Chapter:7

562 11 6
                                    

Kahit pagod na pagod at inaantok parin ako ay pilit akong bumangon ng maaga para sunduin sila Mama sa bus terminal. Nagsout lang ako ng casual na damit at nagtungo na roon, saktong kabababa lang nila ng bus nang dumating ako.

"Ma!" pagtawag ko sa kanila at agad silang na patingin sa gawi ko, lumawak naman ang ngiti ni Mama at kumaway si Carl.

Lumapit ako at agad silang niyakap."Welcome to Manila."

"Ang taba mo na ate." pagbibiro ni Carl pagkatapos.

"Lah, paopera na natin yang mata mo, di na nga ako kumakain eh." pag dedefend ko naman.

Tumawa lang ito at mas lumiit ang singkit nitong mata na namana niya kay papa, mukha tuloy siyang chinese. Napansin ko ring mas matangkad na siya sa akin, ang bilis talaga ng panahon.

Nag take out nalang kami ng pagkain dahil madami silang dala at para makapagpahinga narin sila dahil sobrang aga nilang bumiyahe kaya maaga rin silang nakarating.

"Ma, pwede kayong humiga sa kama ko kung pagod kayo." saad ko habang inaayos ang mga dala nilang gulay.

"Sige anak, iidlip muna ako ng konti." sagot nito at nagtungo sa kwarto ko.

Tumango lang ako at tumingin kay Carl na naka upo lang sa sofa." Ikaw? di ka ba magpapahinga? malawak naman yung kama ko."

"Hindi ate, nakatulog ako sa bus kanina." sagot niya.

"Ah,mabuti naman. Tsaka bakit andami niyo naman atang dalang gulay, mag isa lang naman ako." saad ko.

"Bigay mo daw sa mga ka work mo." sagot naman niya.

Tumango nalang ako, afford naman ng mga ka work ko ang gulay tsaka di uso ang bigayan dito.

Pagkatapos kong ayusin ang mga dala nila ay inaya ko si Carl para mag grocery at bumili ng mga kakailanganin sa handa niya, di naman daw siya pagod kaya sinama ko na para may taga bitbit ako.

Kasalukuyan kong niluluto ang pasta para sa spag. nang tumunog ang doorbell.

"Carl, pasuyo naman nung pinto, baka si Rina na yan." tawag ko kay Carl na nag se-set up ng para sa barbecue sa may terrace.

"Kaibigan mo parin yon?" takang tanong niya sa akin.

"Aishh, buksan mo na lang kasi." I said instead. Alam ko namang ayaw nila kay Rina, dahil di ko maipagkakailang maarte siya, syempre laking mayaman, pero siya lang naman ang nag iisang kaibigan ko.

Umiling nalang siya at nagtungo rin lang sa pintuan para buksan ito.

"Ate!" Muntik ko nang mabitawan at hawak kong container sa biglaang pagsigaw ni Carl.

"Ano ba 'yan!? para kang bata." medyo inis kong sabi dahil talagang nagulat ako.

"Inis yan?"

Natigilan naman ako sa pag tratransfer ng pasta sa container dahil sa nagsalita. Unti unti ako napalingon at nakita si Nikkolai, nasa likod pa niya si Carl na di malaman kung tama bang pinapasok niya si Nikko.

"Lah,ang aga mo ah." sabi ko at tinignan ang oras na nakasabit sa pader. Alas sais palang.

"Na bored ako sa bahay eh." kibit balikat na sagot niya.

"Ana----" naputol sa pagtawag sa akin si Mama na kagigising lang dahil nagulat siya sa presensya ni Nikkolai.

Nagpalipatlipat ang tingin nilang dalawa ni Carl sa amin ni Nikkolai.

"Ah, Ma, Carl si Nikkolai pala, ka department ko siya ospital." Pagpapakilala ko kay Nikkolai.

"Magandang gabi po." magalang na bati ni Nikkolai. Ngumiti naman si Mama at si Carl.

A long trip with you (Medical Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon