Chapter: 15

532 13 6
                                    

"Putanginaaaaa! nanamaaan!?"

Yan ang bumungad sa akin pag pasok ko sa isang maliit na ospital kung saan ako nilipat, halatang kulang nga sila sa staff dahil lahat ng tao ay busy. Lahat ay may ginagawa at nakakatakot magtanong sa kanila dahil parang isang diyamante ang bawat segundo.

"Sorry po Doc, di ko po sinasadyang maiisahan nanaman niya ako." nanginginig na paliwanag ng isang nurse.

"Lagi ka nalang naiisahan, lagi ka na lang nalilinlang, kaya lagi kang niloloko  eh, ang rupok mo." saad ng Doctora na parang ka age ko lang.

"Sabing ayaw kong kumain eh, gusto kong makita si mommy! ayaw ko na dito! hinihintay na ako ni mommy!" napabaling ang tingin ko sa kabilang side at nakita ang batang pilit na kumakawala sa  nurse na babae.

Nasaan ba ako?

Tumingin ako sa paligid at humanap ng sign kung meron man. Hanggang sa may nabasa ako sa harap.

Psychiatric Department

Mali nga ata ang napuntahan kong department, ang liit liit na nga ng ospital na'to naligaw pa ako.

Maglalakad na sana ako paalis ng mabangga ko ang babaeng Doktora kanina.

"Halaaa sorry ma'am." paumanhin nito sa akin.

"Ayos lang Doc, uhhh...pwede bang magtanong?" I grabbed the chance to ask her direction.

"Uhh, sige, ano po ba maitutulong ko." tanong nito sa akin, she looks angelic and nice kompara sa inasta niya kanina.

"Saan po ba dito ang opisina ni Dra. Ramirez, ako po yung bagong  residente galing manila eh mukhang maling department pala ang napuntahan ko." sagot ko.

"Ahhh! ikaw yung bago? sige sige sasamahan na kita." masayang sabi nito.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Nagtungo kami sa opisina ni Dra. Ramirez at doon kami nag usap ng mga dapat naming pag usapan.

"Siguro naninibago ka ngayon, kasi akalain mo malaking ospital yung nasa Manila tas bigla kang malilipat dito." sabi sa akin nung Doctora kanina nang lumabas kami sa opisina ni Dra. Ramirez, I'm glad she didn't leave me there.

"Oo nga eh, pero kailangan eh." tipid ngiting sabi ko.

She patted my back and smiled widely to me." Wag kang mag alala, masasanay ka rin, mababait ang mga tao rito, at kung kailangan mo ng kasama nandito lang ako, you might see me chasing some patients there and yelling some of the staff, but trust me, I'm nice. By the way I'm Grace." nakangiting sabi sabay lahad ng kamay.

I reached for her hand and shook it." I'm Li."

"Welcome to Cagayan Doc." nakangiti parin siya.

"Thank You"

Naiilang naman akong ngumiti sa kanya when I noticed that she's starring.

"Alam mo ba, you looked familliar." sabi nito.

"Ah, hahaha maybe nagkita na tayo dati." sabi ko nalang. Maya maya pa ay tumunog ang phone niya.

"Uh, sorry it's my alarm, I gotta go, see you around, nag tuturo kasi ako sa isang University ng psychology." pagpapaalam nito. Gulat man ay tumango nalang ako sabay ngiti sa kanya.

Nagpunta ako sa town para bumili ng mga kailangan ko, at para i-familiarized narin ang mga lugar dito, bukas pa naman daw ako magsisimula kaya gagamitin ko nalang ang araw na'to para magpahinga ang mag ayos sa bago kong titirhan.

This is the deal, I agreed with Dra. Guttierez, ililipat nila ako sa country side dahil kulang sila nga sila ng staff dito, I'm going to do a double shift, kapalit 'non ay ang paggamot sa nanay ko, alam kong mahihirapan ako ngayon pero it'll be worth it if my mom will survived.

A long trip with you (Medical Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon