Chapter:2

801 13 4
                                    

"OMG!!! HE TALKED TO YOU!?" halos mapatakip ako ng tenga nang asarin ko si Rina about kay Niko.

"Oo? big deal na ba 'yon?" tanong ko sa kanya habang nagsusulat ng bibilhin ko mamaya. Nasa apartment ko kami dahil 'tong baliw na'to ay naki sleep over.

"Jusko, sasabihin ko na talagang nanirahan ka sa ilalim ng bato! Apo siya ng may ari ng ospital Li! Apo! alam mo 'yon?" halos sigawan niya ako.

Nabigla naman ako, kaya pala ganoon ang tingin niya sa akin kagabi, sikat pala siya, apo siya ng may ari ng ospital tas di ko alam...pero di naman kasalanan na di ko 'yon alam diba? besides pareho namang hangin ang nilalanghap namin.

Lunes nanaman kaya back to work nanaman. Pumasok ako sa office ng department namin at nilapag doon ang dala kong bag, wala ng tao sa loob kaya I assumed na nasa shift na sila or di pa dumarating. Lalabas na sana ako matapos kung icheck ang schedule ko nang bumukas ang pinto, it was Nikkolai.

"Good morning Doc." he greeted me.

"Good morning too Doc." bati ko pabalik.

Pagkatapos noon ay lumabas na ako. Agad naman siyang sumunod at sinabayan ako sa paglalakad kaya napansin kong napapatingin sa amin ang ibang nurses at hospital staff, ganoon na ba siya ka sikat? 'bat di ko 'yon alam?

"So how's your weekend?" he asked me while were walking at the hallway.

"Huh? uh...ayos naman?" patanong na sagot ko. Bat niya ba tinatanong?

"Okay." he answered the silence embraced us again.

"Are you not going to ask me too?" he suddenly asked me which made like 'why would I?'

"Uh...Di sa rude ako ha, pero wala ngay akong pake sa weekend mo hehe." sagot ko.

"Ngay? what's that?" he asked me confused.

Sa haba ng sinabi ko 'yon lang ang mapansin niya." Uh.. nothing, it was just an expression, or more likely my province's language."

"Ohhh...so you're not interested with my weekend 's happening?" paninigurado niya.

"Nope." sagot ko popping the last p. I don't know kung bakit siya ganito, like we dont even know each other that much.

"Owww, by the way, it's also fine. Share ko lang kahit di ka interested." saad niya kaya tumango nalang ako at nauna nang pumasok sa ward. He's wierd. Ano bang nagustuhan ni Rina sa kanya. Looks? Maybe. I won't deny, he's handsome. But physical features can't feed you in the future. Hindi pwedeng puro mukha lang ang ambag.

Bumalik ako sa office ng dept. namin nang mag lunch break, yung dalawang ka department ko lang ang nadoon ngunit di nila ako napansin dahil nakasalampak sa sofa yung isa at naka tulog naman sa desk niya yung isa.


Di ko nalang sila pinakialaman dahil alam kung puyat at pagod sila, may mga kasama kasi kaming may duty parin sa weekend at pang night shift pa, swerte ko nalang ang free time ko ng weekend pero pwede din mapalitan ang schedule ko pag mag shuffle ulit kami.

Dahan dahan nalang akong lumabas at nagtungo sa cafeteria.

Muntikan ko ng mabitawan ang hawak kong tray nang biglang sumulpot sa likuran ko si Rina.

"Hoy, babae, ano 'tong naririnig kong chismis ha?" bulong niya sa akin.

Agad namang kumunot ang noo ko."Anong chismis ba 'yan"

"Narinig kung pinaguusapan kayo ni Nikko ng mga nurse kanina, sabay daw kayong naglalakad sa hallway at nag kwekwentuhan pa." parang nagtatampong sagot niya.

A long trip with you (Medical Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon