"Doc patulong naman sa thesis oh." pagpapacute ng babaeng residente under sa akin.
"Kala ko ba di mo na kailangan ng tulong ko?" pagbibiro ko rito sabay kuha ng research paper niya.
Inexplain ko sa kanya ang mga dapat niyang i-improve at ang dapat niyang palitan, swerte ng mga residente ngayon, di masyadong strikto ang mga seniors nila di tulad sa amin noon.
"Ayoon, salamat po Doc." ani ni Nika. Nasa pangalawang taon na siya ng pagiging residente rito. At sa mga dumaan sa akin na residente, siya lang ang naging sobrang close ko dahil kahit napapagalitan ko siya minsan ay di siya nagtatanim ng galit, instead, she'll bring you coffee everyday, lakas niya makakonsensya. Lagi din niya akong kinukulit, parang di niya ako senior.
Kaya naman naging close ko siya. I once invited her to my house noong New year and we celebrated it with my family dahil di siya nakauwi sa kanila dahil may pasok agad kinabukasan, at doon, nagsimula siyang mag ka crush sa kapatid ko na wala namang pakialam sa kanya.
Di ko rin maintindihan ang kapatid kong 'yon, laging tutok sa kanyang mga libro, puro aral ang inaatupag, nag aaalala na nga ako sa social life niya, di na nga rin ako sure kung meron ba. Nasa 1st year na siya ng law school, ang bilis ng panahon, parang kailan lang nung nasa highschool pa siya.
"Pupunta ba si Carl dito?" biglang tanong sa akin ni Nika. Ayan nanaman siya sa kapatid ko.
"Wala naman siyang sinabi, tsaka maniwala ako 'ron, exam week nila ngayon, baka sa liblary na nga 'yon nakatira eh." sagot ko.
"Owwww, dalhan ko kaya ng pagkain?" nakangising saad nito.
"Daming oras ah, yung pasyenteng pinapacheck ko sayo? tapos mo na ba?" tanong ko rito.
Para naman siyang nagising sa katotohanan na may trabaho na pala siya at kontrolado ang oras niya. Dahan dahan naman siyang tumayo bago kumaripas ng takbo papuntang pintuan.
"Sorry po Doc!" mabilis niyang sabi bago tuluyang umalis.
Napailing nalang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Katatapos ko lang mag check ng outpatients kanina at sobrang dami nila kaya naman marami din akong gagawin ngayon.
Pagkatapos kong gawin ang mga dapat kong gawin ay nag stretch stretch ako ng katawan, halos tatlong oras na pala akong nakaupo. Lumabas ako sa opisina ko at nagpunta sa mini garden sa rooftop para magpahangin.
Pagdating ko roon ay may iilang doctor at pasyente rin. Umupo ako sa gilid habang hawak ang kapeng binili ko kanina, tumingala ako sa langit na malapit nang dumilim.
Lihim ako napangiti sabay inom ng aking kape. It's been 5 years already, but that tragedy still hunts me at night. The scar never healed, malalim parin. And of course regrets. I should at least told him that I love him.
Maraming bagong tao sa palagid ko, they also make me happy but unlike before, I am still longing from those old memories and feeling, I felt alone.
Eli and Mateo started a family in Germany, doon narin sila nagtratrabaho. Krystal went back to Korea, I don't know how she is now, she deactivated all her accounts, even Eli can't get a hold of her and then one day, Hans, I saw him crying, and then the other day he's bidding his goodbye to me and went to Hawaii. Naiwan akong mag isa. Sometimes, I think that this is the payment of my one wish...maybe.
Nang maubos ko ang kape ko ay bumaba na rin ko. I did some rounds pa bago tuluyang umuwi. Sinundo ko si Carl sa Diliman dahil chinat ko siya kanina. He hopped inside my car, nilagay niya sa likod ang kanyang bag at dalawang makakapal na libro after that he removed his round specs at pumikit, halatang pagod na pagod.
"I told you not to overdo it. Give yourself some break." pagpapaalala ko rito habang nagdradrive.
"I wasn't able to review, pagod ako sa pagtatago." he answered still eyes closed.
"Huh? saan?" takang tanong ko.
"Girls, College freshmen to be exact, they're exerting all those fucking efforts to come to my department." sagot niya.
Di ko naman mapigilang matawa. Naol heartthrob.
"Is that funny? urghh." he said frustrated.
"May gayuma ka ata kasi. Even Nika is interested in you." pangaasar ko pa.
"Isa pa 'yan, are you not supervising your juniors ate? di ko na mabilang kong nakailang tawag at chat siya sa akin ngayong araw, I'm starting to hate technology!" inis na saad nito.
Pero in fairness, mukhang madaming oras si Nika ah, pagalitan ko nga.
I just treated him dinner and after that ay binalik ko narin siya sa dorm nila dahil kailangan niya na daw mag aral.
After that I went home to my Condo just near the hospital para pag may emergency ay madali lang akong makakarating. As I sat on my couch, I stared at my blank T.V, again, emptiness fill me. Panandaliang saya nalang ang lahat ngayon.
I am planning to take a break as a doctor and travel the world to entertain myself, baka mawala ang sakit, baka mawala ang mga alaalang nais kong balikan ngunit di na pwede, baka mahanap ko ulit ang sayang di panandalian lang...baka lang naman.
I went to take a bath in changed into my pajamas. Agad akong umupo sa kama ko at sumandal sa headboard. I opened my phone and scrolled through my feed until a shocking news appeared.
'GRANDSON OF THE JUNG MEDICAL WOKE UP AFTER 5 YEARS IN A VEGETATIVE STATE'
I am starring at my phone screen intently after reading the headline. Unti-unting pumatak ang aking mga luha hanggang sa lumabo ang paningin ko.
He's alive, he did it.
—🌻