa kasi siyang construction worker at babad na babad siya sa init para lang kumayod ng pera para sa amin, muntik na akong di nakapag kolehiyo nang namatay siya dahil mag isa na lang ni Mama na kumakayod at mababa lang ang kinikita niya sa paglalaba, kaya naman sinikap kong humanap ng scholarship, madami na rin akong naaplayan and gladly natanggap ako sa isa.
Pinagbuti ko ang pag aaral dahil doon, alam naman nating pag bumagsak ka ay pwedeng mawala ang scholarship sayo, natapos ako ng kolehiyo bilang Summa Cum Laude, nurse ang kinuha ko, at mostly sa mga classmate ko ay tutuloy sa Medical School, samantalang ako ay wala ng balak kahit gustuhin ko man, gustuhin ko mang maging neurosurgeon malabo na 'yon para sa isang tulad kong mahirap lamang.
Pero out of the blue, inalok ako ng isa naming university dean ng tulong, parang scholarship na rin, wala kasi siyang anak at malapit kami sa isa't isa, tinutulungan ko kasi siya sa paper works noong college ako at siya na ang bahala sa grocery ko sa dorm.
Masayang masaya ako dahil mukhang matutupad na ang aking pangarap. Pumasok ako sa Med School kasama si Rina, ang best friend ko.
Kaso hindi pala ganun kadali, hindi lang pala pera ang kailangan para makapasok sa Med School, utak at tiyaga din pala. Med School is ten times harder than College, it's like you're living in hell everyday. Halos araw araw my quiz at recit, dagdag mo narin ang mga lab activities. Ang dami din dapat imemorize at mostly sa mga 'yon ay mahihirap pang ipronounce.
Hanggang sa dumating ang internship, kala ko mababawasan na ang hirap ko dahil wala na kami sa Univ. pero hindi pa pala dahil mas mahirap na naman 'to, you should avoid doing mistakes dahil totoo na ang lahat, nasa loob ka na ng ospital at tunay na pasyente narin ang kaharap mo. Everything is hella real.
Naranasan ko naring masigawan ng paulit ulit sa mga senior resident ko. Naranasan ko ng umiyak ng palihim sa loob ng CR dahil sa pagod at hirap, naranasan ko naring di kumain at matulog para lang mag aral, dahil ayaw ko ulit masigawan.
There's a lot of time wherein I thought of giving up, pagod na pagod na ako at parang hindi na kayang i-handle ng utak ko ang lahat. Pero at the thought of my family, I find myself fighting again and doing my best.
Because they need me. My brother is going to attend college soon and my mother is too old already to do hard work. I should give back.
Napapabayaan narin ang love life ko, siguro nung last akong nakaramdam ng kilig is 'nong high school pa ako, but that was just a mere puppy love and nothing serious.
Since that day, I forgot about having a relationship with someone kahit maraming nirereto sa akin ang mga classmates ko. I was too focus on my goal, ang maiahon ang pamilya sa hirap.
I will never settle with a man without settling my family, they are my first priority. And being involved in love right now is like bringing headaches on my own. I believe that the right time will come for that.
But everything changed when I entered my residency, everything was scattered and mixed up.
Because I met someone—someone who came into my life unpredictably—he is Nikkolai Andrei Jung.
—🌻