Nagpunta ako sa cafeteria at wala ng masyadong tao, tapos narin kasi ang visiting hour.
Pagkakuha ko ng pagkain ko ay naupo ako sa gilid malapit sa glass window kaya tanaw ko ang city lights.Nagsimula na akong kumain nang biglang may nag lapag ng tray sa harapan ko, automatic akong napaangat ng tingin at nakita nanaman ang nag iisang si Nikkolai, 'bat ba lagi nalang 'tong sumusulpot, mamaya may mag issue na naman sa amin.
Tinanguan ko lang siya at nag patuloy sa pagkain, umupo naman siya at nagsimula naring kumain.
"Tapos na surgery niyo?" tanong ko sa kalagitnaan.
"Yeah, it's draining, the patient nearly died." sagot niya kaya naman napatingin ako sa kanya ng wala sa oras.
"Ha? Paano? diba si Dr. Rodriquez ang lead surgeon niyo? He's excellent." nagtatakang tanong ko.
"Yeah he is, pero dahil ata maraming pumupuri sa kanya ay nagtiwala siya sa sarili niya ng lubusan. Puyat pala siya at may konting hang over pa mula sa party na pinuntahan niya last night, Dr.Gomez is going to take over but he insisted that he can do the operation, and look what happened, he accidentally cut the fucking vein connecting to the heart of the patient." pag ra-rant niya.
Parang na turn off naman ako kay Dr.Rodriquez, isa pa naman siya sa mga Dr. na hinahangaan ko dito but either way, we all make mistakes from our foolishness but hoping that it will serve as a lesson to him.
"Ikaw? kumusta ang duty?" he asked me changing the topic.
"Ayos lang kahit sobrang toxic." sagot ko. Tumango naman ito. At ewan ko dahil bigla kong naalala si Rina.
"May tanong ako." saad ko kay Nikkolai.
Tumingin naman ito sa akin habang ngumunguya at tinaasan ako ng kilay.
"Single ka ba? or my girlfriend ka na?" deritsyong tanong ko.
Agad niya namang nginuya ang pagkain niya at uminom ng tubig." Why?"
"Yes or no lang eh." reklamo ko naman na siyang ikinatawa niya.
"Bakit nga muna?" nakangiting tanong niya.
"Liligawan kita, char baka maniwala ka nanaman." pag bibiro ko.
"Crazy. I'm single, obvious naman diba." sagot niya.
"I'm just making sure, rereto sana kita, want mo?" nakangiting sabi ko.
"Reto? what's that?" nakakuno't noong tanong niya.
Amputek naman." Sabihin nalang nating blindate, uso 'yon sa korea eh, daming ganoon sa mga pinapanood kong k-drama."
"Ahh...solid pass." sagot niya naman.
"Lah, pass agad di mo pa nga alam kung sino eh." sabi ko at kinain na ang last na ulam sa plato ko bago uminom ng tubig at tumingin ulit sa kanya.
"Oh sige, describe her." sagot niya kaya napangiti ulit ako."Maganda, mayaman, nasa medical field din, matangkad, uhmmm basta ideal girl siya ng karamihan." sagot ko.
Pero instead of saying something he just laugh at me.
"Lah, saya ka? Ano game na ba?" tanong ko ulit but before he can say something, someone came in between.
"Andrei! kanina pa kita tinatawagan!" sigaw nung pinsan niyang si Krystal ata, basta yung mukhang koreana dahil may lahing korean. And it seems that she didn't even notice me.
Tumingin naman si Nikkolai dito at napansin lang ako nung babae nang makalapit siya sa table namin.
"Ohhh, h-hi" mukhang gulat pa na bati niya sa akin bago bumaling kay Nikkolai.
"Weo?" tanong sa kanya ni Nikkolai.
"Wala lang, trip ko lang tawagin ka ng parang may emergency." nakangising sagot nito.
Awiit, lakas din ng tama ng isang 'to eh, akala ko pa naman may emergency na dahil sa way ng pagtawag niya kanina.
Napailing nalang si Nikkolai and then silence embraces us.
"Hmmm, By the way, Li this is Krystal."pag babasag ni Nikkolai sa katahimikan.
"Hi. I'm Li." nakangiting sabi ko kay Krystal.
Umupo naman ito sa bakanteng upuan katabi ni Nikkolai at ngumiti sa akin."Annyeong."
"Mag ka department ba kayo?" tanong nito sa akin at tumango naman ako.
"A-are you by chance in a relationship?" she asked again at muntik ko nang nabuga ang iniinom kong tubig.
"Hindi."sagot ko habang umuubo pa. Napaka ramdom naman ng babaeng 'to.
"Sayang, bagay pa naman kayo. I heard rumors about you two and I wish it was all true pero hindi pala." disappointed na sabi niya.
Nag aalinlangan naman akong ngumiti.
"Iba taste niyan, nirereto nga ako sa iba." sabat ni Nikkolai.
Nanlaki naman ang mga mata ni Krystal pagkatapos ay biglang natawa ng malakas kaya pinagtinginan kami ng ibang tao sa cafeteria.
"OMG, si Nikkolai nireto? HAHAHAHA kawawa ka naman. Beh di mo mo ba bet 'tong pinsan ko? HAHAHA." tumatawang tanong sa akin ni Krystal.
"Hindi eh." honest na sagot ko na siyang mas nagpatawa kay Krystal.
"Hahaha girl, bet na talaga kita, sa wakas may taong may ayaw sa lalaking 'to." pagtutuloy niya, as if naman bet din ako ng pinsan niya haha.
Nakitawa nalang ako sa kanya. She looks so intimidating but she unbelievably have this side pala, carefree.
"By the way, night shiftier ka ba ngayon?" tanong sa kanya ni Nikkolai at malungkot itong tumango.
"Buti nga sayo, mababawasan na ang pagpaparty mo." tukso sa kanya ni Nikkolai.
"Anong party, di na nga ako pumaparty eh, sobrang busy ko kaya." pag dedefend ni krystal sa sarili niya.
"Busy sa paghabol ng taong ayaw naman sayo." nakangising sabi ni Nikkolai sabay inom ng tubig. Bumabawi.
"Ulol, di ka sana magka jowa forever. Li wag mo ng ituloy ang pag reto, hayaan mo siyang tumandang binata." sabi sa akin ni Krystal habang nakanguso.
Napatawa nalang ako ng bahagya, they look so cute together, pag di lang sila mag pinsan ishiship ko silang dalawa.
After naming kumain ay bumalik na kami para ipagpatuloy ang mga rounds namin.
"Hatid na kita." pag o-offer sa akin ni Nikkolai habang inaayos ko ang bag ko.
"Ha? Hindi na, mag tataxi nalang ako." pagtanggi ko, lagi na niya kasi akong hinahatid at nakakahiya na, tapos may living CCTV pa, mamaya mas madagdagan ang issue sa aming dalawa.
"Common, it's already midnight, mahihirapan kang makakuha ng taxi." he insisted.
"Nag grab na ako, parating na siya." sagot ko at pinakita sa kanya ang screen ng cellphone ko.
Sinamaan naman niya ako ng tingin." I told you, I'll drive you home everyday."
"Hay nako Nikkolai, wag ka ngang ngumunguso diyan, ampanget mo." natatawang sabi ko at nauna ng lumabas, sumunod naman siya sa akin hanggang sa labas ng hospital, eksakto nandoon nadin yung taxi.
"Una na ako, uwi ka na rin." sabi ko sa kanya.
"Yeah, take care, tsaka anong oras yung birthday ng kapatid mo?" tanong niya.
"OMG, buti pinaalala mo, malapit ko na siyang makalimutan, you can come 6:30PM kasi dinner naman siya." sagot ko. Tumango lang ito at kumaway, sumakay naman na ako sa taxi at umuwi.
This day is indeed very exhausting.
-🌻