Katatapos ko lang mag patuyo ng buhok at matutulog na sana dahil antok na antok at pagod na pagod na ako nang tumunog ang aking cellphone, ka oopen ko lang siya kanina ngunit ngayon ko lang titignan.
"Oh?" tinatamad kong sagot sa tawag kahit di tinitignan ang caller I.d, sumalpak narin ako sa kama at humiga habang nasa tenga ko ang cellphone."I told you to wait for me." doon ko lang nalaman na si Nikkolai ang tumawag.
"Antok na antok na ko eh, tas required bang hintayin kita ha?" sagot ko, nagawa ko pang umirap sa kawalan kahit gusto ko nang pumikit.
"Sumabay sa akin yung kaibigan mo, sino na ba 'yon? Ah si Ina." pagdadaldal niya at di sinagot ang tanong ko.
"Maganda 'yan, baka siya na talaga ang someone mo, tsaka Rina 'yon hindi Ina, ulol." Nawala tuloy yung antok ko dahil sa pagkakamali niya sa pangalan ni Rina.
"Ah, ok, Rina or whatever. She's not my type." deritsyong sagot niya. Parang ako naman ang nasaktan para kay Rina, awwit.
"Wow, taas ng standards ha, si Rina na 'yon ah, consistent beauty queen namin 'yon nong college tas di mo type, mali 'yon Nikkolai, minus 1 ka sa langit." pagbibiro ko.
"It's not the beauty for me, it's the substance. And siya ba tinutukoy mong irereto mo sa akin?" tanong niya.
"Sana all substance, oo siya nga, galing mong manghula ah." napaupo ako sa kama dahil nawala talaga yung antok ko, bwisit na Nikkolai 'to.
"Whatever Zephania Li." he stated my whole name.
Kumunot naman ang noo ko." Staker ka 'no? saan mo nalaman boung pangalan ko."
"You told me before, are you nuts?" kahit di ko siya nakikita, alam kong nagkasalubong ang kilay nito.
"Ay weh? true ba? 'bat wala akong maalala?" saad ko at pilit na inaalala kung kelan ko sinabi sa kanya.
"Maybe because you're getting old, ikaw ata ang dapat humanap ng someone sa ating dalawa eh." biro niya.
"Alam mo, apaka gago mo."inis na sabi ko but he just laugh.
Pinatay ko na lang yung tawag at may pahabol pa siyang message na nangaasar, baliw na talaga siya.
Sabado ngayon at rest day ko nang biglang nag chat si Nikkolai na ngayon na daw namin gawin yung part 2 ng food trip niya, kaso tinatamad talaga akong lumabas at gumawa ng kahit anong bagay ngayon dahil katatapos ko lang linisin ang boung apartment at maglaba ng isang bundok na damit kaya si Rina ang pinadala ko without telling Nikkolai, bahala na sila kung anong gagawin nila, di pa naman kumakain ng street foods si Rina, at mapili sa mga filipino dish, may kinakain siya at meron ding hindi. Nakokonsensya ako para kay Nikkolai pero tinatamad talaga ako, tsaka malay ko mag bago tingin ni Nikkolai sa best friend ko, edi wala na akong problema.
Nakahiga lang ako sa sofa at naka on pa ang TV kahit wala naman akong balak manood. I opened my Instagram at inistalk si Lau, magaling akong detective sa social media kaya nalaman ko agad ang username niya, ganito ka determinado pag interesado ako sa isang tao.
Elizabeth Lauren pala ang boung pangalan niya, walang masyadong post sa insta. niya, puro mga pagkain, sunset, sunrise, stethoscope, mga related sa medicine, nasa lima lang ata ang picture niya, tas likuran niya pa yung dalawa, may selfie rin siyang naka sout ng scrub tas selfie ulit at parang noong intern pa siya, mahinhin sa personal tas mahinhin ulit sa social media, but either so, finollow ko parin siya.
I shifted on facebook and searched her name, umaasang mas active siya rito pero I failed, halos lahat na ata ng possible na name niya sa fb trinay ko na pero wala parin so pumunta ako ng twitter pero mas lalong wala akong nakita. Haysss, ganda ganda niya eh, tas type kong kaibiganin yung mga tulad niya, mahinhin, halatang good influence.